Showbiz Central hosts try out the digital "Don't Lie To Me" segment

Showbiz Central hosts (from left) Raymond Gutierrez, Pia Guanio, John "Sweet" Lapus, Rufa Mae Quinto and Mo Twister.



Ang limang hosts ng Showbiz Central na sina Pia Guanio,Raymond Gutierrez, Rufa Mae Quinto, Mo Twister at John "Sweet" Lapus ang mgakauna-unahang sumalang sa taong 2009 para sa "Don't Lie To Me" segment, nangayon ay gumagamit na ng digital lie-detector machine.

Isang tanong lang ang puwedeng ibatong tanong ng isang hostna matotokang magtanong sa kanyang co-host habang nakakabit dito ang lie detector.

JOHN LAPUS. Bilang host ng naturang segment, si Sweet angunang na-interrogate at si Raymond ang natokang magtanong sa kanya. Ang tanong ni Raymond ay kung sa palagay ba ni Sweet ay maykinalaman si Boy Abunda kung bakit hindi siya nakasama sa pinakabagongbillboard ads ng Calayan endorsers.

Sweet answered, "Yes," sabay sabing, "Paapelahin n'yo akoafter, ha. Honestly, yes!"

Tumugma naman ang resulta ng lie-detector machine na "Truth"ang lumabas sa sagot niya.

Paliwanag ni Sweet, "Bago maging isyu, paapelahin n'yo munaako. Feeling ko naman, not directly. Buong December, simula nang lumabas‘yang billboard na ‘yan, Pia, ang dami nang nangungulit sa akin. Oo nga naman,two years na akong endorser ng Calayan..."

Dinugtungan ito ni Pia ng komentong masugid daw na bumabatisi Sweet sa Calayan Surgicentre kada linggo.

"Precisely, that's my point!" susog ni Sweet. "So, bakitlahat, ako lang ang wala? Yung mga reporters, tinatanong ako. Noong una, dedmaako, pero nagsimula na akong maapektuhan, nag-self-pity na ako. ‘Girl, oo nga,bakit wala ako? Hindi ba ako maganda?' Si Doc Manny at si Dra. Pie [Calayan]ang nagpaganda sa akin.

"Alam n'yo naman ako, praning ako sa ganyan. In fairnessnaman talaga, apparently, the company pala that is handling the ads campaignfor Calayan is owned pala by Tito Boy, Kris Aquino, and si Dondon Monteverde‘yang pangatlo. Grupo sila.

"But in fairness kay Tito Boy, nakausap ko na rin yung mgataong involved, dun sa mismong ads, hindi siya nakialam. So, ang feelingko, ang mga nakialam sa konsepto, again, not indirectly, kapag isinama ko pa siJohn Lapus, baka dalawa na silang bakla run," lahad ni Sweet.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi ni Rufa Mae kay Sweet na humingi na lang siya ngsolong billboard kay Dr. Calayan.

Pahayag naman ni Sweet: "Well, in fairness, si Doc Manny,kadarating lang niya. Nag-text siya sa akin at meron daw siyang pasalubong.Hindi ko pa lang alam kung ano. Pero Doc, ibalik mo ang peace of mind ko.Please, enlighten me. Hindi ko pa alam ang nangyari."

Hirit naman ni Raymond, baka solo billboard daw angpasalubong sa kanya ni Doc Manny.

"Why not? Gusto ko yun!" sabi ni Sweet.

RAYMOND GUTIERREZ. Si Raymond naman ang sumunod na isinalangsa lie-detector machine at si Mo Twister naman ang nag-interrogate sa kanya.

Ang tanong ay kung nagseselos ba si Raymond sa success ngkambal niyang si Richard Gutierrez?

"No," ang naging sagot ni Raymond na sinang-ayunan naman nglie-detector machine.

Ayon kay Raymond, "Of course not! Bilang magkakapatid, ibaang career direction namin. Iba ang career direction niya as an actor, iba angcareer ko as a TV host. His job demands more time, so iba ang pay sa kanya. Akonaman, I have the whole week off to do what I want and I really like what Ido."

Sinadya ba talaga niya na maiba siya sa career path ng mgakapatid?

"I just wanted to do something that I like," sagot niRaymond. "I cannot take the hours of taping. Hindi ko kaya yung orastalaga. And for me, I'm 100 percent supporter of my brother. Wala akongselos sa katawan in terms of that."

Mo asked Raymond kung naiinis ba siya sa mga taongnagko-compare sa kanilang dalawa ni Richard.

"Well, hindi pa ba sila tapos sa pagko-compare? Parangfour years na ako sa showbiz. I think it's about time that they don't compareus anymore," sabi ni Raymond.

PIA GUANIO. Si Pia ang ikatlong sumalang sa lie-detectormachine at ang nag-interrogate sa kanya ay si Rufa Mae. Ang tanong kay Piaif she will ever consider doing a nude pictorial for Vic Sotto?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Halatang nagulat si Pia sa tanong sa kanya kaya nasabinitong, "P-chi [palayaw ni Rufa Mae], akala ko pa naman friend kita! Ikaw paang nagtanong sa akin ng ganyan! Si Mo Twister puwedeng magtanong sa akinng ganyan, pero ikaw pa?"

Hirit naman ni P-Chi, "I think, siya [Mo] ang gumawa ngtanong na ‘yan, ipinabasa lang sa akin!"

Pia's answer, a big "No!" Pero "Lie" ang lumabas salie-detector machine.

"Well, hindi ko alam kung bakit nag-lie ‘yan! Inspector?"natatawang reaksiyon ni Pia. "Hindi, na-high blood lang ako sa dami ng lechon,hamon, keso de bola na kinain ko over the holidays."

Ayon sa mga co-host ni Pia, there's nothing wrong naman dawwith that especially kung boyfriend naman niya.

"Magwo-workout muna siguro ako," sabi naman ni Pia.

RUFA MAE QUINTO. Ika-apat na sumalang sa lie-detectormachine ay si Rufa Mae, at may threat si Pia, na siyang nagbato ng tanongkay P-Chi. Gaganti daw si Pia. Bago magtanong ay humirit muna si Pia ng:"Stop muna ang friendship, ha."

Ang tanong: Naging kayo ba talaga ni Billy Crawford?

"No," ang sagot ni Rufa Mae pero kagaya ni Pia ay "Lie" rinang lumabas na resulta.

"Hindi, 2009 na po!" apela ni Rufa Mae. "Ayoko nangpag-usapan ang kahit sinong past. Kasi nga, di ba, ano ba ‘yan? I'm excited formy future. Pero huwag na natin itong ulitin ulit!" tawa niya.

MO TWISTER. Pinakahuling in-interrogate ay si Mo Twister, nanangakong magiging honest at palagi naman daw siyang honest siya sa bawatsagot. Ang nagtanong sa kanya ay si Sweet, na pinaghandaan daw talaga angkanyang katanungan.

Ang tanong Sweet kay Mo ay kung meron ba talagang sex videoang kaibigan niyang si Dr. Hayden Kho.

"Hindi ko naman buhay ‘yan, a!" nagulat na reaksiyon ni Mo.Pero pagkatapos nito ay sumagot siya ng "Yes" at "Truth" ang naging resultanito.

"Narinig ko lang...narinig ko lang," natatawang sabi ni Mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong ni Sweet kay Mo kung saan niya narinig.

"Sa mga techinician doon..." sagot ni Mo.

Follow-up naman ni Rufa Mae: "Saan, sa Greenhills?"

"Hindi! You know, hindi ko napanood kung meron. Parangfeeling lang," sabi ni Mo.

Tanong ni Sweet kung tinanong daw ba ni Mo si Hayden.

"Nahiya ako, e," sagot ni Mo. "Just assuming. Okey langnaman yun, e. Sabi naman ni Pia, if ever, puwede rin. Hala! Nandamay pa!"

Tinapos ni Sweet ang naturang segment sa pagsa-suggest nadapat daw sigurong maulit ang pagsalang nilang lima sa lie-detector machinedahil silang tatlo lang daw nina Raymond at Mo ang nakakuha ng "Truth" whilethe two girls, Rufa Mae and Pia, got a "Lie."

Hirit pa ni Sweet, ang mga tanong naman daw nila ay mga isyutalaga na pinag-uusapan, maging sa ibang talk shows. Hindi raw ito imbento tuladsa iba.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN