Pokwang reveals issue that affected her daughter adversely

"Sa pag-aaral, sobrang higpit ko sa kanya. Sabi ko,'Anak, hindi ko kailangan ang mga gold medal, mga kung ano-ano. Importante saakin makatapos ka. Huwag kang uuwi na buntis ka!'" says Pokwang when asked if she is strict as a mom.



Nag-guest ang comedienne na si Pokwang sa talk show na Juicyng TV5 kahapon, January 6.

Tinanong siya ng host nito na si Alex Gonzaga kung nahirapanba siyang makapasok sa showbiz. Bago kasi naging artista si Pokwang aynagsimula muna siya bilang isang stand-up comedian sa Music Box, isangsing-along bar sa Quezon City na nagsara na.

"Gaya ng sinabi ko noon, hindi ko naman talaga pinangarap napumasok sa showbiz. Gusto ko lang maging isang TV dancer. Pero ibinigay ito niLord kaya dito ako napunta sa showbiz," sabi ni Pokwang.

Sinundan ng tanong ni Alex kung nahirapan bangmakapag-adjust sa showbiz si Pokwang.

"Nung una, oo," sagot niya. "Pero nung naisip ko, ‘Ay, enjoymo na lang, ang saya pala!' Kumikita ka na, nag-i-enjoy ka pa."

Anong sabi ng friends o ng family niya nang sumikat na siya?

"Tuwang-tuwa sila, siyempre. Nung una bigyan ko lang sila ngface towel na regalo, tuwang-tuwa na sila. Pero ngayon kelangan talagamamahalin, yung mga signature na. Demanding na sila ngayon!" tawa ni Pokwang

Kuwento pa ni Pokwang kay Alex, marami na raw siyangbenefits na nakukuha mula nang maging isa siyang artista.

"Dati pag pumipila ako ng mahabang pila, like sa airport,sinisigawan ka pa, ‘I said, pumila ka nang maayos!' Pero ngayon, ‘Ay, si Ma'amPokwang, ba't hindi pa kayo nakakaalis?' Pero hindi naman ako abusadong tao.Sumusunod ako sa rules. Pag kailangang pumila, pumipila talaga ako."

May dose anyos na anak na babae si Pokwang mula sa isang Hapon. Marami nang intriga na na-encounter si Pokwangmula nang pasukin niya ang showbiz. Kaya tanong ni Alex kung naapektuhan na bang intriga ang anak ni Pokwang

"Depende sa intriga," sabi niya. "Pero ang talagangnaapektuhan siya, yung nalaman niya na may naka-one night stand daw ako naisang bading. Nagpa-picture lang naman siya sa akin, hindi ko naman siyakilala, tapos sasabihin niya, may nangyari sa amin!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Minor lang naman yun kung tutuusin, pero dun talaganaapektuhan yung bata. Anyway, tapos na naman yung isyu na yun, inaano kolang,"

In-explain naman daw ni Pokwang sa anak na hindi siya ganungklase ng babae na nakikipag-one night stand.

"Kinakausap ko naman yung bata nang masinsinan, nangseryoso. Naiintindihan naman niya ako. In-explain ko, ‘Anak, hindi ako makikipag-onenight stand. Unang-una, pag gabi, tulog ako!" tawa ulit ni Pokwang.

Paano ang bonding time nila ng kanyang anak?

"Pag wala akong trabaho, nagluluto kaming dalawa. Nag-eeksperimentokami ng mga menu."

Mahigpit ba si Pokwang as a mom?

"Sa pag-aaral, sobrang higpit ko sa kanya. Sabi ko,'Anak, hindi ko kailangan ang mga gold medal, mga kung ano-ano. Importante saakin makatapos ka. Huwag kang uuwi na buntis ka!'" birong sabi ni Pokawang.

Sa ngayon ay loveless si Pokwang. Pero naranasan na nganiyang magmahal na nagbunga pa nga ng isang anak.

Paano ba ma-in love ang isang Pokwang?

"Pag na-in love ako, gaga ako. Kaya ayoko talaga,masisira lang ang trabaho ko. Trabaho muna ang focus ko ngayon. 'Tsaka na munayung love life-love life na ‘yan, ‘no!" pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN