PEP Sexiest Hunk Dingdong Dantes wants to be recognized as an actor

"I'm flattered that 'yon ang tingin nila saakin. Pero, siyempre, at the end of theday, I would still like to be known as an actor rather than being tagged assuch," said Dingdong Dantes when asked about being the sexiest Pinoy.


Isa sa mga kapansin-pansin na pagbabago kay Dingdong Dantessimula nang mag-umpisa siyang mag-artista ang ay ang magandang hubog ng kanyangkatawan. Kung noon ay isa siyang chubbyteen actor sa youth-oriented show na T.G.I.S., ngayon ay isa na siya samga tinitilian ng mga babae, at hinahangaan ng ilang kalalakihan, pagdating sapangangalaga sa katawan.

Patunay sa kanyang pagiging sexy ang paghirang sa kanya kamakailanng Hollywood-based na E! Television bilang third sexiest man of theworld. Kasama niya ang ilan pang mgakilalang international celebrity tulad ng soccer player na si David Beckham atmga Hollywood actors na sina Johnny Depp at Eric Bana.

Kamakailan naman ay nanguna si Dingdong sa listahan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ng Sexist Hunks. (Click here to read related story)

"I'm flattered that 'yon ang tingin nila sa akin," sabini Dingdong sa panayam sa kanya ni Nelson Canlas para sa 24 Oras tungkol sa kanyang sexy image.

Bagamat labis na ikinatuwa ni Dingdong ang ganitong bansag,umaasa pa rin ang binatang aktor na sana sa susunod ay makilala naman siya sakanyang kakayahan sa pag-arte.

Aniya, "Pero, siyempre, at the end of the day, I would stilllike to be known as an actor rather than being tagged as such. 'Yon na lang all throughout. Nevertheless, maraming salamat pa rin."

VACATION IN BORACAY. Masaya namang ikinuwento ng 28-year-old actorang naging bakasyon niya sa Boracay. Ayon sa kanya, naging magandang pagkakataon ito upang makasama angkanyang pamilya, lalo pa't naging busy siya sa trabaho at ngayon ay single nasiyang muli.

Pahayag ni Dingdong, "Bumalik ako sa basics, kasi Christmasseason is the time for me to be with my family, to get in touch withfriends. Kumbaga, mabuti at wala akongmasyadong ginagawa no'n. Nagkaroon ngpanahon para mabuhay ang mga past relationships with people. Alam mo 'yon, hindi ko na nakakausap and I'mglad na nakabalik ako sa kanila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BACK TO WORK. Ngayong tapos na ang mahabang bakasyon, magbabalik na satrabaho ang aktor. Ano ba angdapat abangan ng kanyang fans?

"In terms of performance, siyempre, we always wantmore. Gusto natin mas higitan pa natinang nagawa natin in the past. Higitanin the sense na mas pagbubutihan natin. And, siyempre, this coming year, sana mas marami tayong taong ma-inspire,maraming matulungan, at maraming mapasaya."

Para sa kanyang unang proyekto sa telebisyon ngayong taon, muli niyangmakakasama si Marian Rivera sa telenovelang Ang Babaeng Hinugot sa AkingTadyang.

"'Yong konsepto, coming from the title itself, e. Very ano na, e, kumbaga, magiging curious kana kung bakit gano'n. Siguro kaakibatng title na 'yon is the perception of being sexy," paliwanag ni Dingdong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN