Watch Now

Dingdong Dantes and Marian Rivera leave 2008 negative issues behind

Jan 7, 2009
Undoubtedly two of the hottest stars and newsmakers of 2008, Marian Rivera and Dingdong Dantes greet the Year of the Ox with a new series, Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang. "Nakakapagod din kung i-entertain 'yong mga negative [issues]. So wala lang, happy na lang," said Marian Rivera to GMA-7 News in an interview.

Matapos ang highly-successful na Dyesebel ay muling mapapanood ang tambalang Dingdong Dantes at Marian Rivera sa upcoming GMA-7 primetime program, Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang. Kahapon, January 6, ang unang taping day ng nasabing action-suspense series sa Sta. Rosa, Laguna.

Hindi kaila na naging hot topic sina Dingdong at Marian noong 2008 matapos mapabalitang may magandang namamagitan sa dalawang young stars. Lalo pang uminit ang usapin nang makumpirma na break na sila Dingdong at longtime girlfriend nito na sa Karylle, at si Marian ang hinihinalang dahilan.

"Wala, magkaibigan pa rin kaming dalawa," sagot ni Marian nang tanungin siya ni Nelson Canlas ng GMA News tungkol sa current status ng relasyon nila ni Dingdong.

Looking back ay sinabi naman ni Dingdong na maganda ang taong 2008 para sa kanya despite all the negative issues na naglabasan, particularly during the latter part of the year.

"Siyempre, maraming napagdaanan and masasabi kong it was a fresh start for this new year," sambit ni Dingdong. "Hindi ko masasabing mas masaya kesa dati, iba-iba namang level of happiness ‘yan. Pero suma total, sa lahat ng mga blessings na natanggap at lahat ng mga bagong kaibigan na nakilala, lahat ng mga bagong realizations, I would say na masaya ako ‘tong 2009 dahil sa lahat ng nangyari nitong 2008—masama man o mabuti."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Very honest din si Dingdong sa pagsabing hindi niya isinasara ang kanyang puso sa posibilidad na mahulog nang tuluyan kay Marian.

"Siyempre, lahat possible," diretsong pahayag ng aktor. "Hindi naman imposible dahil unang-una, parati kaming magkasama. Nothing is impossible."

Para naman kay Marian, sinabi nito na ayaw na lang niyang patulan o isipin ang lahat ng negative issues na dumating noong 2008.

"Nakakapagod din kung i-entertain yong mga negative [issues]. So wala lang, happy na lang," nakangiting pahayag ni Marian.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Undoubtedly two of the hottest stars and newsmakers of 2008, Marian Rivera and Dingdong Dantes greet the Year of the Ox with a new series, Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang. "Nakakapagod din kung i-entertain 'yong mga negative [issues]. So wala lang, happy na lang," said Marian Rivera to GMA-7 News in an interview.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results