Gerald Anderson denies "hiding" from Pauleen Luna

"I just feel very blessed na talagang bini-build-up nilakami. Hindi ko naman sasayangin yun. Like here [Tayong Dalawa], they did their part and wehave to do our part din," says Gerald Anderson about the support that ABS-CBN is giving them.



Kapansin-pansin ang pagiging mas confident ni Gerald Anderson kumpara noong una. Nahalata namin ito habang tinitingnan namin si Gerald, along with KimChiu and Jake Cuenca, na nagsilbing mga host sa iginawad na parangal para saaward-winning actors and actresses na kasama nila sa TayongDalawa ng ABS-CBN, sa presscon ng naturang teleserye kagabi, January 7.

Posibleng ang dahilan kung bakit mas nakikitaan na ngconfidence ngayon si Gerald ay dahil magagaling na mga artista ang katrabaho nila saTayong Dalawa. Kabilang na rito na sina Anita Linda, Helen Gamboa, Gina Pareño,Cherry Pie Picache, Mylene Dizon, Alessandra de Rossi, Baron Geisler, AgotIsidro, Spanky Manikan, Coco Martin, Jiro Manio at Miguel Faustman.

Kumusta ang pakikipagtrabaho niya sa mga dekalibreng mga aktor? Na-pressure basiya o na-overwhelm?

"Noong una, noong storycon, parang ang pakiramdam namin, wewere cursed!" sagot ni Gerald sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Parang, ‘Bakit sila ang mga kasama namin?'Parang, ‘Shit, paano natin gagawin ‘to?' So, kami ni Jake Cuenca, Kim Chiu...Pero after taping, kumbaga, ito yung wow! Ito ang pinakamagandang nangyari sacareer namin."

Nararamdaman ba niya ang matinding pagbi-buildup o suportasa kanila ng Kapamilya network dahil sa napakalaking project na ibinibigay sakanila, plus the supporting stars na kasama nila?

"I just feel very blessed na talagang bini-build-up nilakami. Hindi ko naman sasayangin yun. Like here [Tayong Dalawa], they did their part and wehave to do our part din," sabi ng young actor.

GERALD AS PMA CADET. Aminado si Gerald na mahirap angexperience noong mga unang taping nila sa Philippine Military Academy (PMA) saBaguio City.

Kuwento niya, "Nakakatawa nga, noong una, hindi kamimakasabay. Wala kami sa timing, wala kami... Kahit yung nagpu-push up, wala kamisa timing doon. Yung mga PMAers mga nakatayo na, pero kami, nakababa pa rin.Pero after a while, since first time namin, so nasanay rin kami."

Kapag pinanood ba ng mga kadete ang Tayong Dalawa, magiging proudang mga ito sa ginawa nila ni Jake?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yeah, I think they'll be proud," kampanteng sagot niGerald. "Yun po ang sinadya namin. Sana maging proud sila, sana matuwa sila.Itong show na ito, good example din para sa mga cadets. Para kayo rin, puwedekayong pumasok sa PMA." (watch the video of Gerald discussing his experience training in PMA by clicking here .)

ISSUE WITH PAULEEN. Nadako naman ang usapan tungkol kayPauleen Luna, na minsang na-link sa kanya. Sa interview ni Pauleen sa ShowbizCentral noong January 4, inilabas niya ang kanyang sama ng loob dahil sapagde-deny diumano ni Gerald na dinalhan niya ng pagkain ang dalaga sa set ngEat Bulaga! (CLICK HERE to read related story.)

Pero mukhang ang goal ni Gerald ay huwag nang dalhin ngayong2009 ang anumang naging isyu sa kanya noong 2008.

"2008 pa po yun, 2009 na ngayon kaya ayoko na pongpag-usapan. Siguro po, dapat lang na huwag na lang nating pag-usapan pa,"pag-iwas ng binata.

Itinanggi naman ni Gerald na pinagtaguan daw niya si Pauleenduring the Parade of Stars of 2008 Metro Manila Film Festival, kung saan angyoung actress ang nagsilbing isa sa mga host.

Ayon kay Gerald, imposible raw mangyari yun dahil open dawang venue at nasa stage sila. Pero aminado siyang nandoon ang pagkailang.

"Siyempre, may isyu, e. Pero nagtago, that's not true. Hindika makakapagtago run dahil maraming tao at open yun," paliwanag ni Gerald.

STILL M.U. Kung si Pauleen ay halos ayaw nang pag-usapan niGerald, iba naman when it comes to Kim, na nakasama ng binata noong Christmas Eve. Bagamat nagdaan na ang Pasko at Bagong Taon, nananatili pa rin daw na nasaM.U. (mutual understanding) stage ang relasyon nilang dalawa.

"Ang puwede ko lang sabihin, M.U. lang. Nandoon na kami sapoint na yun. Pero hindi naman seryosong-seryoso yun, pero mahalaga yun para saakin."

Wala raw silang mga monthsary na sine-celebrate.

"Wala, walang ganoon. Nothing official pa rin talaga," sabini Gerald.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN