Lovi Poe and Prince Stefan groomed as new love team

Young actress-singer Lovi Poe lost a screen partner with the unexpected death of Marky Cielo, but GMA-7 has been grooming StarStruck 4 runner-up Prince Stefan for her next team-up.



Nang pumasok siLovi Poe—anak ng yumaong Hari ng Pelikulang Pilipino na si Fernando Poe Jr—sa showbiz, dalawang GMA-7 matinee idols agad ang ipinares sa kanya: Cogie Domingo at Marky Cielo.

Ipinakilala si Lovi sa huling season ng Love ToLove na "Jazz Got Lucky" kapares si Cogie. Kalagitnaan ng season, ipinasok siMarky. Sa Bakekang, silang tatlo ang naging love triangle.

Nag-semi-retirement si Cogie. Nagkaroon pa ng dalawangproyekto ang tambalang Lovi-Marky—Kaputol ang Isang Awit at Zaido: PulisPangkawalakan.

Samantala, pinagpares naman sina Lovi at Prince Stefan saisang clothing endorsement at kahit wala pa silang pinagsasamahang acting job,nagkaroon sila ng fans club. Minabuti silang subukan ng GMA-7 sa isang episodenoon ng Mga Kuwento ni Lola Basyang, ang "Mariang Alimango," at isa ito sapinakamataas na rating ng nasabing children show.

Hindi na ito nasundan at ipinares muna si Prince kay RichAsuncion sa Magdusa Ka. Nagbalik-tambalan sa pang-apat na beses sina Lovi atMarky, sa Lalola.

Sa biglaang pagkamatay ni Marky noong Disyembre, nawalan narin ng ka-love team si Lovi.

Muling susubukan ang tambalang Lovi-Prince at isa ito saipu-push ng Kapuso Network ngayong taon na ito. Sila ang magka-partner sa pangatlongDingdong Dantes-Marian Rivera soap, Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, nanakapagsimula nang mag-taping.

Sayang at huli na ang desisyon na pagsamahin sina Lovi atPrince, na pareho ring manganganta. Kasalukuyan kasing ipinu-promote ngayon niLovi ang kanyang second album from Sony BMG na Bloom, kung saan may duet sila niAljur Abrenica, at sa mga mall tours naman ay si Chris Cayzer ang kasama niya.Sana'y nagawan ng paraan para maipakilala sa mas malawak na publiko angtambalan nila ni Prince kung siya ang makakasama ni Lovi na mag-promote ngalbum nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN