Jake Cuenca focuses energy on "Tayong Dalawa"

"I'm working with one of the biggest projects that I am doing, andthis project deserves everything that I have right now. Yung level ofcommitment ko, nandito po talaga," says Jake Cuenca.



During the pressconference for Tayong Dalawa—ang pinakabagong ABS-CBN primetime series napinagbibidahan nina Jake Cuenca, Gerald Anderson at Kim Chiu—kinumusta ng maraming reporters si Jake kungnaging malamig o mainit ba ang nakaraang Kapaskuhan.

Wala pa kasingnapapabalitang girlfriend ang binata pagkatapos ng relasyon niya kayRoxanne Guinoo. Pero nakangiting sinabi ni Jake wala man daw siyang specialsomeone, naging mainit din ang Pasko dahil sa dami ng trabahongginagawa niya, kaya walang time para isipin ang lovelife. Consistent siya sa pagsasabing hindi iyon ang priorityniya ngayon

"Actually, ginamit ko yung holiday season para kilalanin koang sarili ko nang mas mabuti at nakilala ko naman nang mas mabuti ang sariliko. Sa ngayon, wala po akong nililigawan, wala po talaga. I'm just reallycommitted to my role in Tayong Dalawa. Pero kung dumating din naman, hindi konaman pipigilan dahil masarap naman talaga ang magmahal. Although sa ngayon,hindi naman po ako nagmamadali kaya okey lang," saad ni Jake.

Very proud si Jake sa Tayong Dalawa kaya imbes na isipin dawniya na may mga intriga kung bakit sa kanya napunta ang napakagandang role niyasa naturang teleserye, mas gusto niyang pagtuunan ng pansin ang kanyangpagganap.

"When I took this project, hindi ako nagdalawang-isiptalaga. Noong ikinukuwento pa lang sa akin ito, na-in love na ako sa proyektongito. And that, ipagtatanggol ko ang proyektong ito with everything I have, attalagang mahal ko talaga itong show na ito, sa totoo lang.

"Noong ikinuwento sa akin ang show na ito, storycon pa lang,gusto ko nang mag-taping kinabukasan. Ganoon ako ka-excited at ka-enthusiasticsa project na ito," lahad niya.

OVERACTING? Cool lang naman si Jake nang may nagsabi sakanyang entertainment writer during the press conference na parang umo-OA naraw ang acting niya dahil sa taping ay may nasisira siyang gamit dahil sapag-arte.

"Hindi po yata sa Tayong Dalawa nangyari yun, sa MMK[Maalaala Mo Kaya] po namin ni Roxanne," pagtatama ni Jake.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi OA, e, thescene called for it. Kasi, nalaman ko na yung asawa ko, nabuntis ng ibanglalaki. Ako, bilang lalaki, ganoon ako magre-react. Siyempre, dinaan ko sapagiging gentleman sa asawa ko, kasi yun ang tamang gawin. Pero kapag mag-isa ako,siyempre nalaman mo na asawa mo ng ilang taon, nabuntis ng iba dahil baog ka?So, ano ang gagawin mo?

"Noong scene na yun, hindi ako nag-isip. Wala sa eksena yungnasira ko ang pintuan. Spur of the moment. Nadala talaga ako. Pero at the sametime, sinabi rin sa akin ni Direk Jeffrey Jeturian, ‘Ikaw na ang bahala Jakeha...' Siyempre, it's a guy thing, e," paliwanag ng young actor.

Nawawalan ba siya ng control minsan when he does a scene orhe needs to motivate himself deeply?

"Yung eksena lang talaga na yun, mabigat to start with,"sabi niya.

Does he expect a nomination or award after that performance?

"I wish that I could get nominated...me or both of us, me andRoxanne. Talagang piniga ako at piniga rin siya. If ever man I'll be nominated,siyempre, malaking blessing yun."

NO RECONCILIATION. Marami rin ang nagtatanong kay Jake kung nagkabalikan na basila ni Roxanne pagkatapos ng MMK episode nila. Pero consistent din siya sapagsasabing walang balikang naganap, happy lang siya na nagkaroon na ng closuresa pagitan nila.

Marami rin naman daw siyang na-realize after that and he has matured a lot.

"Siyempre, sa relationship naman, dalawa palagi angnagkakamali. Pero ako talaga, inaamin ko na may mga pagkukulang ako bilanglalaki. That when I look back, sana binigyan ko siya [Roxanne] ng mas maraming oras. Sanamas nakapagbigay ako ng more understanding. But, at the same time, all of therelationships, it's not just one who makes mistakes, palaging dalawa ‘yan, e.It takes two to tango."

COURTING BEA. Last week sa The Buzz, inamin ni Jake nananligaw siya pero hindi naging sila ni Bea Alonzo. Pero may balita na last week daw, nakita siyang dumalaw mulisa taping ni Bea ng I Love Betty La Fea sa Antipolo. How true?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
"Hindi talaga totoo yun," tanggi niya. "Sorry. I would loveto, pero hindi talaga totoo yun. Hindi po ako dumayo sa Antipolo the whole of Christmasat wala po akong dinadalaw sa taping kundi ang mga director at co-actors ko.

"Siguro dati, hindi ko naman po idine-deny na dumadalaw ako.Pero recently, hindi po talaga."

Bakit nga ba bigla na lang nag-end ang Bea chapter sa buhayniya?

"Well, sa akin naman, maybe for now, kailangan ko langtalagang isara. I'm working with one of the biggest projects that I am doing, andthis project deserves everything that I have right now. Yung level ofcommitment ko, nandito po talaga.

"So, sa akin, personally, hindi ko talaga iniisip muna namagka-relationship. But at the same time, sinabi ko naman sa The Buzz na kungtutuusin naman, masaya na ako sa lahat ng pinagsamahan namin noon. That was areally good time in my life. Pero siyempre parang binasted na rin ako, you canput it that way."

Sumama ba ang loob niya nang parang nabasted siya?

"Hindi!" sagot niya agad. "Sa totoo lang kasi, tuladng sinabi ko, well, I just said, let's put it that way na binasted. Pero yunnga ang hinahangaan ko sa kanya [Bea]. Siguro yun din ang isang bagay nanatutunan ko sa kanya. Kung gaano siya ka-focus at kung gaano siyaka-determined, and that's something I look up to her. At hanggang ngayon, fanpa rin niya ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN