Mylene Dizon on Paolo Paraiso: "He's my friend and he's the father of my children."

"Ayoko namang magsalita ng tapos, pero I can say that I really, really care forPaolo and I do love the guy. I love him because he's a great person. He's thefather of my children at talagang I know that he will forever love me and mychildren. But to say na siya na yung pinakamamahalin ko, I cannot say thatyet," says Mylene Dizon about Paolo Paraiso.


Sa ikalawang pagkakataon ay dinadalang muli ni Mylene Dizonang anak nila ng dati niyang partner na si Paolo Paraiso, pero kapwa nilasinasabi na hindi pa sila nagkakabalikan. Dahil dito, marami ang hindisumasang-ayon o hindi naiintindihan ang opinyon ni Mylene na mas gusto pa rinniyang hindi sila kasal o hindi sila magsama as couple ng ama ng mga anak niya.

Pero wika nga, sarili niyang buhay yun. Kung may maganda mankay Mylene, kaya niyang panindigan ang anumang desisyon niya sa buhay.

Natawa na lang si Mylene nang tanungin siya sa presscon ngTayong Dalawa noong Martes, Enero 6, sa Teatrino Greenhills kung paano niyaile-label ang relationship nila ni Paolo.

"You cannot label it and I have a hard time describing it topeople," sabi niya. "I think it's nice because we're not thinking of ourselves.We're thinking about our kids. Siguro marami ang nagsasabi, ‘If you'rethinking about your kids, then why don't you get married?' You know, marriageis not always a solution to things like this. Kung palagi naman kayongmag-aaway, so hindi rin naman magiging masaya ang mga magulang, paano momasasabing magiging masaya ang anak mo?

"I think the best way para mapalaki ang bata na masaya ay yunguumpisahan mo sa honesty na mag-uumpisa sa buhay. Kung truly, masasabi mo samga anak mo kung ano ang saloobin mo, kung magiging honest ako, matuturuan kosiya ng honesty, at kung magiging open ako sa kanya, matuturuan ko rin siya napagkatiwalaan ako at maging open sa akin. Then, kapag honest kami sa isa't isa,mapag-uusapan namin kung magkakaroon ba siya ng problema, later on, sa sitwasyonng aming pamilya," paliwanag ni Mylene.

FRIENDS, NOT LOVERS. More than the label of being lovers,mas maka-categorize pa raw ni Mylene na "friends" sila ni Paolo.

"We are friends. He's my friend and he's the father of mychildren," pahayag ni Mylene.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Does that mean hindi niyaito kayang mahalin as the last man she will ever love?

"Well, I cannot say that yet," maingat na sabi ni Mylene."Ayoko namang magsalita ng tapos, pero I can say that I really, really care forPaolo and I do love the guy. I love him because he's a great person. He's thefather of my children at talagang I know that he will forever love me and mychildren. But to say na siya na yung pinakamamahalin ko, I cannot say thatyet."

Last New Year ay sila raw tatlo ni Paolo at ng anak nilang siTomas ang magkakasama nang magkaroon sila ng trip sa Hong Kong. Financially aymasasabi raw niyang well provided naman daw sila ni Paolo.

"Every night, the only thing I wish for naman is a healthybaby," sabi ni Mylene. "Alam kong hindi ako bibigyan ni Lord ng hindi kokakayanin. Alam ko na kung anuman itong magiging anak ko, babae or lalaki oranuman, e, kakayanin ko."

WISHING FOR ANOTHER BABY BOY. Six months and a half na angipinagbubuntis ni Mylene ngayon. Umpisa pa lang ng pagbubuntis niya, very vocalna si Mylene na lalaki pa rin ang gusto niyang maging anak. Although, parangnaihahanda na rin daw niya ang sarili niya ngayon dahil sa dami na rin ngnagsasabing mukhang babae ang magiging anak niya.

Hindi raw siya nagpapa-ultrasound to know the gender. Masgusto raw nilang surprise tulad noong kay Tomas.

"Pero bibigyan niya ako ng power na kayanin ko kahit babae!"natatawa niyang sabi.

Hindi ba siya natatakot na one of these days, ma-in love saibang babae si Paolo or vice versa?

"I cannot speak for Paolo," sagot ni Mylene. "You should askhim that. Pero sa akin naman, okey lang naman sa akin at katulad ng sinabi ko,wala akong karapatan kay Paolo. If he falls for another woman, ang hihilinginko lang is huwag siyang mawawala para sa mga bata. At sana, kahit sinuman angpiliin niyang babae, tanggap ang mga anak niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala bang pressure sa pamilya nila ang nagsasabing bakithindi pa sila pakasal or magsama?

"Kung meron man, hindi ko nararamdaman ang pressure. I'msure, they wish na magkatuluyan na lang kami. But you know, that's the easy wayout. Parang, ‘O, sige na nga, to please everybody, ganoon na lang. Para na langmaligayahan kayo, kami na lang.' Pero hindi ganoon yun, e."

TAYONG DALAWA. Mylene plays Loretta in ABS-CBN new primetimeseries Tayong Dalawa. Siya ang gumaganap na ina ni Kim Chiu sa serye. Februarypa raw niya planong magpahinga sa work kaya masaya siya na nabigyan pa rin siyang ganitong project ng ABS-CBN.

"I am the mother of Kim Chiu. Kawawang-kawawa ako rito.Parang I married to Spanky Manikan's family kasi nabuntis ako ni Spanky [Manikan],at pumayag na rin ako dahil yung nanay ko sa probinsiya, may sakit at kailangantalaga namin ng pera. Kaya parang, you know, anything na kumapit na lang ako sapatalim para sa nanay ko," paglalarawan ni Mylene tungkol sa kanyang role.

Okey na ba sa kanyang gumanap na nanay ng isang young starlike Kim?

"Okey lang...iniisip ko na lang, nabuntis ako run, twelvelang ako!" tawa ni Mylene.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN