Dimples Romana says family life doesn't hinder her acting career

"Buo na ako, kahit na ano pang sabihing masama sa akinngayon, kahit ano pang ibalik na naging problema ko before, di na akomaapektuhan kasi at peace na ako with the Lord, at peace na ako with myself,with my family. I have nothing more to ask for but to have more workright now," says actress Dimples Romana.



Sa kabila ng maagang pagpasok sa buhay may-asawa ng aktresna si Dimples Romana, isa siya sa mga artistang hindi nawala, kundi patuloy paring naging visible sa mga teleserye at paggawa ng pelikula, mapa-indie man omainstream.

Hindi naman dapat pagtakhan dahil kung husay angpagbabasehan ay walang kukuwestiyon sa kakayahan ni Dimples sa iba't ibangroles na ginagampan niya. Her versatility as an actress helps her to make herniche in the business.

Sa nakaraang presscon ng pelikulang Love Me Again (LandDown Under) noong January 9,tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Dimples kung hindi ba siyanakaramdam ng kaba noon na baka hindi na siya tanggapin ng publiko dahil may asawa na siya.

"No," mabilis niyang tugon. "Naniniwala ako na ang mgaFilipino, matatalino na, alam na nila when you're honest with them. Ako, when Igot pregnant, they asked me and I said yes. I also said that I was alreadygetting married. I'm always open about that. When we're having problems,naging honest din ako dun. When you are honest with them, naa-appreciateng tao yun.

"Hindi rin ako natakot. Alam ko kasi kung ano ang mayroonako, alam ko kung ano ang kaya kong ibigay. So dahil alam ko kung ano ang kayakong ibigay, alam ko kung saan ako papunta. So, hindi ako nag-doubt ever.

"Isa pa, ABS has been very, very good to me," patuloy niya."I did When Love Begins, All My Life, I did Lobo... Now, I'm doing Tayong Dalawa.It's so beautiful! I'm so proud of the work I did that I couldn't wait for itto start. It only proves na kung talagang may talento ka and the people inABS start believing in you, walang problema."

WHAT COMPLETES DIMPLES. For Dimples, being married to EngineerBoyet Ahmee and mom to their five-year-old daughter Cal completes her asa person.

"Buo na ako, kahit na ano pang sabihing masama sa akinngayon, kahit ano pang ibalik na naging problema ko before, di na akomaapektuhan kasi at peace na ako with the Lord, at peace na ako with myself,with my family. I have nothing more to ask for but to have more workright now.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa totoo lang, I don't endorse early pregnancy. But to tellyou frankly, I feel fulfilled now. I'm complete because the only thing that Ialso need now is to raise my child as a good, God-fearing person, and also tofulfill my dreams.

"Yun na lang because I'm happy already having a family of myown. Wala na akong kailangang plantsahin pa para sa ganitong aspeto," saad ngStar Magic contract artist.

Very proud din na ikinuwento ni Dimples na napakasuwerteniya sa pagkakaroon ng isang responsible, supportive and understanding naasawa na laging buo ang suporta na ibinibigay sa kanya:

"I think the key is, my husband is really a good man. Alam mo, ang dami kong naririnig na yung mga kasama ko before, yungibang mga artista, hindi na pinapayagan ng mga asawa nila to work, which makesme appreciate because yung asawa ko, he lets me do whatever I want todo. He knows how much I love this job, alam niya na gusto kong magingaktres. This is my craft, this is really me.

"Masaya kami kasi naiintindihan niya ako. Kung sinabi niyasa akin to stop, I will because it's my duty as a wife. Asawa ako,babae ako... That's in the Bible, if your husband tells you do this, that'swhat will I do. I'm just very thankful that my husband is veryunderstanding and supportive."

Pero gaya ng ibang mag-asawa ay dumaan din daw si Dimples at agkanyang mister sa mga problema, gaya ng financial problem at iba pa. Gratefulnga lang ang aktres na tinulungan sila ng kani-kanilang pamilya paramalagpasan nila ang mga ito.

"Of course, we have problems, we had to start from scratch.But my husband is very supportive, my family, si Mama, his family too, talagangtinulungan nila kami mapa-financial man, mapa-spiritual, mapa-emotional...lahatyun tinulong nila sa amin. Hindi kami magiging ganitong ka-secure financially,spiritually, emotionally kundi kami tinulungan ng mga taong ito."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LOVE ME AGAIN. Dimples plays the role of Yna in Love Me Again, which stars Piolo Pascual and Angel Locsin. According toDimples, isa ito sa pinakamasayang pelikula na nagawa niya. And being the openingsalvo of Star Cinema for 2009, kampante siya sa quality ng pelikulang ginawanila.

"Sobrang nag-enjoy ako sa movie na ito," sabi ni Dimples."Sina Piolo and Angel [her co-stars in Lobo], lagi silang masarap kasama. They are the most genuinepeople I ever met in this business. Para na kaming pamilya dito. Kaya nga pagnaririnig kong premiere night na on January 14, nasa-sad ako kasi after this,you move along to another project and I will surely miss them.

"Confident ako sa movie namin. With Direk Rory Quintos,with Tito Charlie Peralta as our cinematographger, ano ang ikakakabako?" ani Dimples.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN