FIRST READ ON PEP: Diether Ocampo spotted with a mestiza date

Actor Diether Ocampo graced the launching of a new line of footwear with a mestiza lady named Rima Otswani. But Diether avoided all questions about his date.


Maraming sinorpresa ang aktor na si Diether Ocampo nang dumalo siya sa launching ngCharles & Keith Ladies Fashion Footwear na ginanap sa Greenbelt 5 noongBiyernes ng gabi, January 9. Dumating kasi siyang may kasamang isang mestisahingbabae ngunit ayaw banggitin ni Diether ang pangalan nito dahil ayaw raw niyang maymakuhang anumang detalye sa kanyang ka-date noong gabing 'yon.

Umiwas sa interview si Diet dahil,ayon sa kanya, nandoon siya sa nasabing launching para sumuporta sabagong brand na fashion footwear na pinamamahalaan dito sa Pilipinas niMr. Ben Chan, ang may-ari ng Bench. Kaya naman kahit anong piga sa aktor para alamin angidentity ng girl ay hindi siya napilit.

Kahit napakasimpleng tanong tulad ng pinagkakaabalahan niya ngayonay ayaw talaga nitong sagutin. Lalo na siguro salatest development ng kanyang nabalitang paglipat sa GMA-7.

"Please,wala munang interview. Nandito ako to support Ben Chan," pakiusap ni Diether sagustong magtanong sa kanya.

Kesa mag-walk out itong bigla, pinabayaan na lamang namin siya. Pero nagkaroon naman kami ng pagkakataong makausap ang babaeng kasama ng aktor. Dahil mahina ang speaking voice ng babae at dahil malakas ang musicsa paligid ay hindi namin nakuha ang kumpletong pangalan nito nang banggitinniya ito sa amin.

"Later po, isusulat ko ang name ko at ibibigay ko sa inyo,"excuse nito pero hindi naman nangyari 'yon.

Bago magtapos ang event, nalaman din namin ang pangalan ng kasama ni Diether. Siya ay si Rima Otswani, isang commercial and print model. But for some reason, kahit ang line of work ng girl ay ayaw ipaalam ni Diet.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN