Rufa Mae Quinto not closing her door to ex-boyfriend Bobby Lopez

"Ang talagang gusto ko siyempre, yungmaipaglalaban ako, kahit ano pa ang mangyari. Yung mamahalin ako nang walangkondisyon. Yung talagang ganoon lang, at handa siyang manindigan para doon," says Rufa Mae Quinto about the qualities she looks for in a guy.



Ipinagtapat ni Rufa Mae Quinto sa PEP (PhilippineEntertainment Portal) na totoong nagpapakitang-gilas si Jon Avila sa kanya mula nang magkatrabaho sila sa pelikulang Status: Single. Pero hindi raw itonangangahulugan na si Jon ang pinaka-favorite niya among her leading men sanabanggit na co-production ng OnQ28 Productions at Viva Films.

Ang iba pa niyang mga leading men sa Status: Single ay sina AlfredVargas, Rafael Rosell, Mark Bautista, at Paolo Contis.

"Bawat isa kasi sa kanila, may kanya-kanyang katangianna gusto ko," sabi ni Rufa Mae sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Like,for example, si Alfred Vargas na matagal ko nang kakilala at nakatrabaho ko pa saGMA-7. Leading man ko siya noon sa Marinara, di ba?

"Hindi ko naman matatanggihan ang isang gaya ni Alfred.Matalino, Atenista, masinop sa buhay, responsible, guwapo, kaya wala ka nanghahanapin pa. Kaya lang, noong time na yun kasi, may karelasyon pa ako noon, siRudy [Hatfield]. Hindi talaga swak yung pagkakataon," saad ng sexycomedienne.

Marami ang nagkakagusto kay Mark Bautista para sa kanya.Pero sabi ni Rufa Mae, hindi naman daw nanliligaw sa kanya ang singer-actor.

"Okey kami ni Mark, as friends," aniya. "Peroalangan namang ako pa ang gumawa ng move? Wala, e. Huwag ipilit kung hindipupuwede."

Si Paolo Contis naman ay kaibigan din lang ang turing niya.Si Rafael Rosell ay may girlfriend na rin.

"Huwag na sila. Talagang mga kaibigan lang atkatrabaho. Pero happy ako, kasi lagi kaming may time para mag-bonding, lalo nanoong nagsu-shoot kami. Nakaka-miss din, e," sabi ni Rufa Mae.

Hindi siya puwedeng mag-play favorites kahit nga maypagkakataon noon na si Jon Avila palagi ang laging bukambibig niya.

"Siya lang kasi yung nag-e-effort na nagte-text,"paliwanag ni Rufa Mae. "Yung iba, ganoon din naman. Pero si Jon, he makesit a point to get in touch. Natutuwa ako sa kanya. Lahat naman kasi sila, sexy,may porma. At saka mga kasundo ko silang lahat, kaya enough na rin 'yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HER TOP PRIORITY. Parang mahaba-habang panahon na rin ang hindi paghahanap ni Rufa Mae ng makakatuluyan.

"Hindi naman ako naghahanap, pero nagkakataon lang natalagang nasa top priority ko ang pagtulong sa pamilya ko. Hindi ko iniisip nahadlang yun o problema. Kasi, yun ang gusto ko. At kahit nga ngayon na puwedena [akong mag-asawa], ang focus ko pa rin, ang trabaho ko. Marami pa rin akonggustong ma-achieve sa sarili ko.

"At kung mag-aasawa rin lang ako, ang gusto ko, mayipanggagastos ako sa mga luho ko na galing din sa akin at pinagtrabahuan ko.Hindi yung nakadepende na lang ako sa asawa ko, if ever. Hindi ako yung ganoongtipo," saad niya.

BOBBY LOPEZ. Ano na ba talaga ang nangyari sa kanila niBobby Lopez, ang kanyang American-Mexican boyfriend na naka-base noon sa HongKong nang makilala niya?

"Long-distance affair yun, na okey lang sana sa akin.Pero hindi magwo-work yun ng ganoon lang. So, I just told him, ganoon na langmuna kami. Kung naririto siya, at kung magkasama kami, fine. Kung hindi naman,open pa rin kami to date other people na gusto namin. Like in his case, malayosiya sa akin, hindi ko rin alam kung sinu-sino ang idine-date niya, di ba?

"Mas okey na yung ganito. Kasi, parang hindi pa rin ngakami ready to settle down. Marami kaming gustong unahin. Pero kung nariyan parin ang relasyon, at kung kami pa rin nga, why not?" napapailing na sabini Rufa Mae.

STILL LOOKING FOR MR. RIGHT. Sa dami ng lalaking na-involvekay Rufa Mae, na alam ng marami yun dahil naging open book naman ang buhay niyasa publikong sumuporta sa kanya, may mga katangian pa rin siyang hinahanap.

"Hindi lang dahil talagang gusto ko yung guy. Yungkahit ano pa ang kapintasan niya, matatanggap ko, basta gusto at mahal ko siya.Yun naman ang importante doon.

"Ang talagang gusto ko siyempre, yungmaipaglalaban ako, kahit ano pa ang mangyari. Yung mamahalin ako nang walangkondisyon. Yung talagang ganoon lang, at handa siyang manindigan para doon," katuwiran ni Rufa Mae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN