KC Concepcion on status of her relationship with Richard Gutierrez: "Action speaks louder than words."

"Marami po talaga kaming pinagdaanan niChard. So it is a very special friendship and relationship. Kasi, what you seeis what you get. Kung ano ang nandito ngayon, ito na po talaga yun. Kayamatatag po ang friendship namin. Sobrang strong po ng foundation namin niChard," says KC Concepcion about leading man Richard Gutierrez.



Bago umalis patungong Coron, Palawan, kaninang umaga, January11, sina KC Concepcion at Richard Gutierrez ay nagkaroon muna ng pressconference para sa Valentine's movie nila under GMA Films and RegalEntertainment, When I Met You, sa Imperial Palace Suites kagabi, January10.

Ang pelikulaay bahagi pa rin ng ex-deal na ginawanila when Richard and KC did a movie for Star Cinema last year, ForThe First Time, na nagtagumpay sa box-office. Ang tanong ngayon, mas mabigat ba ang pressure sa kaniladahil kailangan nilang higitan o mapantayan man lang ang unang pagsasama nila?

Ani KC, "Opo nga... Pero okey lang naman kasi second movie ponamin ito ni Chard and now with Direk Joel Lamangan. At si Direk Joel po, sobrapo siyang... Ang tingin po namin sa kanya, sobrang inspired po siya tuwingshooting days namin. Tuwing dumarating po kami, parang may bagong magaganap sashooting, may bagong surprise sa amin, sa mga shots niya, sa mga ginagawaniyang eksena, at ang gaganda po ng mga scenes namin so far.

"Maganda po ang experience namin at sobrang challenging podahil sa sobrang daming pinagdaanan ng script at pelikulang ito. Worth it namanpong lahat," saad ng actress-singer.

Anong difference ng mga character nila from their firstmovie together?

"Yung situation na ibinigay sa amin, sa character po niChard at sa character ko, puwede po siyang ma-misunderstood sa totoong buhay.Pero nangyayari po talaga ang ganoong sitwasyon," paliwanag ni KC.

DIFFERENT ENVIRONMENT. Definitely ay naging maganda ang treatment ng Star Cinemakay Richard nang gumawa ito ng movie sa kanila last year. What about KC,kumusta naman ang working experience niya now that that she's working with GMAFilms and Regal Entertainment?

"Of course, nagpapasalamat din po ako kina Tita Annette[Gozon-Abrogar], Tito Joey [Abacan], and Mother Lily Monteverde for making surena inaalagaan po ako, kami... Siyempre po, iba ang environment sa GMA. Karamihanpo ng crew, lahat po lalaki. So, medyo naninibago pa po ako. Pero okey naman poang pakikisama namin sa isa't isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi po ako, kung tutuusin, taga-GMA. Pero siyempre, kahitpapaano po, kailangan extra effort din po na kailangang ma-prove ko po angsarili ko na madali naman po akong katrabaho sa set. And yun nga po,masaya naman po ang welcome sa akin," lahad niya.

THE REAL STATUS. Ginagawa pa lang nila noon ang For The First Time, marami naang nagsasabing sila na ni Richard. Pero ngayon, mas kapansin-pansin na maslumalim pa ang closeness nila at hindi rin maikakaila na mas palagay sila saisa't isa.

So, ano na ba ang totoong estado ng relasyon nila?

"Siguro, action speaks louder than words, yung ganoon parin," sagot ni KC. "Kasi nag-iba po ang level ng friendship namin ni Chard.Lalo na at second film namin, mas may mga nadi-discover kami tungkol sa isa'tisa. At sobrang mas relaxed po talaga ang second movie. Although may pressurepa rin, but we're more partners now talaga as a working team.

"At the same time, parang kilala na namin ang isa't isatalaga. And you get close po talaga habang nagta-travel kayo. Heto nanaman, lilipad na naman kami. At sa Palawan po talaga ay napakagaganda ngmakikita namin doon. At maise-share na naman namin ang mga experience na yun."

Dugtong ni KC, "Marami po talaga kaming pinagdaanan niChard. So it is a very special friendship and relationship. Kasi, what you seeis what you get. Kung ano ang nandito ngayon, ito na po talaga yun. Kayamatatag po ang friendship namin. Sobrang strong po ng foundation namin niChard."

KC LOVES PALAWAN. Marami ang nagtatanong kung bakit thistime, hindi na sila nag-location shoot sa ibang bansa. Sa una kasi nilang pelikula aynagpunta pa sila ng Greece para mag-shoot, kaya many were expecting na baka mashigitan pa nila ang Greece.

"Ay naku, hindi po nila-lang lang ang Palawan!" bulalas niKC. "Promise ko sa inyo, dati pa po, Palawan is my favorite place to visit.Promise po talaga, sobrang nakaka-proud po talaga! Kung ang ibang Pinoy pohindi pa nakakapunta, they can see Palawan through our movie po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At hindi po dahil sa may pelikula kami run, pero kungmababasa n'yo po mga past interview ko po, palagi ko pong mine-mention angPalawan. For me, the best! Number one po talaga ang Palawan! Ang ganda ng sand,ang ganda ng tubig, ang babait ng mga tao. Sobrang perfect po siya! Yun lang poang masasabi ko."

Nabanggit din during the press conference na pansamantalang titirasilang lahat sa Club Paradise sa Coron, Palawan.

GABBY'S SURPRISE MESSAGE. The night before this presscon, nag-perform si KC sa Songs of My Heart, ang January 9 mega-birthday concert ng kanyangina, si Sharon Cuneta.

Puwedeng sabihin na isa ito sainabangan ng mga nanood sa Araneta Coliseum tulad noong nakaraang taon. Perobukod sa bonggang dance number ni KC, ang masasabi naming nakapagpa-excitenang husto sa mga nasa Big Dome ay ang surprise VTR greeting ng ama ni KC na siGabby Concepcion sa kanyang ina.

Ano ang reaction niya sa pangyayaring yun?

"Naloka talaga ‘ko!" sambit ni KC. "Gusto kong mahimataynung time na yun. Nasa backstage ako noon, nagpi-prepare para sa dance naginawa namin at bigla ko pong narinig ang boses ng tatay ko! At pagtingin ko,siya nga ang nasa monitor!

Patuloy niya, "Mukhang okey naman pong lahat. Sobrang coollang lahat ng tao sa Araneta. Kasama na rin po ang pamilya ko at pamilya niPapa. It's very fulfilling, yun lang po. At talaga namang trinabaho ko rin po yun bilang panganay na anak nila, na magkaroon ng konting peace sa kanilangdalawa."

Masaya naman daw ang mama niya sa nangyaring yun dahilmaganda ang naging reception ng pagbati ni Gabby.

Posible kayang sa premiere night ng When I Met You ay hindi namagkahiwalay ng sinehan ang mga magulang niya kapag pinanood ang movie nila niRichard, hindi gaya noong For The First Time?

"Depende po ‘yan kung bumalik si Papa dito sa Pilipinas!"natatawang sabi ni KC. "Pero siyempre, of course po, lahat ng loved ones, inviteddiyan... Pero oo nga, ‘no? Sige, paplanuhin nating mabuti ang choreography natindiyan. Of course, it would be ideal to have everyone there...again. So, tingnanna lang natin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

When I Met You will have its premiere night on February 10 atSM Megamall, possibly in three theaters. Regular showing starts on February 11.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN