Expectant mom Vina Morales looks forward to baby girl in three months

"Itong baby na ito ang source of joy ko ngayon and all those years ofworking pala ay para ma-prepare ko ang sarili ko sa pagdating niya. I'moverjoyed now because I will be a mother soon, and I promise to be a good motherto Ceana," says Vina Morales, who is six-months pregnant .



Six months na angipinagbubuntis ni Vina Morales at balak na nitong magpahinga para maihanda naniya ang kanyang sarili sa kanyang panganganak in three months time.

Dumalo si Vina sareunion ng That's Entertainment stars sa programa ni German Moreno na WalangTulugan with the Master Showman noong Sabado, January 10, sa Studio 5 ng GMANetwork Center. Ang daming nagsabi na glowing si Vina at mukhang hiyang nahiyang sa pagbubuntis niya.

"Motherhood has beenvery good to me," sabi ni Vina sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Atfirst, may takot ako at baka hindi ko makayanan ito. Kasi marami akongnaririnig na kuwento from my friends na mga nabuntis na rin na nahirapan sila.

"Pero fortunatelyfor me, wala akong nararanasan na hindi maganda. Except for the first two andthree months that I had morning sickness at naglilihi ako. Pero mabilis namannawala at naging okey na ang pakiramdam ko.

"Nakapag-concerttour pa nga ako sa U.S. kelan lang at nakakapag-guest pa ako sa mga shows.Itong baby ko, nakikisama siya, e. Kapag sinasabi ko sa kanya na, ‘Baby, maytrabaho si Mommy, kapit ka lang,' nagiging magaan ang trabaho for me. Idon't experience any pain talaga.

"Pero I think after this month, I will takethings slow na and wait for the coming of my baby. Sobra naman ako kungmagpuyat pa ako sa trabaho! Kawawa naman ang baby girl ko."

Baby girl nga angisisilang ni Vina at may napili na raw silang pangalan ng baby nila ngbusinessman na si Cedric Lee.

"Napili naming nameay Ceana," sabi ni Vina. "It's a combination of our names na Cedric andVina. Nakakatuwa pa because the name Ceana means 'God is gracious.' Kayamagandang blessing ito for us. Lalo na sa akin because maraming nangyaringmaganda sa akin noong 2008 and one of them is to have this baby.

"Marami nga angnagsasabi na it came at the right time. Tama nga naman sila because I'm alreadyin my 30s and it's about time that I think of my future family. Heto atdumating nga ang baby na ito at planado naman ito. Hindi ito basta na langnangyari. Ito ang angel sa buhay ng pamilya ko ngayon at excited na kamingmakita siya," lahad ni Vina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE FATHER OF VINA'SCHILD. Tungkol naman sa ama ng kanyang baby, very supportive daw si Cedric sakanya at sa baby nila. Noong nakaraang Pasko at Bagong Taon nga raw aymagkasama silang nag-celebrate, kasama ang pamilya ni Vina.

"All is well sa amingdalawa ni Cedric," aniya. "He's always there when I need him naman. Nagkahiwalay langkami noong mag-concert tour ako but we always keep in touch. He always tells meto take things easy kasi nasa sixth month na ako. Sinabi ko naman na magbabawasna ako ng trabaho and by next month, stop na ako sa work to take care of myselfna."

Wala na raw problemasi Vina sa mga gamit ng kanyang baby dahil noong mag-concert tour siya saAmerika, ang daming mga Pinoy na nagbigay sa kanya ng mga regalo para sakanyang magiging baby.

"Parang nag-babyshower na nga ako sa U.S. at halos kumpleto na ang mga gamit ni Ceana," ngitini Vina. "Nakakatuwa ang mga regalo ng mga Pinoy sa U.S., lahat para sababy ko. Kaya wala na akong problema sa mga gamit. Magkakaroon din ako ng babyshower next month at madadagdagan pa ulit ang mga gamit ni baby."

Overall ay masayangbuntis si Vina kaya naman kahit na magpahinga muna siya sa showbiz ay worth itdahil isang pinakahihintay na baby ang kapalit ng lahat.

"I've been in thebusiness since I was like eight years old. Ang dami ko na ring napagdaanan na mgamasaya at masakit sa trabahong ito. But I am still here and what makes it allworth it ay ang baby na isisilang ko. Itong baby na ito ang source of joy ko ngayon and all those years ofworking pala ay para ma-prepare ko ang sarili ko sa pagdating niya. I'moverjoyed now because I will be a mother soon, and I promise to be a good motherto Ceana," pagtatapos ni Vina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN