Richard Gutierrez dismisses prediction that he will transfer to ABS-CBN this year

"Prediction pa rin 'yan, walang makakapagsabi kungmagkakatotoo talaga. Sa ngayon kasi, wala akong nakikitang dahilan para umalisako ng GMA-7 at magpa-exclusive sa Dos," says Richard Gutierrez about the buzz that he might transfer to ABS-CBN this year.



Nilinaw ni Richard Gutierrez sa PEP (PhilippineEntertainment Portal) na hindi niya kailangang mag-elaborate pa sa kasalukyangestado nila ni KC Concepcion. Magkatambal muli sila sa pelikulang When I Met You, ang Valentine presentation ng Regal Entertainment at GMA Films.

"What you see is what you get," pagbibigay-diin ni Richard. "Ganoon naman talaga ang sitwasyonnamin ni KC, e. Kung ano kami talaga, yun na yun. I must admit, KC is specialto me. Parang sa mga babaeng ka-close ko, kahit maganda ang treatment ko saiba and I keep my friendship with them, iba yung kay KC. Even during the timena hindi pa siya nag-aartista. At ako naman, hindi pa ako nagbabalik sa showbizas a grown-up, nagkita na kami at iba ang spark."

Dagdag niya, "I should say that when I met KC, walaakong nakikitang iba sa frame. Siya lang talaga. Parang huminto ang mundo."

Hindi niya akalain na mula nang magkita sila noon sa isang party, magkukrus nanang tuluyan ang landas nila, at ngayon ay magkatambal pa sila sa pelikula.

"This is our second team-up, at bago namin narating anguna at ikalawa, we've gone through a lot," sabi ni Richard. "Hindibiro ang ginawa namin at ng managers namin para sa ganitong deal, na yungdalawang warring networks, just for us, okey sa kanila na magtulungan kahit manlang sa promo at publicity ng pelikula.

"Matagal bago maulit ito. Kailangang mapanood ng maramiang second team-up namin ni KC dahil it will take a year or more bago kamimagkasama uli sa isang project. Mami-miss 'yan ng fans, at mami-miss din naminang isa't isa sa ganoong paraan."

THE REAL SCORE. Malapit na kasi ang Valentine's Day, kayafor the record, gustong malaman ng publiko kung ano na ba talaga ang sitwasyonnina Richard at KC.

"Definitely, hindi kami loveless, that's forsure!" natatawang sabi ni Richard. "Masaya kami together. As friends,yun ang pinaka-important, that we have established something as special as thisone.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung ano na lang ang magta-transpire, even after oursecond team-up movie, actually, that's the most exciting part. There's a lot tolook forward to. Para rin sa fans namin ito na alam naming totoong nagmamahalsa amin. Nariyan sila palagi to support us. Actually, gift namin ni KC ito parasa kanila."

How about yung para sa kanilang dalawa?

"Our friendship always springs out surprises. Like rightnow, we're about to shoot in Palawan. We all know how romantic Palawan is. SaStar Cinema movie namin, we even went to Greece. Doon, marami ringunforgettable memories.

"This time, tiyak na marami rin kaming ikukuwentopagkatapos ng shooting namin sa Palawan. Inihahabol namin ang movie for aValentine playdate, kaya sa mga susunod na araw, iikot ang mundo namin sa amingdalawa lang," nangingiting lahad ni Richard.

TURNING KAPAMILYA? Marami ang humuhulang sa taong ito,gagawa ng malaking desisyon ang kampo ni Richard. Baka raw lumipat na rin siyang ABS-CBN. Ano ang masasabi niya sa hulang ito?

"Prediction pa rin 'yan, walang makakapagsabi kungmagkakatotoo talaga," sagot ni Richard pagkatapos mag-isip nangmatagal-tagal. "Sa ngayon kasi, wala akong nakikitang dahilan para umalisako ng GMA-7 at magpa-exclusive sa Dos.

"Masaya na kasi ako sa ganitong set-up dahi welcome akosa Dos anytime. Hindi kailangang magpa-exclusive ako sa kanila. Kung kakayaninna mapagbigyan ko sila, gagawin ko. Kaya naman, just like what we have provenni KC.

"Besides, committed pa rin talaga ako sa GMA-7,and I still have a new series, yung Zorro. Kaya paano ako makakaalis sa GMA-7?At saka sabi ko nga, kahit may mga problema noon, walang hindi naaayos. Nakikipag-usapkami nang maayos sa kanila kaya hindi lumalaki kung nagkakaproblema man,"pagwawakas ng aktor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN