PEP EXCLUSIVE: Katrina Halili speaks up about affair with Hayden Kho

"Aaminin ko po, tanga kasi ako sa pag-ibig. Pero sana maintindihan ng lahat na iba ang kuwento sa akin ni Hayden noongpanahon na yun. Ang masama pa, hindi lang naman ako noong panahon na kami, angdami niyang babae!" reveals Katrina Halili.



"Kung hanggang dito na lang [ang career] ko, wala akongmagagawa," says Katrina Halili in the aftermath of her involvement in theHayden Kho-Vicki Belo breakup.

Binigyan ng belated birthday party ng NMI (NewMedia Inc), na division ng iGMA.tv si Katrina sa Barrakz bar and restaurant sa Tomas Morato, Quezon City, earliertonight, January 11. Katrina turned 22 years old last January 4. Sa States nag-celebrate ang sexy actress, kasama ang kanyang boyfriend na si Kris Lawrence atsumunod naman ang manager niyang si Rommel Gacho. January 7,bumalik sa Pilipinas si Katrina para sa pagpapatuloy ng taping ng Gagambino.

Hindi siya iniwan ng kanyang fans para sa delayed birthdaycelebration niya. Dumating din si Sunshine Dizon at ang ina nito in support ofher co-star and friend sa upcoming GMA Films movie na Sundo.

Nagpaumanhin muna si Katrina sa amin na hindi na siyanakasagot sa mga text namin noong kasagsagan ng issue sa kanila ni Hayden. Sabing kanyang adviser na si Omar Sortijas, forethought na niyang ipinagpalit ngnumber ang kanyang alaga bago pa man lumabas ang lahat dahil alam nilang kapagsumabog ang issue, baka lalong makagulo kung lagi na lang siyang magsasalita.

Isang beses pa lang nagsalita si Katrina tungkol sa issue,bago sila umalis ni Kris patungong States at pagkatapos niyang malaman na unapalang nagsalita si Hayden tungkol sa kanilang nakaraan.

Malaki pa rin ang galit ni Katrina dahil sa pagsasalita niHayden. Sa nasabing party, pumayag si Katrina ng isang tell-allinterview, ngunit may ni-request lang siyang ilang detalye na i-off the record.

THE EFFECT. Ang unang tanong ng PEP (Philippine EntertainmentPortal) sa kanya ay kung sa palagay niya ba'y nakaapekto ang issue sa kanyangunang pelikula para sa OctoArts Films, ang One Night Only. Bagamat isa sapinakamatinong pelikula na kalahok noong 2008 Metro Manila Film Festival,pang-anim lang ito at dalawang pelikula lang ang nilamangan nito—ang Dayo SaMundo ng Elementalia at Magkaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro po nakaapekto talaga," sagot ni Katrina. "Hindinaman alam ng tao kung ano talaga ang totoo, hindi nila alam kung ano angpaniniwalaan. Hindi ko sila masisisi. Nalungkot ako kasi hindi naman natinhawak ang mga pangyayari."

Dapat sana'y umupo na sila ni Orly Ilacad para sa remake ngMiss X na naka-schedule magsimula ngayong buwan nito. Walang alam si Katrinakung ano na ang susunod na mangyayari dahil hihintayin nila ang pagbabalik niRommel Gacho para makipag-usap sa OctoArts.

BELO ENDORSER. Inamin naman ni Katrina na dahil sakontrobersiya, isang endorsement ang na-pull out sa kanya, isang uri ngwhitening soap. Tinanong din namin sila ni Omar kung may papasok sanang bagongendorsement pero na pull-out agad, wala pa naman daw.

Tinanong namin si Katrina kung ano ang mangyayari sa BeloMedical Group, kung saan isa siya sa mga endorser. Nagulat kami sa una niyangsagot.

"Never akong nagkaroon ng kontrata sa Belo," aniya. "Mabaitsila sa akin, nakatulong din naman sila kaya binabayaran ko ito ng kung anonaman ang magagawa ko. Pero hindi ako kailanman nagpabayad sa kanila.

"Kung may pictorial ako, binibigyan ako ng honorarium. Peroganoon lang, wala akong ibang natatanggap. Hindi rin ako nagpepresyo kung anoang bibigay nila sa akin sa mga pictorial. Kung ano lang ang ibigay nila,nagpapasalamat na ako."

So, hindi totoong aalisin siya sa mga billboard ng Belo.

"May isang pinull-out na billboard, sa Trinoma. Pero sabinila, tapos na kasi ang kontrata doon. Pero yung sa airport, nandoon pa rin,hindi inalis."

THE AFFAIR. Kailan sila unang nagkakilala ni Dr. Hayden Kho,ilang buwan sila tumagal at kailan ito natapos?

"2007 pa noong rehearsal para sa Celebrity Duets [kung saankasali si Hayden sa first season]. Pinagpares kami sa isang kanta, tapos nagingmakulit na siya," pagsisiwalat ni Katrina.

"Alam n'yo, hopeless romantic ako, e. Nakakatawa nga,nagpupunta pa kami ni Omar kung saan-saan, naglolokohan kami, baka sa mgapinupuntahan namin makakita ako ng love ko. Tapos ‘eto siya [Hayden], dumatingsa buhay ko na wala akong boyfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam mo naman sa pag-ibig, tanga lahat, bulag. Ang tingin kosa kanya noon, little boy lost. Kinukulit-kulit ako sa text; ako namannapaniwala."

Sinundot namin ang explanation ni Katrina na alam niyanamang sina Dr. Vicki at Hayden noon, bakit niya pa pinasok?

"Aaminin ko po, tanga kasi ako sa pag-ibig," sagot niya."Pero sana maintindihan ng lahat na iba ang kuwento sa akin ni Hayden noongpanahon na yun. Ang masama pa, hindi lang naman ako noong panahon na kami, angdami niyang babae!"

"Pupunta ako sa bahay niya, may hinahatid siyang Brazilian.Aalis ako at hahabulin niya ako mag-e-explain, kaibigan niya lang ito.

"Papunta siya sa akin, sasabihin niya may dinaanan lang munasiya. Iba pa, tatanungin ko bakit siya nagpunta doon, kasi daw friend niya itoat kinu-comfort niya.

"May nakakita sa kanya at isa pa, idinenay niya. May isa pasiyang nilalandi noon na nung tinanong ko mismo yung babae kung sila, oo daw.

"Ako ang unang lumayo," sabi ni Katrina. "Ako ang nagsabing,‘Tama na, mali itong ginagawa natin.' Ako ang nag-correct ng kamalian ko."

THE REVELATION. Apat na buwan lang daw sila naging mag-on niHayden at ito ay noong 2007. Pumutok ang balita noong dulo ng 2008, mahigit isangtaon na silang wala.

"Kaya ako nasaktan, bakit ako lang ang binulgar niya? Bakityung sa amin ang pinag-usapan niya?" himutok ni Katrina.

Noong interbyuhin daw ni Lhar Santiago si Hayden, tinawaganniya muna si Katrina. Si Omar ang nakatanggap ng tawag.

"Ang unang tanong sa amin, nagkuwento raw ba si Katrina," dugtong ni Omar sa kuwento. "Ang sabi ko 'hindi', pero nag-usap na sina Dra.Vicki at Katrina, at umamin na si Katrina."

Tapos, nag-sorry raw si Hayden sa kanila, pero hindi pa nilaalam kung bakit. Saka na lang nalaman kung bakit nang biglang ibinulgar ni Hayden ang sa kanila niKatrina.

"Hindi naman ako ang pinakahuli," sabi ni Katrina. "Hindinaman ako ang nahuli, ako pa nga ang umamin kay Dra. Vicki nang tinanong naako, bakit ako ang sinisi?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Totoong nag-usap daw sila ni Dra. Vicki nang masinsinan,pero wala raw naging confrontation na naganap. Alam na ni Katrina na kahit angmeeting ay para sa Belo endorsement, nang pinalabas na sa kuwarto si Omar parasila na lang ang matira, naramdaman ni Katrina na si Hayden ang pag-uusapannila.

THE VIDEO. May video ba sila ni Hayden?

"Walang ganoon, wala kaming sex video," diin ni Katrina."May dalawang video akong alam, una nung nagsasayaw ako kay Hayden. Pero parasa Celebrity Duetspractice namin ito. Si Omar ang kumuha nito sa cell phoneniya at na-forward lang kay Hayden."

May isa pa raw na video silang dalawa ni Hayden, pero usapanlang ang nangyari.

"Sweet-sweetan lang na usapan, siya ang kumuha. Hindi ko namatandaan kung kailan," sabi ng two-time FHM Sexiest Woman.

Nang pumutok ang balitang may sex video, tinanong agad ninaKatrina at Omar kung ano ito. Si Hayden ang personal na nagsabi sa kanila nawalang ganito. Sa kakakulit daw ni Omar kay Hayden, nag-text back na si Haydensa kanya na forwarded sa amin: "Ang kulet mo Omar, wala ngang video, eh.Ipakita mo sa akin bago mo ako husgahan."

"Noong nabalitaan kong nag-suicide siya [Hayden], naawa panaman ako sa kanya," sabi ni Katrina. "Matagal na kaming tapos, perosiyempre nakakaawa pa rin iisipin mo, ano ba ang pinagdaan nito para mag-isip namag-suicide. Tapos, magaganito ako.

"Alam kong mali ang ginawa ko. Matagal ko nang alam ito kayaako lumalayo sa kanya. Noong nagpa-interview siya, gusto niya pangmakipagkita sa akin. Sabi ko, ‘Bakit pa?' Ayoko na siyang makita. Pagkataposakong maganito?"

May mga text pa raw sa kanya si Hayden, pero hindi na niyaito sinagot. Isa ito sa dahilan kung bakit siya pinagpalit ng number ni Omar.

Hindi naman pinagsisisihan ni Katrina na lumabas ang issue.

"Pasko pa ito lumabas, so sabi ko gift na rin sa akin ito.Ang tagal kong itinago. So ngayon, handa na ako nung pumutok ito. Hindi na akomatatakot."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung ito ang naging "Christmas gift" niya, ano naman ang kanyangbirthday wish para sa sarili niya?

"Nakuha ko na, peace of mind. Kasi lumabas nang lahat,"aniya. " Basta ngayon, tatanggapin ko ang lahat ng lumabas at mangyari sa akinkasi kasama yun sa pagbabayad ko sa pagkakamali ko."

Ano ang natutunan ni Katrina sa isyu na ito?

"Huwag magtitiwala sa tao basta-basta."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN