German Moreno reveals That's Entertainment 'secrets' on Showbiz Central

German Moreno reveals and clarifies some "secrets" about his defunct show That's Entertainment, which started the careers of some of today's big stars in showbiz. The Master Showman also shares a bad experience he had while hosting the show Superstar with friend Nora Aunor.


Pagkataposng reunion ng mga dating miyembro ng That'sEntertainment sa Master Showman PresentsWalang Tulugan ni German Moreno, nag-guest naman ito at naupo sa "Digital Don'tLie To Me Segment" ni John "Sweet" Lapus sa ShowbizCentral.


Hindipa man nakasalang sa mismong lie-detector machine, inintriga na agad ito niSweet dahil alam daw niyang maramdamin si Kuya Germs sa mga iniimbitahan niyanghindi sumisipot. So, meron daw bang mga dating That's members na hindi nagsidating?

"Well,sasabihin ko ba ang pangalan?" tanong naman niya kay Sweet. "E, si Ano, isa sahindi dumating..." Hindi na itinuloy ni Kuya Germs ang pagbanggit ng pangalan, humiritna lang si Sweet na alam na raw ng pinatutungkulan ni Kuya Germs kung sino silaat mag-text na lang kay Kuya Germs para mag-sorry.

KUYA GERMS TO EVERYONE. Sinimulanna ang pagtatanong sa pamamagitan ng pagbanggit ng "easy" question: Since kilalangNoranian si Kuya Germs, totoo bang secretly ay isa rin itong Vilmanian?

"No,"ang sagot ni Kuya Germs, na tinumbasan naman ng "truth" ng lie-detector.

"'Yanang gusto kong maipaliwanag sa lahat. Actually, wala akong sina-side. Being inthe industry for so many years at itinuturing kang ama... Kahit na noon pa, ‘kuya'ang tawag sa ‘yo at hanggang ngayon ay ‘kuya' pa rin tawag sa ‘yo ng lahat. E,hindi naman ibig sabihin na porke't napadikit ako kay Guy, wala na akongpagpapahalaga kay Vi.

"Parasa kaalaman ng lahat, ako ang lumikha ng isang istorya para isapelikula ng SampaguitaPictures, yung Young Love. Magkasamasina Guy, Pip [Tirso Cruz III], Edgar Mortiz, at Vilma para sa isang pelikula forthe first time, and it was a big hit! After that movie, kinausap kaagadni Atty. [Espiridion] Laxa si Edgar at si Vilma para mag-sign under TagalogIlang-Ilang Films. And the controversy ng dalawang love team na ito aydoon nagsimula at doon na uminit ang mga tinatawag nating tagahanga."

THE JANNO-MANILYN-BING TRIANGLE. Sa"moderate" level naman, totoo raw ba ang bulung-bulungan noong araw napinagsabay raw ni Janno Gibbs bilang girlfriend sina Manilyn Reynes at BingLoyzaga?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napahintosi Kuya Germs, nag-pause at natawa, bago ito sumagot, "Yes." Palakpakan angaudience at ang resulta naman ng digitallie-detector machine ay "Truth."

Sweetasked Kuya Germs kung pinagalitan daw ba niya si Janno sa pangyayaring yun.

"Well,knowing Janno, alam n'yo, misteryoso ‘yang Janno na ‘yan talaga! Hindi koakalain na yung kaliitan niya na yun, pagdating sa pag-ibig, e, mabilis nabata. So, noong kumakalat na yung mga ganoong problema at alam n'yo naman, beingthe tatay of That's Entertainment, palagingako ang nasisisi. Akala, e, kunsintidor ako. So, naparatangan ako talaga. Pero,alam n'yo naman si Janno, malambing din ‘yan at marunong magdala. Pero, nasaktanniyang talaga si Manilyn at that time."

Sabipa ni Kuya Germs, "Gusto mo pa ng karugtong doon?" na sagot naman ni Sweet, ayhuwag na raw dahil palaging nanonood ng ShowbizCentral si Janno. But Kuya Germs continued with his story.

"Kinausapko si Bing noon at medyo nagalit ako kay Bing no'ng time na yun. Nag-iiyak siBing talaga at nagsumbong pa sa mommy niya. Bakit ko raw ginagano'n si Bingkasi, inaalis ko siya sa That'sEntertainment. E, mangyari, nabubuo kasi ang love team nina Manilyn atJanno. It's not yung iniisip ko yung pag-iibigan nilang dalawa, hindi akonakikialam dun! Ang ano ko, e, gusto kong maintindihan niyangManilyn-Janno, mainit na sa mga fans at huwag niyang sirain yung pagmamahal ngmga fans na makakatulong sa career ng dalawa."

Peromabilis din namang nilinaw ni Kuya Germs, "Pero mahal ko si Bing, ha!Nalulungkot din ako."

RITA'S REAL AGE. Nextquestion, totoo raw ba na nang pumasok si Rita Avila sa That's, ayon sa pagkakakilala ni Kuya Germs ay 27 years old na ngaito at hindi 19?

Natawamuli si Kuya Germs bago sumagot at saka sinabing, "No." But this time, KuyaGerms got a "lie" result from the machine.

Ayonkay Sweet, umamin na raw si Rita sa isang interview na hindi nga totoong19 ang age niya noong sumali ito sa That's.Kaya ang tanong na lang, si Kuya Germs ba ang nagpayo rito na magpabata ngedad?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"No,no... Hindi ko sinabi. In the first place, hindi ko naman alam na 27 na siya orkung anuman ang edad niya. Pero ang dating niya, it's a material na puwedenggamitin na pangkontrabida. Ganoon ang nasa isip kong pagpaplano sa career niya.And, I think, ganoon ang takbo ng mga roles niya."

RUFA MAE'S AUDITION BOOBOO. Sa"difficult" level, totoo raw ba na nang mag-audition sa That's si Rufa Mae Quinto ay sinabi ni Kuya Germs sa kanya ang mgakatagang, "Pangit kang kumanta, maputi ka lang." Ikinatili naman ito niRufa Mae na naririnig sa background na nagpoprotesta sa katatapos lang natanong.

Peroang sagot ni Kuya Germs ay "Yes," na tinumbasan naman ng "lie" ng lie-detectormachine.

"Noongmag-audition siya at kumanta nga siya, sintunado, wala sa tono. So, hindi ko napinatapos ang kanta. Sabi ko, tama na, tama na, itigil muna. Sinabi ko sa kanyana alam mo, sa totoo lang, maputi ka lang. Pero dahil maputi ka, sigetatanggapin kita."

Tinawagdin ni Sweet si P-Chi para umapela at ikinuwento nga nito ang totoong nangyarinang mag-audition siya sa programa ng Master Showman.

CONFLICT WITH MO. Bagoang sumunod na tanong, nagpasakalye muna si Sweet. Naging kontrobersyal angsandaling hidwaan nina Kuya Germs at Mo Twister. Nasabi raw kasi ni Mo na siKuya Germs ang pinaka-hindi niya gustong magdala ng damit among the local celebrities.Kinabukasan ay pinuntahan daw siya ni Mo sa kanyang radio program at agad namandaw niyang tinanggap ang sorry nito.

Angtanong: Totoo ba na pinatawad na niya talaga si Mo?

"Yes"ang sagot ni Kuya Germs at "truth" naman ang resulta ng test.

Napapansin nga raw ni Sweet na hindi na masyadong makikintab na damitang sinusuot ni Kuya Germs, yun daw ba ay sinasadya?

"Actually,yung mga makikintab ko, malilit na sa akin. Hindi ko na maisuot. At saka, medyolumaki ang tiyan ko, pero, kung meron pa rin pupuwedeng gamitin, gagamitin atgagamitin ko pa rin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Angnasabi pa ni Kuya Germs tungkol kay Mo, "You know, one thing I cananswer now about DJ Mo, is yung lakas ng loob niyang pumunta sa radio show kopara humingi ng tawad. That's something na hinahangaan ko sa kanya."

BITTER SUPERSTAR EXPERIENCE. Andfor the "Now or Never" question, totoo raw bang noong panahon ng kasikatan ng Superstar sa telebisyon ay tinanggal nasiya bilang co-host ni Nora Aunor, pero ipinaglaban siya ng Superstar namanatili bilang co-host niya?

"Yes,"ang sagot ni Kuya Germs and the result was "truth."

"Okey,I want to share something at sana ay mapakinggan ito ng mga kasamahan natin saindustriya. Mapabago or mapadati, lalo na't higit sa mga baguhan ngayon.Sometimes, dumarating sa experience natin ang maraming bagay na dumarating saisipan natin na dapat pag-aralan, at hindi kaagad yung galit ang itinatanimnatin.

"Totoongkamuntik na ‘kong matanggal sa Superstarduring that time. Ang aking pagsisikap bilang talent sa simula, siyempre,makakaranas ka muna na ang iyong talent fee, tumataas. From P75 hanggang sadumating sa P700. Then, all of a sudden, dumating yung dalawang letter sa akinat si Guy, nakatanggap din, na ‘Congratulations, Kuya Germs, you're part of thesuccess of Superstar.' Siyempre,masaya ‘ko at maligaya rin si Guy. The second letter, e, tine-terminate na ‘kosa Superstar. At sabay na sabaydumating yung letter na yun.

"So,parang ang dalawang mukha ng showbiz ay nandoon na agad. Isang nakangiti atisang lumuluha. So, noong mangyari yun at nalaman ni Guy, doon na akopinaglaban ni Guy na hindi siya makakapayag na mawala ako sa tabi niya sa Superstar. So, ang ginawa naman,from P700, ibinalik ang talent fee ko sa P250.00. And because of NoraAunor, hindi ako tatanggalin. But I answered that person na kahit hindi n'yoako bayaran, mag-i-stay ako dahil kay Nora. So, ang nangyari, ibinalik akosa P250. Lahat ng mga tao, especially sa accounting, awang-awa sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Eh,ako naman, noong panahon na yun sa Superstar,kapag may problema siya at umaalis siya, ako ang...siyempre, may mga pagsubok,sama ng loob na nangyayari sa kanya. Dumarating sa point na nagwo-walk-out siyaor hindi siya dumarating. Siyempre, dalawang bagay ‘yan. Either, nasa katuwiranor wala sa katuwiran. Ako ang naiiwan, then I always saved the show attatawagan ko si Tita Pilita Corales.

"So,yun...kahit nangyayari yun, yung rating ng Superstar,napapanatili ko sa itaas at dun, very thankful sa akin si Guy. At least,masakit nga na maraming beses na nangyari yun, pero, ganoon pa ang nangyayarisa akin. Ang tanong mo, bakit? Bakit kailangang mangyari?"

THE LESSON. Sahuli, paalala pa rin ni Kuya Germs sa mga kasamahan, "Nakikita ko, maraming nagtse-change,maraming nagbabago. Nandoroon pa rin ang...hindi ko naman mabi-blame sa isangtalent kung minsan, nababawasan ang pagiging professional ng isang artista.Pero, huwag tayong paakit kaagad, huwag tayong patatangay agad.

"Kailangan,malakas ang iyong dibdib sa pagsubok na dumarating. Meron time na magpapaluwalka, magbibigay daan ka, then, later on, makikita mo yung success, darating atdarating din sa ‘yo. Konting barya rito, konting barya ro'n, kapag pinagsamamo, malaking pera rin ‘yan."

Kayahirit ni Sweet, "Ipinapaalala lang ni Kuya Germs sa mga artista, huwag kayongmukhang pera!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN