Toni Gonzaga clarifies issues that came out during the holidays

"Siguro kaya may mga issue na ganyan, kasi hindi kamimasyadong napagkikita. Hindi rin kami nagpapa-interview. For me kasi, Ithinksapat na I was honest enough to admit na I have a boyfriend, I'mcommitted now. Tapos hindi na ako nagpa-interview about it para hindina nakakalkal," says Toni Gonzaga about reports that her relationship with boyfriend Paul Soriano is on the rocks.



Sa pagbabakasyon ni Toni Gonzaga, kasama ang buong pamilya, sa Amerika last holiday season, samu't saring mga intriga agad ang lumabas tungkol sa TVhost-actress-singer.

Una na rito ay pagkakalabuan daw nila ng boyfriend na siPaul Soriano. Ikalawa ay ang napipintong paglipat daw ni Toni sa ibangistasyon dahil sa kakulangan ng mga proyekto na ibinibigay sa kanya ng ABS-CBN.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Toni kahapon,January 11, sa dressing room ng ASAP '09, ay binigyang-linaw niya ang mga isyung ito.

"Regarding kay Paul," simula ni Toni, "I left na malungkotdahil hindi siya nakasama in States. But I left with a happy heart dahil maybabalikan ako pag-uwi.

"Siguro kaya may mga issue na ganyan, kasi hindi kamimasyadong napagkikita. Hindi rin kami nagpapa-interview. For me kasi, I thinksapat na I was honest enough to admit na I have a boyfriend, I'm committed now. Tapos hindi na ako nagpa-interview about it para hindi na nakakalkal."

Last Friday, January 9, lang nakauwi si Toni from theirvacation. Hindi nakasama sa nasabing bakasyon si Direk Paul dahil bukod sa lakadyun ng buo nilang pamilya, alam ni Toni na may sarili rin namang pamilya nadapat makasama ang boyfriend sa special occasion na yun.

"Galing kami ng L.A., New Jersey, New York," kuwento ni Toni. "Familylang, exclusive for family, it's our first White Christmas... Bonding, updatingsa mga nangyayari sa amin, so talagang excited kami nun.

"Actually, gusto sana naming isama siya [Paul]. Kaya lang, siyempreChristmas and New Year is panahon para sa pamilya. Puwede naman kamingmag-spend ng Christmas namin every day."

NOT TRANSFERRING. Tungkol naman sa issue ng lipatan, sinabi ni Toni na masayaat kuntento siya sa itinatakbo ng career niya sa ABS-CBN at maging sa StarCinema.

"Actually, natawa ako diyan kasi nasa Amerika ako nungmakarating sa akin ‘yan," sabi niya. "Sa Internet ko nakita, naghahanap ako ngmga latest kasi siyempre sa E-Live [showbiz-oriented show of ABS-CBN], kailangang updated ako. Isa, dalawangwrite-ups, akala ko hindi mapapansin, tapos issue na pala. Siguro ganun pagmedyo nagla-lie low ang isang artista, iniisip nila na baka lilipat na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako kasi, I'm very happy with ABS. More than enough angnatanggap ko from them, hindi ko in-expect. Kasi nung lumipat ako dito [fromGMA-7], ang gusto ko magtrabaho lang, hindi ko in-expect na kahit papaano mabibigyanako ng magandang treatment, magagandang shows, magagandang proyekto. So I'm very thankful sa attention and trustna naibigay nila sa akin.

"Dito, nakakuha ako ng award nung nag-host ako dito, ditonaging ganap akong artista, singer. Ang gaganda ng mga pelikulang ibinigay saakin ng Star Cinema. Hindi ko talaga nakikita ang sarili ko na magkakaroon ngsariling pelikula, pero talagang nagtiwala sila sa akin. So, talagang malakiang utang na loob ko sa kanila."

May offer ba talaga sa kanya ang ibang istasyon?

"To be honest, hindi ko alam," sagot ni Toni. "Siguro kungmayroon man, tanungin na lang ninyo ang mommy ko [Mrs. Pinti Gonzaga]. Akonaman kasi, nagtatrabaho lang ako. Pero yung mga ganyang offers, si Mommy talagaang nakakaalam."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN