Veteran actress Anita Linda plays tormentor of Kim Chiu in "Tayong Dalawa"

"Yung mga eksena namin [ni Kim], palagi ko siyanghinahampas...sinasaktan. But Kim is a very nice person, very sweet. Youjust cannot help but like her. Sana, Kim, huwag kang magbabago," says Ms. Anita Linda about Tayong Dalawa co-star Kim Chiu.



Apat sa award-winning veteran actresses na binigyanng tribute sa malaking press launch ng Tayong Dalawa kamakailan ay maykanya-kanyang "moment" sa iba't ibang bahagi ng programa.

Sina Gina Pareñoat Cherry Pie Picacheang pinakatampok sa unang bahagi. Kaya may natatanging emphasis sa pagtanggapnila ng bouquet of flowers, bilang awardees ng local and internationalaward-giving groups.

Sa second part, na inawit ni Gary Valenciano ang theme songng Tayong Dalawa at isa-isang ipinakilala sa stage ng Teatrino sa Greenhills,San Juan ang buong miyembro ng cast, si HelenGamboa ang huling in-introduce, bilang pagbibigay ng kaukulangimportance sa actress-wife ni former Senator Tito Sotto.

Sa huling bahagi ng programa, ang meet-and-greet, question-and-answerwith the press, nagkaroon ng grand welcome para salegendary actress na si Ms. Anita Linda.

Now in her 80's, mahusay pa ring umarte at malinaw pa rinang pagsasalita ng premyadong aktres. Sa ganitong impromptu occasion, na hindisiya dumadalo bilang karakter sa TV series o pelikula, naa-articulate pa rin ngkauna-unahang Best Actress awardee—via the Maria Clara Award in theearly '50s—ang anumang bugso ng damdaming taglay.

Humingi siya ng paumanhin dahil aniya'y hindi siya prepared;hindi nakapagpa-parlor, kaya para raw "kinalaykay" ang kanyang putinang buhok, at unmanicured fingernails.

Pero hindi na ito pansinnang gabing 'yon dahil nagniningning ang kanyang presence. Dahil siya si AnitaLinda.

Sa presscon proper, nabanggit din ang isang insidentenghindi ninanais ninuman, pero dinaranas ng karaniwang tao. Na-holdap dawang driver ng taxi na sinakyan ni Ms. Anita papunta sa presscon, at awang-awa ang aktres sa taxi driverna nanakawan ng kinita nang gabing 'yon. Mahinahon niyang ikinuwento ang masaklap na pangyayari sa mgakatabing sina Helen Gamboa at Gina Pareño.

KIM CHIU. Bilang mag-lola sa Tayong Dalawa, naitanong kayAnita ang tungkol sa naging impression nito sa batang aktres na si Kim Chiu,na pinuri ng ibang kasamahan dahil sa ipinapakitang husay sa pag-arteat professionalism.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Anita, "Lahat ng sinabi nila kay Kim,totoo. Kim is a very nice person. Kung minsan nga lang, walang kibo,hindi ko malaman kung bakit ayaw niyang masyadong lumapit sa akin..."

"Totoo ba, Kim, natatakot ka sa akin?" tanong dinni Anita.

Kim smiled and said, "Hindi po, nahihiya lang..."

"Nahihiya ka lang, bakit naman?" nangingiti angveteran actress. Nag-uusap sila habang nasa entablado, sa harap ng mgadumalong press people.

At naalala ni Anita ang posibleng dahilan ng ganungpagka-ilang ni Kim sa kanya.

"Yung mga eksena namin, palagi ko siyang hinahampas...sinasaktan. But Kim is a very nice person, very sweet. Youjust cannot help but like her. Sana, Kim, huwag kang magbabago."

To see the video of Anita Linda talking about Kim Chiu, click here .


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN