Paolo Contis on Lian Paz: "Mahal ko naman siya."

"We're gettingthere. We don't have any dates, hindi namin minamadali or whatsoever.Technically, we're very committed. Well, I am, I don't know with this girl," says Paolo Contis about the status of his relationship with EB Babes member Lian Paz.



Kung may isang ugali man si Paolo Contis na masasabingconsistent ay ang hindi niya pag-deny kung sinuman ang karelasyon niya. Kayahindi na nagulat ang marami nang mag-guest si Paolo sa Startalk noong Sabado,Enero 10, at sabihin ang magandang pagtitinginan nila ng EB Babes member na siLian Paz.

Kung meron naman sigurong nakakagulat sa mabilis na pag-amin niPaolo tungkol sa kanila ni Lian, ito ay dahil kailan lang napabalita ang breakupnila ng ex-girlfriend niyang si Isabel Oli.

Ngayong mas open na si Paolo tungkol sa kanila ni Lian,sinadya siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Bubble Gangkahapon, January 12, sa Studio 5 ng GMA Network.

"E, lumabas na, e!" natatawang sagot ni Paolo nang tanunginnamin kung bakit umamin na rin siya agad.

Paliwanag niya, "Well, actually, plano talaga namin... Well,hindi naman plano, but sana, eventually na lang, kung kayang itago, itago. It'sfor her [Lian] own good na rin naman. Kasi nga, katulad ng mga nangyayaringayon, may mga lumalabas na hindi kagandahan at yun ang iniiwasan namin. Butthen again, hindi mo naman maiiwasan yun, matagal yun."

How would he describe kung anuman ang meron sila ni Lianngayon?

"Well, katulad nga ng sinabi ko sa Startalk, we're gettingthere. We don't have any dates, hindi namin minamadali or whatsoever.Technically, we're very committed. Well, I am, I don't know with this girl,"sabay tingin ni Paolo sa katabing si Lian, na dumalaw sa kanya sa taping ngBubble Gang.

"Basta sobrang happy kami. Magkasama kami palagi. We dothings together. Mahal ko naman siya," tahasang pag-amin niya.

NEGATIVE REACTIONS. Ayon kay Paolo, very much aware siya sa kung anu-ano angmga ibinabatong hindi magandang komento ng ilan kay Lian. Karamihan aynakakarating din daw sa kanya. Pero ayon kay Paolo, in a way, isang dahilan narin daw ang pag-amin nila para mabigyan ng tamang protection si Lian from thosenegative remarks.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano nga ba sila nag-connect ni Lian?

"Dati, magkakilala na kami," sagot ni Paolo. "Isang incidentna magkakilala kami, way back, pareho kaming taken. Pero walang kuwenta, hiand hello, text... Isang beses lang yun. Kasi nga, nabangga siya. Si Gorgy Rula [Startalk reporter],tinext ako. Missent. ‘Uy, si Lian, respondehan n'yo, nabangga!' So, sabi ko kayGorgy, ‘Pulis ako? Hindi, joke lang!' Tawa naman siya nang tawa. Tapos sabi ko,nasa gym ako. Saan siya nabangga? Sa Crame raw. Sabi ko, ‘May kaibigan akodiyan, bigay mo number ko sa kanya.' So, that's it, period. Nag-thank you,tapos wala nang textan.

"Then, nag-break, nagkita kami sa isang taping, nagkausap.So, yun na. Siguro noong una, naggagamitan tayo para sumaya ng konti. Pero yunggamitan, naging seryoso. Naging bawal na hindi magkita sa isang araw. Nagingaraw-araw na. Naging parang tanga lang, kasi the good thing about it, we neverexpected. Hindi yung thinking namin, ma-in love, wala, e, dumating! Siguro kasi,nag-e-enjoy kami. Single kami and then, eventually nga, it got serious."

BREAKUP WITH ISABEL. Paano naman niya idedepensa ang sarili niya o si Lian saperception ng iba na sila pa ni Isabel nang maging sila ni Lian?

"Not true at all," diin ni Paolo. "Malinaw na nga na hindiganoon. Sinabi kong hindi, so hindi. Hindi totoo yun. Yun ang reason kung bakitayaw naming lumabas agad. Kasi nga, feeling namin, ganoon ang mangyayari.Hindi, e. Actually, alam din namin na mabilis ang pangyayari sa amin. So, bakitmo pipigilan?

"After the breakup [with Isabel]... Actually, nauna yatasilang [Lian and Mark Herras] mag-break, and then kami. It's a blessing, whywould you ignore it?"

Parang hindi niya masyadong ininda ang breakup niya withIsabel?

"Before I break up with someone, I think about it, a lot oftimes. When I decided, that's it," sabi ng aktor.

Napagod o nagsawa ba siya sa naging relasyon nila ni Isabel?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, napagod siguro...we both got tired," pag-amin niya. "It's a very, verylong process. We had to make a decision. It's a long process, contrary dun samga naiisip ng ibang tao na in a snap, wala na. Matagal na proseso yun. Kayanga sinabi ko, noong magdesisyon ako, sure na ako run."

MEETING THE FAMILY. May mga nagsasabi naman na kung siya raw ay very much okayat pabor ang pamilya ni Lian sa kanya, hindi raw ganoon on his family's part. Naipakilalana ba niya si Lian sa pamilya niya?

"Wala pa, wala pang chance na magkita sila. Hindi pa silanagkikita. Wala pang time na magkita-kita sila. Siyempre, umaano pa ako, ako angpume-placing. Sa pamilya ko, wala namang problema ‘yan. Hindi naman siya yungnanliligaw sa akin. Ako ang nanliligaw sa kanya, e," saad ni Paolo.

Totoo ba na ang loyalty ng family niya ay na kay Isabel parin na naging close na sa mga ito?

"Wala naman. I didn't talk to her about it. Nangyari rin sakanila ni Nancy [Castiglione, Paolo's ex-girlfriend] noon, so naka-move onnaman sila. E, kung ang anak nga nila naka-move on, bakit hindi na lang kayasila, di ba?" natatawang biro ni Paolo.

"I AM MYSELF." Sinabi namin kay Paolo na kahit paano, nasubaybayan rinnamin ang lovelife niya. This time, paano niya masasabing iba ang nararamdamanniya ngayon, lalo pa nga't he's had different serious relationships in thepast?

"Sabihin na lang natin na, finally, I am myself," sagot niya."Siguro, napatunayan ko rin na hindi sa tao ‘yan, nandoon sa tao at nandoon sadadalhin sa ‘yo ng Diyos. Kahit sampung taon na kayo, pero kung darating na yungtamang tao para sa ‘yo, yun na yun."

Sa palagay kaya niya ay puwede siyang gawing example ngibang mga artista na takot umamin kapag may karelasyon sila?

"Ako kasi, never akong nag-deny. Sa akin lang, sa mga hindiumaamin, sino ba ang pinahihirapan n'yo? Actually, hindi kayo kundi yungpartner n'yo. Why would you, especially showbiz or non-showbiz ang partner mo? Hindinaman tanga ang Filipino. Kapag alam nilang may girlfriend ka, tatanggapin parin nila yun basta maganda ang ginagawa mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa side ko lang, ayokong pahirapan sana... Dine-deny ko siyanang dine-deny, tapos sinisiraan siya nang sinisiraan, tapos walangnagpoprotekta sa kanya. So, ngayon, alam na nilang meron kaming something,kahit paano, tatahimik ka na ngayon. Kahit paano, respeto na lang nila sa akin,di ba? Yun na lang sa akin. Sabi ko rin sa kanila, let's prove to them na malisila," pahayag ni Paolo.

Masaya si Paolo na okay ang kanyang lovelife pati naang kanyang career. Magsisimula na siyang mag-taping para sa kanyang dalawangbagong shows—Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang at My Dad Is Better Than YourDad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN