Rachelle Ann Go finds new love in Gab Valenciano

"Bagung-bago pa lang kami ni Gab kayamedyo nag-a-adjust pa ako sa mga pagbati ng mga tao sa akin. It feels good andI'm very happy sa nangyayari ngayon," says young singer Rachelle Ann Go about boyfriend Gab Valenciano.



Kitang-kita sa ngiti at pagkislap ng mga mata ng UltimateChampion na si Rachelle Ann Go na in love siya. Hindi naman itinatanggi ngdalaga ang relasyon nila ng kasamahan niya sa ASAP '09 na si Gab Valenciano,anak nina Gary Valenciano at Angeli Pangilinan.

Dahil may bago na siyang pag-ibig, nagawa na ringmagkuwento ni Rachelle sa naging pagtatapos ng relasyon nila ng kapwa niyasinger na si Christian Bautista. Para kay Rachelle, past na raw ‘yon at morethan a year na silang wala ni Christian. Wala naman daw issue sa presentboyfriend niyang si Gab kung pag-usapan man ang kanyang ex-boyfriend.

Ayon kay Rachelle, ang naging dahilan ng paghiwalay nila niChristian ay ang maraming bagay na hindi nila napagkasunduan. Nabanggit pa nganiya na on-and-off ang two-year relationship nila ni Christian dahil hindisila magkasundo.

"We tried working on it for a long time," sabi ni Rachellesa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Hindi lang talaga kami nag-jive saibang bagay. It wasn't working talaga. Though they see us na okay in front ofthe cameras, nagiging professional naman kami sa trabaho.

"Napagkasunduan namin na kesa naman tumagal pa ang mgadifferences namin, nag-decide kami ni Christian to end it at maging friends nalang kami. Sa totoo lang, mas okay kami as friends. Mas nagkakaintindihan kamingayon kesa noong may relasyon kami."

Isa pa raw sa naging dahilan ay ang kakulangan nila ng orasat panahon sa isa't isa. Kahit nga napapanood silang dalawa sa ASAP tuwingLinggo, mas marami raw ang time na hindi nila nakikita ang isa't isa.

"Tuwing ASAP lang naman kami talaga nagkakasama nang matagalni Christian," banggit ng female singer. "After naman no'n, sa mga shows nalang kami ulit kami nagkakasama. Most of the time, may sarili siyang trabaho atako rin naman.

"Kung sa two years namin, mas marami ang time na magkalayokami talaga kesa sa magkasama. I guess isa rin yun sa nakaapekto sa amin. Kayawe really talked about it at nag-decide kaming to let go of the relationshipand be friends na lang. Like what I said, mas naging maayos kaming dalawa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

IN LOVE WITH GAB. Ngayon, ang ngiti ni Rachelle ay mula samagkabilang tenga dahil may bago na siyang inspirasyon sa katauhan niGab Valenciano. Tamang-tama nga ang title ng concert ni Rachelle na Falling InLove dahil in love nga siya ngayon.

Fresh na fresh nga ang relasyon ni Rachelle kay Gab nanitong nakaraang December 2008 na naganap. Inamin ni Rachelle na noong una ayhindi sila nagpapansinan ni Gab. Kapag nagkakasalubong daw sila ni Gab sahallways ng ABS-CBN, hindi raw sila nagbabatian man lang.

"Akala ko kasi noon, mayabang si Gab," ngiti ni Rachelle."Kasi nga sa porma niya and the way he talks to people. Yung parang mayabangtalaga. Tapos anak pa siya ni Gary V., kaya siguro naiisip ko na sobra angconfidence ng taong ito.

"But when I got to know him na, mahiyain din pala siya.‘Tsaka hindi naman siya mayabang. Gano'n lang daw siya magsalita. I guessna-develop lang ang friendship namin noong parati na kaming magkasama sa productionnumbers sa ASAP. Tapos nakakasama ko pa madalas ang father niya kaya masnakilala ko si Gab."

Dagdag niya, "Bagung-bago pa lang kami ni Gab kayamedyo nag-a-adjust pa ako sa mga pagbati ng mga tao sa akin. It feels good andI'm very happy sa nangyayari ngayon."

Noong Pasko ay niregaluhan daw ni Gab si Rachelle ng MacBook laptop. Ang iniregalo naman ni Rachelle ay isang computer chair nagustung-gustong bilhin ni Gab bago pa naging sila.

"Pina-reserve ko talaga yung computer chair kasi gusto niyangbilhin noon pa. Noong ipinakita niya sa akin, pinigilan ko siyang bilhin.Sinabi ko na ang mahal-mahal naman no'n. Maghanap na lang siya ng lessexpensive. Tapos noong Christmas, kasama ko ang mommy ni Gab na naglagay sakuwarto niya. Kaya noong pag-uwi niya noong Christmas, nakita na niya sa roomniya at tuwang-tuwa siya."

Pinabulaanan naman ni Rachelle ang balitang hindi raw siyagusto ng mommy ni Gab. Natawa na lang si Rachelle dahil magkasundo raw sila niMs. Angeli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagulat ako kasi hindi naman totoo ‘yon," sabi ni Rachelle." Noong una siyempre, naiilang pa ako. Nahihiya ako sa mommy ni Gab. Pero TitaAngeli made me feel na I was part of their family. Noong magkaroon kami ng timena magkausap na dalawa, she was open naman to me at na-appreciate ko ‘yon.

"In fact noong Christmas Day nga, nandoon kami ng family kosa house nila Gab. They invited us for dinner at wala namang problema.Nag-bonding kaming lahat. My parents naman noong una, hindi nila gusto si Gab.Hindi pa kasi nila kilala. Noong mag-effort si Gab na makilala ang parents ko,nabaitan sila sa kanya. Kaya okey ang both families sa amin ni Gab."

PRE-VALENTINE CONCERT. Sa January 30 and 31 na ang pre-Valentineconcert na Falling In Love ni Rachelle Ann Go sa Music Museum. Kasabay rin nitoang launch ng bagong album ni Rachelle with the same title under Viva Records.

Produced by Viva Concerts and Events, special guests niyasina Gab at Christian, with Ogie Alcasidand Richard Poon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN