Pauleen Luna afflicted with dengue, needs blood donors

Young actress Pauleen Luna is currently confined at Philippine Heart Center due to dengue. She is in need of blood donors.


Ibinalita ni Pia Guanio sa "Chika Minute" segment ng 24 Oraskanina, January 13, na kasalukuyang naka-confine ang young actress atco-host niya sa Eat Bulaga! na si Pauleen Luna sa Philippine Heart Center. Ayon kay Pia ay dinapuan ngsakit na dengue ang Kapuso star.

Ayon sa report, noon pang Biyernes, January 9,naka-confine si Pauleen sa Heart Center. Nangangailangan din daw ng blooddonations ang young actress.

Nananawagan ang mga kamag-anak ni Pauleen sa mga type Bpositive na bumisita sa Heart Center upang mag-donate ng dugo.

Ini-report ng Department of Health (DOH) noong November nadumoble ang dengue cases sa Metro Manila at Central Luzon, ngunit nabawasan saibang rehiyon nitong nakalipas na sampung buwan.

Ayon naman sa panayam ng dzBB kay DOH Secretary Francisco Duque noong Disyembre, tumaas ang bilang ng dengue fever, typhoid fever, at cholera cases sa Pilipinas noong 2008 dahil sa epekto ng global warming.

Bukod sa Eat Bulaga! ay regular ding napapanood siPauleen sa fantaserye ng GMA-7 na Luna Mystika.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN