Rayver Cruz dismisses rumors about "Twilight" adaptation

Says Rayver Cruz about rumors that he and Shaina Magdayao will star in the Pinoy adaptation of Twilight: "Marami talaga ang di sasang-ayon, pero wala naman kaming intensiyon na makasama ng loob ng ibang tao, pero if ever man, iba na lang. Maraming negatives ang lumabas, kasi sobrang ganda talaga ng Twilight. Kahit ako, sobra akong nagandahan kaya mahirap talaga magawa yun o mapantayan,"



Nang aminin ni Sarah Geronimo na may isa siyang kasamahan sa ASAP na nagsisilbing inspirasyon niya, lumabas ang pangalan ni Rayver Cruz na siya raw secret crush ng Pop Princess.

Wala pa mang kumpirmasyon na nanggagaling mismo kay Sarah, na si Rayver nga ang sinasabi niyang inspirasyon, marami ang kinilig at nagpahayag ng suporta sa tambalang Sarah-Rayver. Bagay na naging dahilan siguro kung bakit napasama ang young actor sa sequel ng Sarah-John Lloyd Cruz starrer na A Very Special Love ng Star Cinema—You've Changed My Life in A Moment.

"Ang laking pasasalamat ko sa Star Cinema na isinama nila ako sa sequel ng A Very Special Love," simula ni Rayver sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Siyempre, makakasama ko ang mga box-office stars. Maganda rin ang role ko sa movie bilang kababata ni Sarah na may gusto sa kanya. So, sana abangan at suportahan nila ito.

Dagdag niya, "Pag sinasabi ng iba na gusto nila kami ni Sarah, natutuwa ako kahit papaano, sumusuporta at naniniwala sila sa amin."

Kahit wala pa rin namang kasiguraduhan kung si Ryaver nga ang sinasabing secret crush ni Sarah, aminado ang binata na ikinatataba ng puso niya na ito ang naiisip ng ibang tao.

"Hindi ako ang dapat sumagot niyan. Pero oo naman, flattered ako pag iniisip ng ibang tao na baka ako nga raw yun. Sino ba naman ang di matutuwa nun, di ba?"

TWILIGHT REMAKE? Bago pa man naging bukas sa publiko ang relasyong Shaina Magdayao at John Prats ay una nang ipinush ng ABS-CBN ang tambalang Rayver-Shaina. Kamakailan ay umugong ang balita na gagawin daw nina Rayver at Shaina ang Pinoy version ng successful Hollywood movie na Twilight, na halaw sa best-slling novel ni Stephenie Meyer. Agad namang nilinaw ng ABS-CBN na walang katotohanan ang balitang ito.

"Nasabi na ng ABS na walang katotohanan ang lumabas na balita," sabi ni Rayver. "Kung maglalabas man sila ng palabas o movie, sa kanila manggagaling. Halata namang pinotoshop, di ba? Pero maganda yung pagkaka-photoshop. Yung mismong poster ng Twilight, tapos pinalitan ng mga mukha namin. Yung picture ni Shaina nung 18th birthday niya, tapos ako nung Spirits pa."(click here to see the poster)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May ideya ba siya kung sino ang nagpasimula at nagkalat ng nasabing posters?

"Siguro fan namin, pero natutuwa naman ako sa mga fans na gusto pa rin kami. Oo naman, gusto ko siyang makasama, kung may opportunity naman, bakit hindi?" saad ng young actor.

Para kay Rayver, kung magkakasama man sila ng dating kapareha ay mas gugustuhin niya na ibang proyketo na lang ang gawin, lalo't sobrang pressure ang maaatang sa kanila dahil sa big success ng Twilight.

LACK OF PUSH? With his talents and good looks, marami ang nanghihinayang na parang kulang sa push ng ABS-CBN si Rayver. Sa kabila nito ay naniniwala ang batang aktor na darating din ang tamang oras para sa kanya. Kung paglipat ng network ang naiisip na solusyon ng ibang mga naiinip, handa pa ring maghintay si Rayver sa pagkakataong ibibigay sa kanya ng kanyang mother studio.

"Gusto kong magpasalamat sa continous na pagsuporta sa akin ng ibang tao. Hayaan ninyo, nasa management ‘yan, hintay lang tayo.

"Regarding sa paglipat, sa ngayon, hindi. Dito na ako sa ABS nagkaroon ng pinakaunang project, nabuo yung Anime, yung UD4. Naniniwala ako na hindi ako pababayaan ng ABS," saad ni Rayver.

Kasama si Rayver sa sisimulang show ng ABS-CBN, Marcelino, kung saan magkakapareha sila ni Maja Salvador, na nabalita noon na ipapareha sana kay Rayver pagkatapos ipahinga ang tambalan nila ni Shaina. Para kay Rayver, excited siya uling makasama sa isang project si Maja lalo't ang huling pinagsamahan nila ay sa Spirits pa a few years ago.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN