Karylle clarifies rumors linking her to Jericho Rosales and Christian Bautista

"Yung pagkakasabi din naman ni Tita Cory [Vidanes] sa akinnung nag-meeting kami, ‘We'll take good care of you,' naniwala naman ako atnakita ko na very sincere naman ang offer nila, at nakikita ko rin naman yun.Every day, may ginagawa ako here and there. Magge-guest ako sa isang soap soon,tapos mag-i-start din ako sa isang teleserye," says Karylle about enjoying her work in ABS-CBN.



When Karylle decided to transfer to ABS-CBN from GMA-7 afterher breakup with Dingdong Dantes, two names were immediately romanticallylinked to the singer-actress: Jericho Rosales and Christian Bautista.

Ayon sa mga bali-balita, si Karylle daw ang bagong apple ofthe eye ni Echo pagkatapos nilang magkahingian ng number nang magkita sa ASAP.Consistent din daw ang pagte-text nila sa isa't isa.

Nasulat din na nakita raw na magkasamang nanood sinaKarylle at Christian ng premiere night ng The Curious Case of Benjamin Buttonsa Gateway Cinema. Magkatabi raw sila sa loob ng sinehan at sweet na sweet.

CHRISTIAN BAUTISTA. Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) siKarylle sa ASAP '09 noong Linggo, January 11, ay pinalinaw namin agad sa kanyaang pagkaka-link niya kina Echo at Christian.

"Si Christian, hindi siya nanliligaw," tanggi ni Karylle."Magkaibigan kami, matagal ko na siyang friends at hanggang ngayon, ganun parin. Mabait siya, sobrang mabait. Datiko pa siyang kakilala and okay naman kami. Nagha-hangout kami minsan."

Hindi naman itinanggi ni Karylle na nanood sila ni Christian ng premiere night ng Benjamin Button, na pinagbibidahan nina Brad Pitt at Cate Blanchett. Pero nilinaw niya na walangkatotohanan na sweet na sweet sila gaya ng nabalita.

"Kasama namin yung mga friends niya. Magkatabi kami, oo,pero hindi naman kami sweet. Baka kasi may mga nag-assume lang," sabi niya.

Sa last guesting ni Karylle sa The Buzz ay may nagpadala ngflowers sa kanya na nagtago sa pangalang "Tony." People assumed na baka siChristian ito dahil Tony ang pangalan ng singer sa pinagsamahan nilang musical, ang West Side Story.

"For me kase, siya [Christian] na lang ang sumagot nun," aniKarylle. "Wala akong idea, but maybe yes or maybe no. Wala naman akong masasabidun, kasi ako ang girl."

Sa hiwalay na panayam ng PEP kay Christian, sinabi nito nahindi siya nagsasara ng pinto sa possibility na ang friendship nila ni Karylle"may lead into something deeper and more special." Ano ang masasabi rito niKarylle?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Just like I've said, ako yung girl so wala akong masasabidiyan. But, oo, I'm not closing also any doors. At this moment, I'm healing myheart, so I'm just taking my time. Ayokong isipin yung ganung mga bagay kasi,di, ba, hindi naman dapat pagtuunan ang isang bagay na hindi pa namannangyayari?" paliwanag niya.

JERICHO ROSALES. Binigyang-linaw rin nina Karylle at Jericho na napalaki langng ibang tao ang constant communication nila, gayong dati pa naman aymagkakilala na raw sila at nagte-text kahit papaano.

Minsang ipinareha sa ASAP ‘09 at may mga nakagusto naman sakanila, Karylle is also open to working with Echo. Ang problema nga lang aynagrereklamo at naaalarma ang mga fans ng Jericho-Kristine Hermosa dahil bakasa pagkaka-link daw ng aktor kay Karylle ay maantalaa at hindi pa matuloy angmga project na hinahanda ng ABS-CBN at Star Cinema para sa dalawa.

"Nung pumasok ako sa ABS-CBN, ang sabi nila sa akin, sa mgaprojects ko raw, they will pair me with different people. Siguro kami ni Echo,may future projects kami. So, abangan na lang nila.

"Ako naman, I'm just here to work. So walang dapatikabahala yung mga Tin-Echo fans, wala naman dapat talaga," paniniguro niKarylle.

NOTHING TO ADD. Nang kumustahin at tanungin namin tungkol sa ex-boyfriend nasi Dingdong Dantes, Karylle chose not to talk anymore dahil para sa kanya ay nasabina naman daw niya ang mga dapat niyang sabihin.

"Wala na namang dapat pag-usapan, na-explain ko na yungside ko. Pag may nagtatanong, minsan sinasagot ko pa rin. Pero sa akin naman,nasabi ko na ang side ko nang sobra-sobra and that's enough."

TURNING KAPAMILYA. 2008 has been an emotional roller-coaster ride for Karylle. But regarding her career, naging maganda at masmalinaw ang pagtatapos ng 2008 at pagpasok ng 2009 sa kanya.

"Imbes na nagtatrabaho ako ng New Year's itself, I was withmy family and iba pala talaga yung feeling ng ganun. So, tuloy-tuloy nanararamdaman ko na paganda nang paganda. The other day, nagtatrabaho na ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nung lumipat ako in ABS, hindi naman fear, pero alam moyung unknown siya," sabi ni Karylle. "Pero I have a good feeling naman, kasisiyempre my mom [Zsa Zsa Padilla] is here, so I feel safe.

"Yung pagkakasabi din naman ni Tita Cory [Vidanes] sa akinnung nag-meeting kami, ‘We'll take good care of you,' naniwala naman ako atnakita ko na very sincere naman ang offer nila, at nakikita ko rin naman yun.Every day, may ginagawa ako here and there. Magge-guest ako sa isang soap soon,tapos mag-i-start din ako sa isang teleserye.

"Naghu-host ako, siguro fourth week ko in the last week ofJanuary, kasi si Tita Amy on leave sa Kabuhayang Swak na Swak, along with Cong.Gilbert Remulla. Sa E-Live, tuwang-tuwa ako dun kasi never pa akong nakagawa ngganun. So, sobra akong nag-e-enjoy kahit parang hot seat yung mga OMG, peronakakatawa.

"Excited ako with my album, it will come out onFebruary. For Valentine's, parang may mga offers na shows... So, ang damitalagang magagandang nangyayari and sobra akong thankful," pagtatapos niKarylle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN