LJ Moreno recalls her last stunt in "Pinoy Fear Factor"

"I thank God everymorning for allowing me to be part of the show. Ang dami kong natutunan and Imade some really good friends, all of us became really close, especially thelast seven participantes and Jose [Sarasola]," says LJ Moreno about her Pinoy Fear Factor experience.



Nasa U.S. si LJ Moreno nang mapanood niyaang Pinoy Fear Factor, kung saan siya ang pang-anim na natanggal sa mga elparticpante. Ayon kay LJ, bagama't matagal na nila itong ginawa, hindi raw niyamaiwasang hindi pa rin malungkot nang mapanood ito.

"It's so funny because I'm in Los Angeles now. Pero nangmapanood ko nga yung elimination episode ko, na-sad pa rin ako," kuwento ni LJsa PEP (Philippine Entertainment Portal) througn the Internet.

Na-eliminate si LJ sa challenge na "inverted bungeejump." Pero nawala man siya sa Pinoy Fear Factor earlier than the sixremaining participantes, worth it daw para kay LJ ang mga naging experienceniya sa naturang reality show na kinunan sa Argentina.

"It was really amazing!" bulalas niya. "I thank God everymorning for allowing me to be part of the show. Ang dami kong natutunan and Imade some really good friends, all of us became really close, especially thelast seven participantes and Jose [Sarasola]."

Si Jose ang pang-apat na na-eliminate sa kanila.

Ayon kay LJ, they were not allowed to be seen together bagomag-start ang Pinoy Fear Factor. Pero nang ma-reveal na raw ang mga participante ay dun nasila todo-gimik talaga.

Ang last challenge, kung saan siya na-eliminate, ang pinaka-hindiraw makakalimutan ni LJ.

"Yung stunt noong na-eliminate ako, up to now, I still catchmyself re-enacting it in my head and trying to hold my breath, because thestunt was patagalan ng hininga habang nakabitin nang patiwarik under water!Plus the part that I had to do the stunt twice, kasi di ako nalagyan ng noseclip!"

Next week ay pauwi na rin daw siya ng Pilipinas, pero morethan a month din daw siyang nakapagbakasyon at nakapag-travel sa iba't ibanglugar sa States.

"Vacation lang talaga! I went to Hawaii for a week noongDecember 15. Then, nag- LA to spend the holidays with my brother and mom, thenLas Vegas for New Year tapos San Francisco, and some day trips to other places.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Super ine-enjoy ko lang yung time ko, because it's my firsttime here in six years na single ako! So, I'm free to go anywhere na walanginiisip," lahad ni LJ.

Speaking of being single, kasama si LJ sa pelikulang Status:Single ng Viva Films, na pinagbibidahan ng kaibigan niyang si Rufa Mae Quinto.In real life, one year na raw unattached si LJ. Her last relationship was withTalk ‘N Text player Jimmy Alapag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN