Love Me Again (Land Down Under) premiere brings surge of fans and supporters

Piolo Pascual and Angel Locsin were greeted by screaming fans last night at the premiere of Love Me Again (Land Down Under) in SM Megamall.


Matagumpayna idinaos ang premiere ng Love Me Again (Land Down Under)sa SM Megamall, Mandaluyong City, kagabi, January 14.

Pinagbibidahan angLove Me Again (Land Down Under) ninaAngel Locsin at Piolo Pascual, sa direksyon ni Rory B. Quintos. Tungkol ito sapag-iibigan nina Arah (Angel) at Migo (Piolo). Dadaan sa isangpagsubok ang pag-iibigan nila nang kinailangang magtrabaho ni Arah sa Australia,kahit na laban sa kalooban ni Migo.

Dinagsang mga fans at mga nakikiusyoso ang premiere, mula ground floor ng mall hanggang sa sinehan. Puno naman ang mismong sinehan ng mga fans, mga kaibigan at mgatagasuporta nina Piolo at Angel.

Palakpakanat tilian ang sumalubong sa lead stars nang sabay silang dumating sa premiere,kasama si direktor Quintos. Matapos bumati sa kanilang mga fans at bisita,umupo na sa reserved seats at nakinood na sina Angel at Piolo. Ipinakitamuna ang trailer ng Manila, ang indie film co-produced by Piolo bago ang mismong Love Me Again (Land Down Under).

Siyang-siyaat panay ang tilian ng mga manonood sa mga eksena ng dalawang bida, lalo na samga dramatic moments at sa mismong love scene nina Angel at Piolo.

Ang Love Me Again (Land Down Under) ay ang unang pelikulangginawa ni Angel para sa Star Cinema at panimulang salvo naman ng film arm ngABS-CBN para sa taong 2009. Kabilang din sa cast sina AJ Dee, Erich Gonzales,Ricky Davao, Dimples Romana, John Manalo, Nash Aguas at Ronnie Lazaro.

Ilanpa sa mga artistang nakitang dumalo at nagbigay ng suporta sa premiere ng Love Me Again (Land Down Under) ay sina Kristine at Kathleen Hermosa, Christian Bautista, Erik Santos,Mark Bautista, Yeng Constantino, DJ Durano at Pokwang. Nanood din ang mgabox-office directors na sina Wenn Deramas at Bb. Joyce Bernal.

To watch video of Angel, Piolo and Direk Rory talk about their movie, click here.



Trailer courtesy of Star Cinema


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN