GMA-7 reveals lineup of shows for first quarter of 2009

(Top row, from left) Dingdong Dantes and Marian Rivera will star in Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, and Richard Gutierrez topbills Zorro;(second row) Robin Padilla will play Totoy Bato, and the tandem of Jennylyn Mercado and Mark Herras will reunite in Paano Ba ang Mangarap?.



Binuksan sa ilang piling entertainment writers ang datingpang-editor lang na quarterly lunch ng pamunuan ng GMA-7 Entertainment TVkanina, January 16, sa 17th floor restaurant sa GMA Network Center.

Full force ang entertainment division head sa pangunguna ninaMs. Wilma Galvante, SVP for Entertainment TV; Ms. Marivin Arayata, VP; Ms.Lilibeth Rasonable, AVP for Drama; Ms. Darling de Jesus, AVP for Musical,Variety & Specials; Ms. Janine Piad-Nacar, AVP for Talk, Game &Reality; Ms. Gigi Santiago-Lara, AVP for Alternative Productions.

Kasama rin ang Senior Program Managers na sina Ms. RedgieMagno, Ms. Bang Arespacochaga, at Ms. Ruth Marinas; pati na ang ProgramManagers na sina Hazel Abonita, Enri Calaycay, Rams David, Cheryl Ching-Sy,Cecille de Guzman, at Redgynn Alba. Si Ms. Ali Dedicatoria lang ang tanging inabsentia.

Katulong nila ang PR group ng Entertainment TV headed by Mr.Butch Raquel at sina Angel David-Javier of Entertainment TV at Jojo Aquio of Q11.

Dito in-announce ang mga upcoming shows ng GMA-7 sa firstquarter of the year, including three new primetime shows, isang Sine Novela, atisang game show.

MY DAD IS BETTER THAN YOUR DAD. Ang My Dad Is Better Than Your Dad, hosted by Paolo Contis,ang unang-unang show na magpa-pilot sa GMA-7 ngayong taon na ito. Ito angipapalit sa Celebrity Edition ng Family Feud ni Richard Gomez tuwing Linggo, atmagpi-premiere ito sa February 8.

ANG BABAENG HINUGOT SA AKING TADYANG. Ang unang dramanaman na magpi-premiere sa Telebabad block ngayong taon na ito ay Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang. Kapalit ito ng LaLola na magtatapos sa February 6. Sa February 9 naman ang pilot ng pangatlongpagsasama nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa TV series.

Dagdag na kuwento ni Ms. Galvante, "traditional love story" parin ang Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang ngunit may touch of suspense andmystery ang kuwento. Nang pinanood daw ng creative group ang original napelikula ni Carlo Caparas, na pinagbidahan nina Vivian Velez at EddieRodriguez, nakahanap sila ng mga paglalagyan nila ng dagdag na subplots paramapahaba nila ng labing-anim na linggo ang kuwento ng isang pelikulang tumakbolang ng dalawang oras.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PAANO BA ANG MANGARAP? Naurong naman to February 16 ang pagpapalabas ng unang SineNovela ng GMA-7 para sa 2009, ang Paano Ba Ang Mangarap? nina Jennylyn Mercadoat Mark Herras sa direksiyon ni Joel Lamangan. Dapat sana'y magsisimula ito ngJanuary 26, ngunit nag-request ang programming department na nagpapasok ng mgaKoreanovela sa afternoon block ng GMA-7 na Dramarama Sa Hapon, na patapusin munaang naisalang nang Koreanovela (Be Strong Geum Soon) bago ito tanggalin.

Ang Paano Ba ang Mangarap? ay halaw naman sa pelikula ninaVilma Santos at Christopher de Leon noong 1983.

TOTOY BATO. Sa February 20 magtatapos ang Gagambino ni Dennis Trillo.Papalitan naman ito sa February 23 ng Totoy Bato nina Robin Padilla, RegineVelasquez, at Manny Pacquiao.

Dagdag na impormasyon sa Totoy Bato, ang kuwento ng orihinal napelikula ni Fernando Poe Jr. ang hinatak ng GMA-7 sa acquired titles. Tumama kasi ang pagkakataon na malibre ang binabalak nilang magbida sa soap—sinaBinoe, Pacman, at ang Asia's Songbird. Makakasama nila si Eddie Garcia bilang trainernina Robin at Pacquiao.

ZORRO. Sa pagtatapos ng Luna Mystika nina Heart Evangelista at MarkAnthony Fernandez, saka isasalang ang Zorro ni Richard Gutierrez.

Ngayong araw na ito nagpapa-audition ang GMA-7 sa dalawangleading ladies ni Richard para sa Zorro, na ididirehe nina Mark Reyes atDominic Zapanta. Ito rin ang pagbabalik-directorial team nina Mark at Dominicna huling nagkasama bilang mga direktor sa Pintados noong huling taon ng dekada‘90.

Ang ilan sa confirmed na magsisiganap sa Zorro ay sina JoelTorre, Ricky Davao, at ang nagbabalik-Kapuso na si Jaclyn Jose.

May kuwento rin si Ms. Wilma sa acquisition ng Zorro.

Year2006 pa lang daw at itini-tape pa lang ang serialized version ng kuwento niJohnston McCulley ng Telemundo at Sony, nakipag-usap na raw ang team ni Ms.Wilma na bilhin ang rights ng Zorro para kay Richard. Hindi pinayagan ng Sonyna ibenta ang rights ng kanilang version na Zorro: La Espada Y La Rosa dahiltelevision rights lang ang gustong ibenta ng Sony.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ibinenta ang rights sa ABS-CBN at kasabayan naman ay angpagtatapos ng copyright ng heirs ni McCulley. Naging public domain na ang Zorroat ang orihinal na kuwento, kung saan siya unang lumabas bilang part-partseries, The Curse of Capistrano.

Nagdesisyon ang GMA-7 na ang original story ang gawin atdito bumalik ang Sony para ibenta na ang franchise na binili naman ng Kapuso.

Sa pagkakaintindi namin, dalawa ang magiging leading ladiesni Richard dahil pagsasamahin ang original na leading lady ni Don Diego delaVega (Zorro) sa The Curse of Capistrano na si Lolita Pulido at ang leading ladyniya sa La Espada Y La Rosa na si Esmeralda Sanchez de Moncada. Hindi nabanggitkung magkakaroon pa ng pangatlong leading lady, ang ginamit naman sa movieversion ni Antonio Banderas na ginampanan ni Catherine Zeta Jones, si ElenaMontero.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN