More exciting Kapuso shows to premiere this year



Sa first quarterly lunch this year with the editors of thehead of GMA-7 Entertainment TV, nailabas na ang first quarter shows of theKapuso network: My Dad is Better Than Your Dad, Ang Babaeng Hinugot Sa AkingTadyang, Paano Ba Ang Mangarap?, Totoy Bato, and Zorro. Napag-usapan na rin angnext set of shows for the second quarter, pati na rin ang ilan pa sa mga dapatabangan para sa 2009.

KOREANOVELAS. Ang All About Eve nina Sunshine Dizon, IzaCalzado, Jean Garcia, Eula Valdes, at Richard Gomez ang pang-apat na primetimeseries na ipalalabas ngayong taon na ito. Announced na rin ang pagpasok niMark Anthony Fernandez sa cast ng local version ng nasabing Koreanovela, na para sanakay Diether Ocampo kung natuloy ang paglipat ng isa sa mga unang Star Magic leadingmen sa Kapuso network.

Malabo pa raw ang local version ng Koreanovela na FullHouse, na dati na ring na-announce dahil sa dami ng rekutitos ng hinihingi ngproducer sa Korea. Kaya't parang mas sigurado pa ang isa pang comedy-romancesoap ng Korea na Coffee Prince.

Hinahanapan pa rin ng tiyempo kung kailan matutuloy angCaptain Barbell Meets Darna na sa teaser pa lang noong 2007 Metro Manila FilmFestival ay nakakabit na ito kasama ng Dyesebel at Babangon Ako't DuduruginKita. Wala pa rin sa 2008 lineup ang minsan nang naikuwento sa amin nina Kylieat Queenie Padilla, ang Panday Kids.

SINE NOVELA. Sa Marso magtatapos ang Saan Darating angUmaga? ni Yasmien Kurdi at may kasunod na ito, ang Dapat Ka Bang Mahalin?.Nabanggit na sa amin kung sino ang binabalak na magbida sa serialized versionng Sharon Cuneta-Gabby Concepcion movie na ito from Viva Films, ngunit hindi pamuna ito ipinasulat sa amin dahil hindi pa nakakausap ang mga artista—isang pares na galing sa StarStruck. Kungmatutuloy, ito ang unang pagbibidahan ng nasabing love team para ma-elevatesila sa lead status.

Hindi pa man nagsisimula ang Paano Ba Ang Mangarap? ninaJennylyn Mercado at Mark Herras, may nakaabang nang magiging kapalit ito—angMuling Buksan Ang Puso na kung matutuloy ay pagbibidahan nina Dennis Trillo,Heart Evangelista, at Nadine Samonte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong na rin namin kung kailan naman ang isa pang datinang na-announce na Sine Novela, ang Tinik Sa Dibdib ni Nora Aunor. Ngunit walapa raw ito sa mga pinaplano.

STARSTRUCK IS BACK. Sa mga game shows at reality showsnaman, confirmed na ang pagbabalik ng StarStruck ngayong taon na ito.

Year 2008 pa, naibalita nang magbabalik ang phenomenalartista-search ng GMA-7 ngunit hindi ito natuloy. Huling nagkaroon ng StarStrucknoong patapos ng 2006, na nag-finals ng March 2007.

Ang plano sana noon, isang taon lang pagpapahingahin angreality show bago ito ibalik. Hanggang dito pa lang ang na-confirm ni Ms. WilmaGalvante, SVP for Entertainment TV. Dagdag pa rito kung kailan pasisimulan angaudition (third quarter this year) at kung kailan magsisimula (sa last quarterng 2009).

Tumangging magbigay ng confirmation ang Entertainment Groupng GMA-7 kung ire-retain ang hosts ng StarStruck na sina Jolina Magdangal, DingdongDantes, at Raymond Gutierrez. Hindi rin nag-confirm kung totoong pasok sapaghu-host si Drew Arellano.

Inaayos pa rin ang mechanics ng fifth edition ng StarStruck.Kung kaya't walang mag-confirm kung totoong apat muli ang mananalo-isangUltimate Male Survivor, isang Ultimate Female Survivor, at isang Ultimate LoveTeam.

SINGING SEARCH. Mas malamang sa hindi na ang Pinoy PopSuperstar ang ibabalik kesa sa second season ng Pinoy Idol.

Kinumpirma ring magbabalik ang isang singing search showngayong taon na ito ngunit hindi tinukoy kung ano. Kailangan pa raw kasingmapag-aralan ang mga "lessons learned" from the first Pinoy Idol dahil iba ngakasi ang sensibility ng mga Pinoy sa ganitong singing search, lalo't involvedang text voting.

Kung magkakataon, magkasunod at hindi magkasabay ang pasok ngStarStruck 5 at ang singing show ngayong taon na ito.

GAME SHOWS. Bukod sa My Dad is Better Than Your Dad,na-acquire na rin ng GMA-7 ang game show na Hole In The Wall, ang Englishversion ng original Japanese game show na Minasan no Okage desita, na tinatawag sa YouTube na "Human Tetris"game show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sina Ogie Alcasidat Michael V ang maghu-host ng show na ipapalit sa pagpapahingahing Family Feudni Richard Gomez; hindi bilang sina Ogie at Michael V kundi bilang sinaAngelina at Yaya ng Bubble Gang.

Isa pang bagonggame show na ipalalabas ngayong taon na ito ang Power of 10, ang CBS game showhosted by Drew Carey. Pang-second quarter of the year ito sa May, ngunit walapa ring napipiling maghu-host. Aabot daw sa P10 million ang ipamimigay na premyo rito.

Magkakaroon din ngkapalit ang Nuts Entertainment, isang late-night comedy program na ihu-host niAnjo Yllan—ang Cool Center.

Ibabalik din ang Celebrity Duets ngayong taon na ito in itsthird season hosted by Regine Velasquez and Ogie Alcasid. Bago magtapos angsecond quarter, malamang na ibalik din daw ang naantala noong Pasko na Obraanthology. Isa si Richard Gutierrez sa nasabihan nang lalabas sa Obra.

Sa mga specials naman, may tig-isang birthday special naipu-produce ang GMA-7—kay Richard Gutierrez this February at para kay RegineVelasquez in April. January 21st ang kaarawan ng kambal na Richardat Raymond Gutierrez ngunit dahil may When I Met U si Richard para sa GMA Filmsat Regal Entertainment, inurong na ng GMA-7 ang special show ng kanilangPrimetime King ng Pebrero in time for the showing of his film with KCConcepcion.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN