Angelika dela Cruz plans December wedding as she awaits birth of her first baby

"E, di ba, ang anniversary talaga namin ni Orion[Casareo, her boyfriend], December? So, yung church wedding namin, plano talaganamin December din... Pero nae-excite ako lalo sa idea na yung baby namin, siGabby, siya yung magiging ring bearer. Di ba, ang cute?" says Angelika delaCruz.


Hanggang sa isang linggo na lang ang taping ng Lalola. Pagkatapos nito ay magpapahinga muna si Angelika dela Cruz sa trabaho. Pero tatanggap pa rin daw siya ng guestingshangga't kaya pa niya.

Pag malapit na ang kabuwanan niya sa Abril, stop na raw siya talaga at ayaw na niyang lumabas muna sa telebisyon. "Naku, siyempre, baka ibang-iba ang hitsura ko nun!Ngayon pa nga lang feeling ko, sobrang bundat na ‘ko. Para ‘kong nakalulon ngisang buong pakwan sa laki na ng tiyan ko. Nagulat nga rin ako kasi, biglasiyang laki talaga!" natatawa pang kuwento ni Angelika nang makausap siya ngPEP (Philippine Entertainment Portal) over the phone.

Bago nga lang manganak, may iba pang pinagkakaabalahanngayon si Angelika, ang pagpaplano for her church wedding thisDecember.

"E, di ba, ang anniversary talaga namin ni Orion[Casareo, her boyfriend], December? So, yung church wedding namin, plano talaganamin December din. May nahanap na kaming venue, pero, grabe pala pang-secondna kami sa waiting list kahit sabihin pa na ang tagal pa ng December, maynakapagpa-book na. So, hopefully, makuha pa rin namin yung date natalagang gusto namin."

Intimate wedding lang daw ang gusto nilangmag-asawa.

"Yung family nina Orion, sanay talaga sila sasobrang bonggang wedding, as in, umaabot ng 1,000 ang mga guests! Pareho namannaming ayaw ng ganoon. Para sa akin, yung umabot ng mga 300 ang guests namin,marami na yun. Okey na ‘ko sa ganoon. Gusto ko talaga yung intimate lang na mgaclose friends and family lang."

Sa Tagaytay gaganapin ang kasal. Bagama't hands-on si Angelika sa paghahanda, plano pa rin daw nilang kumuha ngwedding planner para hindi siya ma-stress, lalo pa nga't may baby na siyangaalagaan.

"Pero nae-excite ako lalo sa idea na yung babynamin, si Gabby, siya yung magiging ring bearer. Di ba, ang cute?" masayangpahayag niya.

This April na nga manganganak si Angelika. Butunlike other celebrities who go for exclusive and expensive hospitals, maspinili ni Angelika na manganak sa ospital na kinaroroonan ng kanyang ob-gyne.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, sa UERM ako manganganak. Siyempre, naisip korin, puwede naman sa ibang mas sosyal na hospital, pero mas lamang kasi yunggusto ko kapag manganganak ako, wala akong ibang iisipin, hindi akomagwo-worry.

"Yung ob-gyne ko kasi, siya pa yung nagpanganak saakin. As in, ganoon na katagal. Siya yung OB ng mommy ko, so, kilalang-kilalana namin siya. Parang part of the family na rin. At least sa kanya, alam ko nasafe ako. So, bago kung anumang kasosyalang hospital, doon na ako sa alamkong wala akong iisipin at tiwala ako sa doktor ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN