Regine Tolentino's mom recovering from cancer

"My mom [Mommy Regina Maristela, seated] is doing very well. She's from remission for stage four lymphoma and cancer of the bones. Okey na siya ulit, and very positive and we're praying na tuluy-tuloy na sana," says Regine Tolentino.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Regine Tolentino sa grand opening ng bagong bukas na Techno Wave Bar & Restaurant sa 3rd Level ng Il Terrazo Building sa T.Morato Ave., Quezon City. Si Regine kasi ang naimbitahang celebrity para mag-cut ng ribbon.

Busy raw siya ngayon dahil sa pagbubukas niya ng bagong shop; at the same time, may on-going exhibit siya sa SM Megamall. Happy and contented daw siya sa buhay niya ngayon na masasabing hindi na all-out showbiz, dahil she's into business na nga. At masaya rin siya na after their marital storms, okey na okey na raw sila ngayon ng asawang si Lander Vera-Perez.

"Kami ni Lander, kaka-celebrate lang namin ng aming 11 years anniversary. Eleven years na kami. Nasa honeymoon stage na kami. May time na ngayon kaya masaya," nakangiti niyang sabi.

May dalawa silang anak na babae ni Lander, pero, they always make it a point na may time na raw sila for each other.

"We make it a point that we date, at least, once a week. Busy rin kasi siya."

Naisip daw nilang mag-renewal of vows kaso hindi na raw nila naituloy.

"Actually, dapat last year sana, kasi it's our 10th year. Kaso, naging busy kaya hindi natuloy. This year naman, magse-celebrate ako ng anniversary ng shop ko dahil 10 years na ito."

Natutuwa rin si Regine dahil ang mommy niya, who was diagnosed with cancer of the lymphoma ay nakaka-recover na raw.

"My mom is doing very well. She's from remission for stage four lymphoma and cancer of the bones. Okey na siya ulit, and very positive and we're praying na tuluy-tuloy na sana."

Dugtong pa niya, "Tapos na siya sa mga treatment. So, on her way to recovery na siya ngayon. Stage four, ha? So, ngayon pagaling na siya."

Puwede palang maging inspirasyon ng ibang cancer patients ang mommy niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yeah! Actually, sobrang hirap para sa aming lahat ang experience na yun, pero ngayon, okey na."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN