Singer-actor Jay-R survives tragic accident in U.S.

A photo (taken by Juan Guerra, who was there at the actual scene) of Jay-R and girlfriend Elize Calove, being escorted by Los Angeles Fire Department, on their way out from the tunnel where the tragic accident happened.

Click www.juanguerra.smugmug.com to view more photos


Marami ang nagulat sa ibinalita ng Showbiz Central kahapon, January 18, tungkol sa nasaksihang tragic accident ng R&B singer na si Jay-R habang nagbabakasyon sa Los Angeles, California. Ang kanyang ina na si Mrs. Ampi Sillona ang nakausap ng Showbiz Central host na si Pia Guanio over the phone tungkol sa naturang insidente.

Ayon sa mommy ni Jay-R, kinukunsidera na raw niyang ikalawang buhay o second life ng anak ngayon. Halata rin sa umpisa ng interview ni Pia sa ina ni Jay-R na tila hesitant pa itong magkuwento tungkol sa nangyari.

Pia asked Mrs. Sillona kung bakit nito nasabing Jay-R is on his second life.

"Yeah, kasi ako as a mother, I was really terrified because he almost died because of that accident, and it could have been the six of them, not only one person. Kaya ko nasabi yun," pahayag ni Mrs. Sillona.

Nang tanungin ni Pia si Mrs. Sillona kung puwede nitong ilahad kung ano ang totoong nangyari, "Ah, do I have to do that? Do I have to relate the story?" sagot ng ina ni Jay-R.

Ipinaliwanag naman ni Pia na walang nakakaalam sa Pilipinas sa nangyari kay Jay-R. Marami rin daw mga concerned friends and fans ni Jay-R ang nag-aalala para sa R&B singer. Pagkatapos nito ay nagpaunlak na rin si Mrs. Sillona na ikuwento ang nangyari.

"Last Sunday, the 11th, they went hiking in the afternoon after church. Tapos, nag-end up sila doon sa canyon dito sa Chatsworth. They were six people. Meron tunnel do'n and it looks like abandoned. Pero before they went in, they were able to talk to some people around. May mga bata na nag-in and out sa tunnel. And then they were able to talk to a lady with a child. Tinanong nila kung ano ang meron dun sa loob. And sabi naman nung ano, nothing except for bats and graffiti.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, sila naman, naging curious yata sila. Tapos sila, ‘C'mon guys, we check it out.' Then, in the middle nung walk nila, nung hike, narinig na nila yung [Amtrak passenger] train dumarating. And it so happened na ang distance between the wall and the train, like three feet. So nag-panic silang lahat na anim. Tapos ano, yun... Unfortunately, yung isa sa kanila, si Myra, was hit by the grab bar of the train and she died on the spot," malungkot na salaysay ni Mrs. Sillona.

Myra Theresa Mina-Calove was the sister-in-law of Jay-R's girlfriend, Liza Calove.

Bagamat sa kuwento ng ina ni Jay-R na anim silang kasama sa hiking, ayon sa reports na nakita ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa iba't ibang news websites ay lima lang sila. Bukod kina Myra, Jay-R, at Liza, kasama rin nila sa naturang hiking ang asawa ni Myra at isa pa nilang kapatid na babae.

Kinumusta naman ni Pia ang kalagayan ngayon ni Jay-R.

"Everybody...everybody is devastated. Jay-R is having a difficult time. As you know, he experienced something that people would never experience in their life. It's very traumatic," saad ni Mrs. Sillona.

Is it true na may planong mag-extend si Jay-R ng stay niya sa U.S.?

"Right now, it's indefinite," sagot ng ina ng singer. "Kasi, we are trying to...we are doing best to move on with our lives. He's trying to be strong for himself, for Lisa, and her family. And you know, my family, the whole family, we feel so much for the Calove family, most especially."

Hindi naman itinanggi ng mommy ni Jay-R that right now, her son is undergoing some professional counseling.

"Yes, that's the major or the priority right now, to seek professional counseling in order for them to feel better... To Jay-R's fans, friends, and family, from the bottom of our hearts, we want to thank all of them for their support and prayers. For the Sillona and mostly for the Calove family. We really appreciate it."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag ng mommy ni Jay-R, "Thank you rin, Pia, and I hope everybody would understand Jay-R's situation right now. And we really appreciate their support, more understanding for him."

Sa ngayon, wala pang kasiguraduhan kung kailan ang balik ni Jay-R sa Pilipinas.

Click here to see some photos of the tragic incident.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN