PEP EXCLUSIVE: Jake Cuenca admits confronting Baron Geisler

"Si Baron, everytime na magkikita kami, totoo yung pakita ko sa kanya. Alam n'yo naman ako, hindi naman ako plastic na tao. Siya rin, ang akala ko, totoo siya sa akin. Tinatawag pa niya akong 'brother.' So, yung point ko, kung hindi mo ako gusto, huwag na lang magplastikan. Parang kapag nakatalikod, saka kung anu-ano ang sinasabi," says Jake Cuenca about Baron Geisler (inset).


Nagsimula sa mga blind item ang diumano'y may mga sinasabi si Baron Geisler sa kapwa Kapamilya star at co-star niya sa Tayong Dalawa na si Jake Cuenca. Hanggang sa may ilang write-ups na rin na naglabasan at kahapon, January 18, ay nagkaroon na ng kumprontasyon sa pagitan ng dalawang aktor nang mag-guest sila sa ASAP '09.

Ayon sa lumabas na mga balita, kinumpronta raw ni Jake si Baron tungkol sa mga nakakarating sa kanyang mga sinasabi ni Baron laban sa kanya. Balita rin na muntik na raw magkasuntukan ang dalawa, pero inawat lang ang mga ito.

THE CONFRONTATION. Dahil lumabas na naman ang balita at nagpa-interview na si Jake tungkol dito sa The Buzz kahapon, hindi na rin nahirapan ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na makausap at ipalinaw kay Jake ang talagang nangyari sa pagitan nila ni Baron.

Umpisa pa lang ay umamin na si Jake na totoong kinumpronta niya si Baron kahapon sa set ng ASAP.

"Nilapitan ko siya. Tinanong ko siya kung ano ang problema niya sa akin. Sinabi ko sa kanya yung mga sinabi raw niya na nakarating sa akin," kuwento ni Jake nang makausap ng PEP sa telepono habang nasa taping ng Tayong Dalawa kanina, January 19.

Ano ang pinanggalingan ng pagkumpronta niya kay Baron? Dahil ba ito sa write-ups tungkol sa kanila?

"No, kung write-ups lang, hindi ako magre-react sa ganoon," paglilinaw ni Jake. "Matagal na akong natsitsismis ng ganyan, pero wala lang. Hindi ko lang pinapansin dahil ang katuwiran ko, ako sa sarili ko, alam ko naman ang totoo.

"Yung kay Baron lang, marami na yung lumapit sa akin, nagsabi at nagkuwento ng mga sinabi nga raw ni Baron. Meron pa raw sa party... Yung sa akin lang naman, kung may problema ka pala sa akin, bakit hindi mo sa akin diretso sabihin? Wala akong kaalam-alam na may mga sinasabi pala siya sa akin kapag nakatalikod na ako. Kapag magkaharap kami, mabait naman siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, nang kausapin ko siya, talagang ang tanong ko, ‘Ano'ng problema mo?' Yung sagot niya dun, sinisiraan lang daw siya ng press," lahad ng aktor.

Ang tinutukoy na party ni Jake kung saan naglabas daw ng kanyang saloobin si Baron ay sa party ni Maryo J. de los Reyes, direktor ni Baron sa pelikulang Torotot.

Inamin ni Jake na medyo mainit ang naging pag-uusap nila ni Baron. Hindi naman sinagot nang diretso ni Jake kung tinanggap niya ang paghingi ng sorry ni Baron.

Aniya, "Umalis na lang ako. Grabe kasi yung nararamdaman ko noon. Kumbaga, si Baron, everytime na magkikita kami, totoo yung pakita ko sa kanya. Alam n'yo naman ako, hindi naman ako plastic na tao. Siya rin, ang akala ko, totoo siya sa akin. Tinatawag pa niya akong 'brother.' So, yung point ko, kung hindi mo ako gusto, huwag na lang magplastikan. Parang kapag nakatalikod, saka kung anu-ano ang sinasabi. Siguro naman, eventually kapag malamig na, maaayos din lahat."

Hindi naman daw sila umabot sa magsusuntukan na at kailangan pang awatin.

"Inaamin ko naman nga na medyo mainit yung sitwasyon, pero nagpigil din ako," sabi ni Jake. "Unang-una, pareho kaming nasa trabaho. All we have to do is be professional. Gusto ko lang maging totoo sa kanya kesa makipagplastikan ako."

POSSIBLE REASON. Kung totoo ngang may mga sinasabing hindi maganda si Baron na kesyo may humahawak na gay executive sa ABS-CBN kay Jake kaya't magaganda ang projects na nakukuha niya, naiisip ba ni Jake na baka naiinggit o nai-insecure lang si Baron sa kanya?

"Hindi ko naman iniisip yun. Ayokong isipin yung ganoon. Unang-una, wala namang dahilan para makaramdam ng inggit or insecurities. Iisipin ko na lang na may problema siya. Siguro, dapat lang din na may magsabi sa kanya para alam niya rin," sagot ni Jake.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

How does he feel na heto na naman ang isyu sa kanya tungkol sa diumano'y pagkakaroon niya ng malakas na kapit sa ABS-CBN?

"Tulad ng sinasabi ko, kung anuman ang nakukuha ko ngayon, I work hard for it. Kung may nagbabalik ng isyung yun, masakit. At the end of the day naman, my work speaks for itself.

"Siyempre, nagpapasalamat din ako sa ABS dahil nakikita naman nila yung work ethic ko. Lahat naman ng meron ako, I work hard. I never took the shortcut. Basta ako, ibinibigay ko lang ang sarili ko sa kahit anong trabahong ibinibigay naman sa akin ng ABS," pahayag ni Jake.

May message ba siya for Baron?

"Binigyan ko na naman siya ng message. Sana lang, maging lesson din sa kanya yung nangyari. Minsan talaga, hindi na tama yung ginagawa niya. Puwede namang magkamali, pero sana matuto tayo sa mga pagkakamali. Para sa akin, mabait naman si Baron. So, siguro nga, may problema lang siya. Pero still, that's not an excuse, lalo na kung may naapakan ka nang tao," pagtatapos ni Jake.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN