Baron Geisler denies being source of gay-benefactor rumor against Jake Cuenca

Baron Geisler is on the hot seat again!

After announcing that he wants to lead a"gulo-at-bisyo-free" life this year, he figured in a confrontation with fellow star in Tayong Dalawa, Jake Cuenca. The alleged cause of their tiff: Some friends of Jake named Baron as the source of malevolent rumors against the young actor.


Pagkatapos makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jake Cuenca kahapon, ika-19 ng Enero, kaugnay sa napabalitang kumprontasyon na naganap sa ASAP noong Linggo, ika-18 ng Enero, kinuhanan din namin ng pahayag si Baron Geisler.

Ang bungad ni Baron ay magkikita raw sila ni Piolo Pascual sa gym and after that, magkakaroon sila ng Bible study.

Umpisa pa lang ay sinabi na ng dating housemate ng Pinoy Big Brother na ayaw niyang magbigay ng anumang pahayag tungkol sa nangyari sa kanila ni Jake. Aniya, "Wala akong iko-comment about that issue. Totoong kinumpronta niya ako, pero, sinabi ko rin sa kanyang walang nangyaring ganoon na ipinagkakalat ko raw."

Ilan sa mga lumabas na paninira umano ni Baron kay Jake ay tungkol sa pagkakaroon daw ng huli ng maraming projects dahil sa kanyang gay benefactor, na executive ng ABS-CBN.

Pinabulaanan ni Baron ang mga paratang sa kanya. Bilib pa nga raw siya kay Jake pagdating sa dedikasyon nito sa trabaho.

"Actually, Jake is a good guy, kaya nagulat pa nga ako na pinatulan niya yung isyu at yung mga nagpaparating daw sa kanya...Sana lang, he also gave me the benefit of the doubt."

Nang usisain ng PEP kung humingi siya ng paumanhin sa young actor, ang sabi ni Baron, "Hindi ako nag-sorry. Why would I? Nag-apologize ako sa nangyayari, pero, hindi ako nag-sorry dahil may sinabi raw akong ganoon. Ang sabi ko nga sa kanya, ginagamit lang ako ng mga press."

Sa lumabas na isyu, naging bulung-bulungan ay maaring nakakaramdam daw siya ng inggit or insecurities sa kapwa Kapamilya star, na co-actor rin niya sa Tayong Dalawa. Anong masasabi niya rito?

"Una, hindi ako nainggit! Tanga ba ‘ko para gawin yun? Actually, humingi na rin ako ng chance na makapag-usap kami sa Star Magic, kay Tita Mariole Alberto [vice president of Star Magic]. Hindi ako guilty dahil, siguro, mga haka-haka lang ito against me na nakakarating sa kanya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa kay Baron, umaasa raw siya na kapag nagkausap sila nang maayos ni Jake at sa harapan ng mga bosses ng Star Magic ay maaayos rin ang anumang naging isyu sa pagitan nila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN