Alfred Vargas spent holidays in Palawan with non-showbiz girlfriend

"I took a vacationwith her sa Palawan noong December. Sa Club Paradise kami nag-New Year. I wasthere for two weeks and it was the best two weeks of my life. Ngayon ay nasaItaly na siya ulit and she will be back in June. Hopefully, dito na siyamag-stay para mas magkasama kami parati," relates Alfred Vargas about spending the holidays in Palawan with his Fil-Italian girlfriend.



Inamin ng aktor nasi Alfred Vargas na may plano rin siyang tumakbo for public office sa 2010. Angpagiging konsehal ng second district ng Quezon City ang kanyang puntirya at mukhangdesidido na si Alfred sa balak niyang ito.

Matagal na raw namay nag-iimbita kay Alfred na tumakbo sa pulitika. Sa probinsiya pa raw nila saBulacan ay may mga naghihikayat na sa kanya. Pero mas pinili ni Alfred angtumakbo sa Quezon City dahil nandoon nga naman ang trabaho niya at mas madalisiyang makakakuha ng suporta sa kanyang planong pagtakbo sa 2010.

"More on publicservice talaga ang rason ko for running. Marami tayong changes na gustongmangyari, pero we don't get it enough from the people na nakaupo ngayon.So why not do it yourself, di ba? Kungmay alam kang solusyon na makakatulong sa marami, okey ‘yon.

"But, of course,entering politics is not that easy din. Kailangan may knowledge din ako kahitpapa'no sa maraming bagay. I have people to help me get into it. May mgapag-aaralan ako tungkol diyan. I know na may mga kukuwestiyon sa gusto kong itoand I welcome their comments and suggestions naman. Makakatulong ang mgapositive and negative feedback sa akin," saad ni Alfred sa PEP (PhilippineEntertainment Portal).

Kaya ngayon pa langdaw ay ratsada na sa trabaho si Alfred dahil kung matuloy ang mga plano niya sa2010 ay kailangan na niyang paghandaan ang gagawin niyang kampanya.

Mabuti na lang atdalawa ang pelikula niyang magkasunod na ipalalabas. Una ay ang Status: Singlewith Rufa Mae Quinto under Viva Films and On-Q-28, at ang pangalawa ay ang WhenI Met U ng GMA Films with Richard Gutierrez and KC Concepcion.

Makakasama rin siAlfred sa GMA-7 primetime soap na All About Eve with Sunshine Dizon and IzaCalzado. Huling napanood si Alfred sa Dyesebel at Una Kang Naging Akin noong2008.

May inaasikaso ring negosyo si Alfred at ito ay ang kanyang MakulayFarms na matatagpuan sa San Miguel, Bulacan. Nagsu-supply si Alfred ng mgasemi-organic vegetables sa mga supermarket at iba't ibang palengke sa MetroManila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ALFRED'S NON-SHOWBIZGIRLFRIEND. Hindi rin namannakakalimutan ni Alfred ang kanyang personal na buhay. May non-showbizgirlfriend siya na nagngangalang Yasmine, an Italian-Filipino na naka-base saMilan, Italy. Nag-aaral si Yasmine ng Fine Arts and by June this year ay matataposna siya sa kanyang kurso. Malamang na dito na raw siya sa Pilipinas titira atmagtatrabaho.

Si Yamine ang kasama ni Alfred na nagbakasyon sa Palawan last December.

"I met Yasmine lastyear in Laguna," banggit ng aktor. "Kasama niya ang family at relatives niya.Para akong tinamaan ni Kupido noong mag-meet kami!

"I took a vacationwith her sa Palawan noong December. Sa Club Paradise kami nag-New Year. I wasthere for two weeks and it was the best two weeks of my life. Ngayon ay nasaItaly na siya ulit and she will be back in June. Hopefully, dito na siyamag-stay para mas magkasama kami parati."

JANA ROXAS. Pinabulaanan naman niAlfred ang tungkol sa kanila ng StarStruck 3 Avenger na si Jana Roxas.Natsismis kasing may relasyon sila noong maging mainstay si Jana sa NUTSEntertainment last year.

Paliwanag ni Alfred,"Naging close lang kami ni Jana because most of the games na ginagawa namin forthe show ay magkakampi kami. Nahihiya nga ako kay Jana kasi parati na lang akongtinatanong about her. There's nothing naman to admit or deny, kasi hindi namannaging kami. Ang alam ko ay may boyfriend si Jana.

"Nagkausap nga kamini Jana at nahihiya rin daw siya sa akin because of the rumor. Sinabi ko namanna okey lang ‘yon. Ganito talaga ang showbiz. Kailangan ay masanay siya kasiako, sanay na sanay na."

RUFA MAE QUINTO. Sa isang interview namanni Rufa Mae Quinto ay napaamin ito na muntik na silang nagkaroon ng relasyonnoong ginagawa nila ang Marinara sa GMA-7. Iyon ang first primetime show niAlfred at inamin naman niyang naging close talaga sila ni Rufa Mae.

"Well, nanggaling narin naman kay P-Chi at naikuwento ko na rin ‘yon before. It's true na muntik nakaming magkaroon ng relationship. Naging very close kami noon ni P-Chi kasiparati kaming may mga eksena noon sa Marinara. Mabait kasi siyang tao atnapakalambing. And she makes me laugh talaga. That was my first show sa GMA-7kaya naging very supportive siya sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun nga lang, hinditalaga puwedeng maging kami that time kasi may mga magiging problema. So weended up as friends na lang. Up to now naman, close pa rin kami ni P-Chi. Lastyear nagkasama kami sa Dyesebel, tapos nag-shoot ako for Status: Single. I didthe movie because of Rufa Mae. Ganyan siya kaimportante sa akin talaga,"pagtatapos ni Alfred.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN