Sheena Halili reveals reason for breakup with Rainier Castillo

"Bigla na lang kaming hindi na nagpansinan... Bigla na lang niya akong hindi pinansin. Siyempre, hindi ko naman ipipilit ang sarili ko sa ayaw na sa akin, di ba?" says Sheena Halili about her breakup with now ex-boyfriend Rainier Castillo.


Ang Kapuso Star at produkto ng StarStruck Batch 1 na si Sheena Halili ang ikalawang sumalang sa bagong segment ng Showbiz Central na "Gimme Mo," ni Mo Twister. Sa segment na ito ay ang mga malalapit o naugnay na tao kay Sheena ang tatanungin at pamimiliin ng mga tanong na gusto nilang itanong ni Mo sa kanya.

Bagamat hindi masasabing maingay o kontrobersiyal si Sheena, naniniwala ang Showbiz Central na maraming mga isyu over the past years ang hindi nagawang itanong or nabigyan ng kasagutan ng young actress.

Ilan nga sa mga artistang namili ng questions ay ang mga ka-batch niya sa StarStruck na sina Mark Herras, Katrina Halili, at Rainier Castillo, na naging ex-boyfriend ni Sheena. Kasama ring pumili ng question ang ka-love team ngayon ni Sheena na si Arthur Solinap.

Nang sumalang si Sheena, ibinuko agad ito ni Mo na umamin daw sa kanya backstage ang young actress na kinakabahan siya.

"Oo nga, e. Kasi, tahimik lang naman ako, di ba? Tapos yung mga isyu, lalabas!" halatang tensiyonadong sabi ni Sheena.

Binanggit muna ni Mo kay Sheena ang limang tanong na napili ng mga malalapit na kaibigan niya para sa kanya, pero hindi itatanong sa kanya. Pagkatapos nito ay inisa-isa na ni Mo ang Top 5 questions na napili ng Showbiz Central para kay Shaina.

Most Wanted Question No. 5. Sa Marimar nagsimula ang love team n'yo ni Arthur Solinap. Gaano katotoo na nagkaroon kayo ng short-lived romance?

"Ano, sige, magiging honest ako, ha?" pasakalye ni Sheena. "Sinabi naman niya sa akin na crush niya ako, nagte-text siya, tumatawag siya. Pero hanggang doon lang talaga. Hindi kami naging mag-boyfriend, girlfriend."

Hindi ka ba nag-fall sa mga tine-text niya na sweet nothings, sweet messages?

"May ganoon talaga, di ba? Yung parang mararamdaman mo na hanggang friends lang kayo."

So, hindi mo siya type?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman sa hindi ko siya type. Alam naman niya yung mga type ko, moreno. Pero hindi ko rin naman sinasabing sa mga moreno lang ako mai-in love. Kaso, walang tsug-tsug, tigidig...walang ganoon!" natatawa niyang sabi.

Most Wanted Question No. 4. You said in your past interviews na nasaktan ka talaga sa breakup n'yo ni Rainier Castillo. Ano ba talaga ang naging dahilan ng breakup? Was it because of another girl?

"Eto, honest ulit... Kasi, ngayon ko lang din sasagutin ‘yan, five years na yata or four years na yata... Actually, hindi naman napag-usapan kung bakit kailangan naming maghiwalay. Kasi bigla na lang siyang nangyari. Parang wala na lang. Siguro na-realize namin na hanggang doon na lang kami. Ganoon."

So, paano yun? Nag-break kayo pero walang dahilan? Hindi ba parang weird yun?

"Actually, hindi kami nag-usap," sabi ni Sheena. "Bigla na lang kaming hindi na nagpansinan. Naku, wala na! Bukong-buko na ako rito! Bigla na lang niya akong hindi pinansin. Siyempre, hindi ko naman ipipilit ang sarili ko sa ayaw na sa akin, di ba?"

Ano yun, boyfriend mo tapos bigla na lang hindi namansin?

"Medyo inunti-unti naman niya ako. Pero hindi ko na inungkat pa kung may iba na siyang mahal. Siguro kung kailangan, kung mahal ko siya, kailangang i-let go ko siya nang bonggang-bongga!"

Feeling mo ba, may third party?

"Sabi nila... Hindi ko alam. Kasi, hindi naman ako maniniwala kung hindi siya ang magsasabi. At saka, too late na rin kung itanong ko sa kanya ngayon, di ba? Kasi ngayon na lang din kami naging okay ni Rainier, na parang nagpapansinan na kami, nag-uusap na kami."

Masasabi mo bang nakapag-move on ka na?

"Oo naman! Move on na."

Wala kang boyfriend ngayon?

"Wala!"

Most Wanted Question No. 3. Have you ever felt jealous with Yasmien Kurdi when she was Rainier's partner and you were Rainier's girlfriend?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Selos? Klinaro naman sa akin ni Rainier na love team sila noon. Pero, siyempre, ‘no, makita mo yung dyowa mo na may kayakap na iba, may ka-holding hands, ang plastic ko naman kung sabihin kong kahit paano, hindi!

"Yung selos naman na ‘Ay, ang sweet naman!' Pero nagtitiwala naman kasi ako kay Rainier at kay Yasmien din naman, friend ko rin naman kasi."

Tina-trust mo sila?

"Oo! Nang bonggang-bonggang trust!"

Most Wanted Question No. 2. Nakaramdam ka ba ng insecurity or nainggit ka ba ever sa mga girls na nakasabayan mo sa StarStruck Batch 1 na mas naunang sumikat sa ‘yo; namely Jennylyn Mercado, Yasmien Kurdi, Katrina Halili, Nadine Samonte, and Cristine Reyes?

"Oo naman!" sagot ni Sheena. "Siyempre, nakikita ko sila sa TV, tapos ako nasa bahay lang! Hindi ka ba maiinggit? Kamusta naman yun, di ba? Pero isa rin yun sa dahilan kung bakit pinagbutihan ko ang acting skill ko. Yun lang."

How did you deal with the insecurities, umiiyak ka ba sa bahay?

"Ano, kinukulit ko lang ang handler ko at ang sabi ko, ‘Bigyan mo ako ng raket!' Maawa siya sa akin, ganoon."

Did you ever say, "Magku-quit na lang ako sa showbiz, hindi ako sumisikat?"

"Oo, naisip ko rin ‘yan. Nag-aral na nga ako, e. Tapos, bigla lang pumasok yung bonggang-bonggang Marimar. Hayan, bongga! Nabigyan ako ng chance."

Noong nakikita mo sila Jennylyn Mercado, Katrina Halili... ano ang sinasabi mo?

"Hindi naman sila nagbago. Kahit sikat sila at kahit ako wala akong masyadong show noon, same naman sila. Ganoon din ngayon, wala namang nagbago."

Most Wanted Question No. 1. May ibang mga celebrity guys na pumoporma sa ‘yo, sino sila?

"Ano lang, crush-crush lang..." halos namimilipit sa hiya na sagot ni Sheena. "Kasi hindi naman confirmed, e! Puwede bang mag-guest na lang ako ulit dito?"

Sabi mo, crush lang?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"E, kasi parang wala akong maisip, e."

Naku, sinungaling!

"Hindi! E, kasi... Naku, pagbigyan n'yo 'ko, ha! Sabi n'yo isa lang, ha... Naku, sinabihan lang niya ako na crush niya ako! Naku, sige, si Jace [Flores] ng Survivor!" mangiyak-ngiyak na sabi ni Sheena.

So, sino pa? Feeling namin meron pa.

"Wala na nga! Naku, nakakahiya! Hindi ako nagpaalam sa kanya!"

Nagpapa-cute lang naman?

"Hindi siya nagpapa-cute. Parang sinabihan niya lang ako na parang ang sweet-sweet kong girl!"

Mo asked Sheena na ibulong na lang sa kanya. Nang ibulong ni Sheena, nag-dialogue naman si Mo na, "Yung anak ni Joey de Leon?"

"Hindi! Sinabihan lang naman niya ko na ang bait-bait ko. E, di ba, ganoon yung crush? Yun lang!" depensa naman ni Sheena.

Mo pushed Sheena to reveal who was she referring to.

"Crush ko rin siya! O, di ba, para makabawi? Si ano...si Kuya Keempee [de Leon]! Sinabihan lang talaga niya ako ng nice girl ako! Ayoko ng ganito, ha! Sabi ko na nga ba, masyado akong diretso sa mga bagay-bagay!" nakakatawang sabi ni Sheena.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN