Rufa Mae Quinto does not want to be No. 2 anymore

"Ang hirap, e! At saka nakakahiya. Pare-parehas tayo, kumbaga, iisa ng mundo tayo, e. Ayoko namang nakayuko akong naglalakad. Yun lang ang personal kong opinion for the moment. Hindi ko naman masabi ang buhay," says Rufa Mae Quinto about being No. 2.


Agree ang bida sa pelikulang Status: Single na si Rufa Mae Quinto na malapit na siyang maging hindi single.

"Feeling ko," sabi niya. "Mag-i-start na talaga na darating sa point na meron na, tapusin lang itong movie."

Ang co-star ba niya sa Status: Single na si Jon Avila na ba yun, lalo't very vocal ang hunky actor na girlfriend-material si Rufa Mae?

"E, kasi dati pa naman, di ba? Ang tagal ko ngang nakipagrelasyon. May kasal-kasal na nga before, di ba? Hindi pa 100 percent na nakita ko na yun kay Jon. Mga 80 percent pa lang. Hoy, family doctors sila, ha! May pinag-aralan sila and everything. At saka business-minded, ha!" saad ni Rufa Mae sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Gusto raw magka-girlfriend ni Jon sa March at si Rufa Mae raw yun. Ano ang masasabi ni Rufa Mae rito?

"Ow, talaga? Hindi kami showbiz ni Jon na mag-usap. Pero ang masasabi ko lang ay kung available pa ako that time. Kasi after ng movie ko [Status: Single], bibigyan ko ng chance kung sino yung unang mag-effort. Kung sino yung maramdaman ko na ‘Wow, a! Effort, ha!"

Mukhang marami yata ang pumipila sa kanya?

"Ngayon, dumadami na. Kasi dumadami na yung single, e, di ba? Marami diyan, kabi-break lang. Marami...non-showbiz," saad ng sexy comedienne.

Mahiyain daw si Jon at hindi rin niya sinasabi na balak pala niyang ipakilala si Rufa Mae sa mother niya na magba-balikbayan.

"Ang hirap sa kanya, mahiyain siya, e! Kaya hanggang ngayon, wala pa rin, nandoon pa rin kami sa ganoong stage. Kaya i-push n'yo na kami!" natatawang sabi ni Rufa Mae.

Dagdag niya, "Imbitahin n'yo nga siya sa February 7 show ko sa Zirkoh, Greenhills [along with Richard Poon, Valerie Concepcion, and K Brosas]. Nasa stage kasi kami na hindi madalian, kasi baka magtapos agad. Gusto kasi namin yung slowly, pero talagang yun na yun, e! Di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mas may plus factor daw si Jon kesa sa ex-boyfriend na si Bobby Lopez sa buhay ngayon ni Rufa Mae.

"Siyempre, kung nandito na, hindi ba? Ite-text mo lang nandiyan na at saka puwede mo ring dalawin. Kasi nagpupuyat kami sa trabaho, e. Hindi madali, a! Nagme-memorize kami ng linya. Kailangan talaga namin ng hindi pabigat sa buhay kundi kailangan ay inspirasyon. And I'm hoping na mangyayari na yun very, very soon," aniya.

Sawa na ba siya sa pagiging No. 2?

"May mga dumating naman before na No. 1," nakangiting sabi ni Rufa Mae. "Kumbaga, mas priority ko ang career, di ba? Mixed lang lagi. Kumbaga, kung walang work, doon lang ako makikipagkita. Dati, ganoon.

"Oo, marami ang may gusto na maging No. 2 ako sa buhay nila," pag-amin niya.

Sinu-sino sila?

"Ay, huwag na!" bulalas ni Rufa Mae. "Mapapaaway na naman tayo, 2009 na. Palagpasin muna natin ang 2009 para ma-focus na naman ako sa lovelife. Minsan napo-focus ako, bukod sa project, sa pakikipag-battle! Ano na naman ito? Di ba? Gusto ko naman ngayon focus sa sarili ko na walang kaaway. Kung may isyu man ay very positive."

So, tinatanggihan niya talaga ang pagiging No. 2?

"Kasi ang sabi ko, ang hirap, e! At saka nakakahiya. Pare-parehas tayo, kumbaga, iisa ng mundo tayo, e. Ayaw ko namang nakayuko akong naglalakad. Yun lang ang personal kong opinyon for the moment. Hindi ko naman masabi ang buhay," saad ni Rufa Mae.

Sa January 28 na ang showing ng Status: Single. Kasama ni Rufa Mae sa pelikulang ito sina Jon, Alfred Vargas, Rafael Rosell, Mark Bautista, at Paolo Contis. May premiere night din ito sa Cinema 11 sa SM North EDSA sa January 24.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN