Mocha promises to be "more daring and delicious" this year

"Hindi naman po ako nagwo-worry or natatakot. Role langnaman po ang ginagampanan ko at hindi ibig sabihin noon ay ganun na ako satotoong buhay. Hindi naman po ako easy girl. Hindi naman ibig sabihin nanagpapaseksi na ako ay masamang babae na ako. Nasa pagdadala rin po 'yan atkung paano mo ipakita ang sarili mo sa mga tao off cam," says singer-actress Mocha about her daring role in Sumpa.



May bagong pasabog na naman ang singer na si Mocha ngayong2009. All- out at talagang palaban na sa hubaran ang lead singer ng all-femalegroup na Mocha Girls. Sa mga seksing larawan niya na unang ipinakita ni Mochasa PEP (Philippine Entertainment Portal), patunay lamang na handa na siyangmakipagsagupaan sa mga sexy actress sa ngayon.

"Yes, I will be more daring and more delicious this 2009!"pabirong bungad ni Mocha sa interview ng PEP. "Handang-handa naakong makipagsabayan sa paseksihan. Sinimulan ko na ito kaya mas matitindi pangkaseksihan ang aabangan n'yo sa akin."

Kahit na nga may ilang mga intriga at kontrobersiyangkinasangkutan ang Mocha Girls last year, masayang-masaya pa rin si Mocha dahiloverall ay naging maganda ang taong 2008 para sa kanilang grupo.

Sunud-sunod na mga proyekto at magagandang opportunities angdumating sa Mocha Girls noong isang taon, kabilang na ang launching ngkanilang second album Mocha Girls Delisciosa under Viva Records,at ang matagumpay nilang U.S. tour na nag-kick off sa Guam. Proud din si Mochasa kanyang pagiging celebrity endorsers ng ilang produkto.

"Maraming blessings ang dumating sa amin last year kayanaman wish ko na sana ay mas maraming pang projects para sa group namin. Moresuccess para sa group namin this 2009," hangad ni Mocha.

FIRST ACTING JOB. Isa pang ipinagmamalaki ni Mocha nanangyari rin noong 2008 ay ang pagsabak ng grupo nila sa pag-arte para sakanilang first movie, Sumpa, under Yellow Media mula sa direksiyon ninaCarlos Agustin at Melvin Brito.

Ngayong malapit na itong ipalabas sa first quarter ng 2009,abala ang Mocha Girls sa pag-promote ng Sumpa. Isa itong sexy-horror movie napinagbibidahan ng respetadong aktor na si Mark Gil at ng young actor na siJoross Gamboa. Si Mocha ang tumatayong lead actress sa pelikula. Kasama rin saSumpa ang iba pang miyembro ng Mocha Girls na sina Hershey, Grace, at Bez. Fullsupport naman ang tatlo kay Mocha sa kanyang pagpapa-sexy sa pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aminado si Mocha na magkahalong kaba at excitement angkanyang naramdaman sa paggawa ng first movie niya.

"Pinag-isipan ko talagang mabuti ito. First movie ko itotapos sumabak kaagad ako sa matitinding kissing scenes at bed scene kasama siJoross Gamboa," saad ni Mocha.

Palaban nga sa hubaran si Mocha. Matapangnga rin niyang ipinakita ang ilang maseselang parte ng kanyang katawan sapelikula. Hindi ba siya nagdalawang-isip na gawin ito?

"Napakaganda kasi ng istorya ng pelikula kaya napapayag na rinakong gawin ang ilang eksenang alam kong pananabikan ng lahat. At saka magandanaman po ang pagkakakuha ng mga direktor namin sa mga sexy shots ko. Joross isalso very professional and a real gentleman. Hindi niya sinamantala yung momentna yun. Hindi po ako nababoy o na-exploit sa movie," paliwanag ni Mocha.

Hindi ba siya natatakot na baka sa kanyang pagsabak samatitinding hubaran ay mabastos siya?

"Hindi naman po ako nagwo-worry or natatakot. Role langnaman po ang ginagampanan ko at hindi ibig sabihin noon ay ganun na ako satotoong buhay. Hindi naman po ako easy girl. Hindi naman ibig sabihin nanagpapaseksi na ako ay masamang babae na ako. Nasa pagdadala rin po 'yan atkung paano mo ipakita ang sarili mo sa mga tao off cam."

Ano ang feeling na makatrabaho ang dalawang magagaling naaktor na sina Mark at Joross?

"I feel very blessed and honored na makatrabaho sila. Actually,at first parang nahihiya ako and medyo intimidated, kasi mga kilalang artistana sila, e. Pero I began to feel more comfortable nang makausap ko na sila atmakilalala pa nang husto. Very supportive sila sa akin kahit na baguhan pa langako and the rest of the girls. They motivate me to do well sa mga eksena namin.All I have are good words for Mark and Joross," papuri ni Mocha sa dalawangaktor.

MOCHA-JOROSS ROMANCE? Nilinaw rin ni Mocha ang lumabas naisyu noon tungkol sa diumano'y panliligaw ni Joross sa kanya, pagkatapos aynakitang may kasamang ibang babae ang aktor noong birthday niya last year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Never naman po naming sinabi ni Joross na may specialsomething between us. Kaibigan ko po si Joross. We are really good friends.Actually, in-invite niya ako with the rest of Mocha Girls sa kanyang birthday,kaya lang meron kaming commitment that day kaya hindi kami nakadalo,"paglilinaw ni Mocha.

So, hindi ba siya nasaktan nang malamang may special girl nasi Joross?

"Wala naman pong reason para masaktan. Sabi ko nga, walanaman po kami. Kung totoo ngang meron na siyang girlfriend o special girlngayon, I'm happy for Joross at masaya ang puso niya."

Siya kaya, masaya ba ang puso niya ngayon?

"Masaya naman po, kahit wala akong boyfriend right now.Marami naman pong mga taong nagmamahal sa akin, ang family ko, pati angsupporters ng Mocha Girls. Yun pa lang enough reason na para sumaya ang pusoko. Tapos bonus pa na maraming projects na dumadating sa akin at sa groupnamin."

Bukod sa sexy-horror movie ni Mocha na malapit nangmapanood, pinu-promote din ng morenang singer-actress ang kanyang 2009 postercalendar na naglalaman ng mga kaakit-akit at sexy niyang mga larawan. Siya kasi ang napiling 2009 CalendarGirl ng Jancen Cosmetic Surgery.

Magkakaroon din ng sarili niyang page si Mocha sa isang sexymen's magazine simula nitong February. Ilalathala rito ang ilan sakanyang mapupusok na mga larawan na kuha mula sa kanyang sexy at kontrobersiyalna buhay.

Regular ding nagpe-perform ang Mocha Girls everyTuesday sa Mugen Metrowalk; Wednesday sa Bluewave Macapagal; Thursday sa HardRock Café Makati; at every Friday sa Bagaberde Roxas Boulevard.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN