Ruffa Gutierrez on BB Gandanghari: "Kung masaya siya, I'll continue to be his friend."

"At the rate things are going, parang it's so bleak! Everyone is coming out of their closet!" says Ruffa Gutierrez on the possibility of hooking up with a guy on Valentine's Day.


Si Ruffa Gutierrez lang ang nakarating among the Gutierrez siblings sa thanksgiving party na ibinigay ng Royal Era Entertainment para sa entertainment press na ginanap sa Imperial Palace Suites kagabi, January 20. May kanya-kanyang commitments kasi ang mga kapatid ni Ruffa, tulad ni Richard Gutierrez na tinatapos pa ang shooting ng movie nila ni KC Concepcion, When I Met U.

Kung dati ay mga miyembro lang ng Gutierrez family ang kasama sa party na ibinibigay nila sa press, this time kasama na rin ang lahat ng talents ng Royale Era na pinamamahalaan ng ina ni Ruffa na si Annabelle Rama. Usually, every December ginaganap ang thanksgiving party ng mga Gutierrez for the press. Pero dahil parehong nagkasakit at naospital ang mag-asawang Annabelle at Eddie Gutierrez sa huling mga buwan ng 2008 ay sa unang buwan na lang ng 2009 ginawa ang kanilang annual event.

"With what happened last year, nagkaroon kami ng malaking dagok sa buhay namin, with my mom and dad's health. Hindi kami nagkaroon ng party for the press," sabi ni Ruffa sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Kumusta naman ang naging sharing nilang magkakapatid sa pa-raffle?

"Ay, iba-ibang share kasi kasama na rin namin siyempre yung mga talents sa Royale Era. Kasi lahat naman ng talents sa Royale Era, most of them ay marami rin trabaho last year. So, there's a lot of things to be happy about," nakangiti niyang pahayag.

NEW CHARACTERS IN BETTY LA FEA. Tinanong din ng PEP ang reaction ni Ruffa tungkol sa pagdagdag ng characters sa kinabibilangan niyang primetime series sa ABS-CBN, ang I Love Betty La Fea. Papasok na kasi sa naturang serye sina Jericho Rosales at Pops Fernandez.

"Okey lang! Actually, it makes it more interesting. I'm very happy na si Pops is now part of Betty La Fea. I'm sure kami ang magsi-share ng dressing room kapag kaeksena ko siya. Usually yung mga bagets, natatakot sa akin kasi baka itsismis ko sila sa The Buzz!" natatawang sabi ni Ruffa, na gumaganap bilang Daniella sa I Love Betty La Fea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FROM RUSTOM TO BB. Dahil halos magka-batch sila noon ni Rustom Padilla—na ngayon ay mas gusto nang tawagin bilang BB Gandangharia—hindi itinago ni Ruffa ang pagka-shock nang makita niya si Rustom bilang BB.

"Siyempre, na-shock!" bulalas niya. "I'm sure lahat naman tayo na-shock! Kung anuman ang tanong ng bayan, siyempre yun din ang tanong ko. Ako naman, like I've said, I don't wanna judge anyone. Kung masaya siya, I'll continue to be his friend."

Magkaibigan din si Ruffa at ang dating asawa ni Rustom na si Carmina Villarroel. Nai-imagine ba ni Ruffa if she were in Carmina's shoes at malalaman niyang ang dati niyang naging asawa ay babaeng-babae na ngayon?

"Alam mo, naloka nga ako sa text ni Tita Ethel [Ramos]! What if si Yilmaz [Bektas, Ruffa's husband] daw ay naging BB! Hindi ko talaga ma-imagine! Sabi ko, ‘Tita Ethel!' I mean, if there's one thing na kaya kong imadyinin, yun talaga ang hindi!" tili ni Ruffa.

Kung nagkataon na nagkapalit sila ng sitwasyon ni Carmina, ano kaya ang magiging reaction niya?

"Well, wala pa kong magiging reaction kasi ayokong isipin na mangyari sa akin yun," sabi ni Ruffa. "Thank God at alam ko na yung napangasawa ko ay lalaking-lalaki. I don't worry about it or think about it."

Mas mahirap kayang tanggapin kung ganoon ang naging sitwasyon niya?

"Well, I think, to each person na kanya-kanyang opinion ‘yan. This thing really happens in life. Ayoko namang magsalita ng tungkol doon, kasi hindi naman sa buhay ko nangyari."

MATTERS OF THE HEART. Kumusta naman ang lovelife niya ngayon?

"Well, I think I'm just blooming on my own. I'm very busy and I make do with what I have," saad ng dating beauty queen.

This Valentine's Day, meron na ba siyang makakasama?

"Hello! I think sina KC [Concepcion] at si Chard ang ka-Valentine's ko! Kasi meron silang hinandang special para sa birthday nina Richard at Raymond. E, wala pa namang nagyayaya sa akin. Wala pa si Romeo! E, kaso ‘yang mga Romeo, ang nangyayari, nagiging BB! How depressing for us women!" tawa ni Ruffa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung may mag-ask sa kanya for a date on Valentine's, papayag siya?

"Well, tingnan ko muna. Kung worth it siya, why not? Kung hindi, I'd rather be with my friends. And at the rate things are going, parang it's so bleak! Everyone is coming out of their closet!" natatawa pa rin niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN