Keempee de Leon breaks up with non-showbiz girlfriend

"Masakit mang pakinggan, madami daw siyang priorities sa buhay niya. Ang nakasakit sa akin dun, hindi ako kasama sa mga priorities niya. Tinanong ko naman kung bakit, sabi niya gusto niya munang mag-concentrate sa studies niya, yung pamilya niya, yung mga friends niya. Hindi ko din mapigilan kasi mahirap yung lugar naming pareho, taga-Canada siya, nandito ako," relates Keempee de Leon about his breakup with his non-showbiz girlfriend.


Hindi masyadong na-enjoy ni Keempee de Leon ang nakaraang Pasko at Bagong Taon. Nag-break kasi sila ng non-showbiz girlfriend niya na naka-base sa Canada.

"Masakit ang nangyari. A few days before Christmas, nag-iwan lang siya ng message sa akin, walang pag-uusap. Almost one year din kami," pahayag ni Keempee nang pasyalan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang taping ng Lalola noong Lunes, January 19, sa Manila Memorial Park sa Parañaque.

Ano ang dahilan ng kanilang breakup?

"Masakit mang pakinggan, madami daw siyang priorities sa buhay niya," sagot ng comedian. "Ang nakasakit sa akin dun, hindi ako kasama sa mga priorities niya. Tinanong ko naman kung bakit, sabi niya gusto niya munang mag-concentrate sa studies niya, yung pamilya niya, yung mga friends niya. Hindi ko din mapigilan kasi mahirap yung lugar naming pareho, taga-Canada siya, nandito ako."

May plano pa naman daw sana si Keempee na bisitahin ang girlfriend niya—na ayaw niyang ipasulat ang pangalan—sa Canada this summer.

"Maraming naglalaro sa isip ko," sabi ni Keempee. "Masama namang sabihin o isipin na puwedeng... Kasi siguro nakikita niya yung mga kaibigan niya dun na may mga boyfriend, siguro nasabihan siya ng mga friend niya na may boyfriend nga siya, ang layu-layo naman, hindi niya naman nakakasama. At least, kung nandun [ang boyfriend niya], makakasama niya. Parang ganun siguro ang ano."

Paano ba sila nagkilala ng kanyang ex-girlfriend?

"Na-meet ko siya sa Facebook. Hindi pa kami nagkikita in person, sa webcam lang. Sabi niya dati, gusto na niya ako before pa. Every day nag-uusap kami sa phone, tinatawagan ko siya, nagte-text kami. Dapat kasi sa summer, lilipad sila dito ng family niya for a vacation. E, since may school siya, hindi naman siya makaalis, so ako na sana ang pupunta dun," lahad niya.

Pero hindi na nga matutuloy si Keempee sa Canada.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SHEENA HALILI. Last Sunday, January 18, ay nag-guest si Sheena Halili sa "Gimme Mo" segment ng Showbiz Central. Doon ay napilitang umamin ang young actress na sinabihan siya ni Keempee na ang "sweet-sweet" niya. (Click here to read related story.)

Aminado naman si Keempee na crush niya talaga ang co-star niya sa Lalola na si Sheena. So, posible kayang ligawan ni Keempee ang StarStruck 1 Avenger?

"Sa akin, walang masama if ever manligaw ako o hindi. Sa ngayon, okay kami, nagkaroon kami ng bonding, nagkakila-kilala kami," sabi ni Keempee.

Mas gusto ba niyang ligawan ang isang babaeng may crush sa kanya, o mas gusto niya yung wala pang pagtingin sa kanya kahit konti sa simula?

"Maganda din yung may challenge. Kaya lang, nakakatuwa din kapag may crush din sa ‘yo yung tao."

So, ano pa ang hinihintay niya at hindi pa niya nililigawan si Sheena?

"Hindi ko pa alam kung liligawan ko siya kasi kagagaling ko lang sa breakup," sabi niya. "Sa ngayon, ine-enjoy ko na lang muna being single. Darating naman yun kung darating."

Lahat nga raw ng cast and crew ng Lalola, panay ang tukso kay Keempee na ligawan na niya si Sheena.

"Ako kasi, alam nila yung gusto ko sa isang girl, yung chinita," nakangiti sabi ni Keempee.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN