Miriam Quiambao talks about life after breakdown of her marriage

"Parang sabi ko sa sarili ko, ‘Ano ba ‘to? Iniwan ko ang career ko para rito.' Pero looking back, it made me stronger din talaga. Parang at the end, magsisisi ba ako? Hindi, e. Pero ina-admit ko na there was a point na nagsisisi ako. But looking back, taking the lessons that I've learned, I've become a really stronger person," says Miriam Quiambao.


Kabilang na ang 1999 Miss Universe first runner-up na si Miriam Quiambao sa pool of talents ng Royale Era, ang talent management na pinamamahalaan ni Annabelle Rama. Kaya naman sa thanksgiving party na ibinigay ng Royale Era para sa entertainment press kagabi, January 20, sa Imperial Palace Suites ay kasama na ni Miriam ang iba pang talents ni Annabelle, kabilang ang anak nitong si Ruffa Gutierrez.

Ayon kay Miriam, ngayon pa lang yung masasabi niyang naka-move on na siyang talaga from her separation with Italian businessman Claudio Rondinelli. Nagpakasal sila noong December 2004 at nanirahan sila sa Hong Kong, pero naghiwalay rin sila noong 2006.

"Ngayon pa lang talaga ako nagko-completely healed. Since 2006, June na ako bumalik, so ngayon pa lang. I'm happy, although hindi ko nga rin alam kasi kung makita ko na naman siya, di ba?" sabi ni Miriam sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Meron pa rin ba silang communication ni Claudio?

"Oo, meron, through our lawyers," sagot ni Miriam. "Pero ano, minsan, tatawag siya. Pero madalang...birthday, ganyan."

Ano na ang status nila ng ex-husband niya?

"May divorce doon [Hong Kong] at church annulment dito [sa Pilipinas]. Kaso ang tagal, e. Pero naghihintay, hindi ko lang alam how long will it take."

REGRET. Hindi naman itinanggi ni Miriam na dumating din siya talaga sa point na nakaramdam siya ng pagsisisi kung bakit nagpakasal siya.

"There was a time, oo, nagsisi ako. Parang sabi ko sa sarili ko, ‘Ano ba ‘to? Iniwan ko ang career ko para rito.' Pero looking back, it made me stronger din talaga. Parang at the end, magsisisi ba ako? Hindi, e. Pero ina-admit ko na there was a point na nagsisisi ako. But looking back, taking the lessons that I've learned, I've become a really stronger person.

"Ngayon, mas alam ko na kapag namimili ako ng partner, ‘eto na ang gagawin ko. Friends muna kami, kikilalanin ko talaga siya, inside and out. Kilala, meaning hindi lang puro yung best foot forward. Titingnan ko rin kung ano ang ugali niya. If he will be a good partner for me. Kumusta ba ang dynamics namin. Magbi-blend ba ang personality namin. Are we moving on the same direction? Will he be a good father, a good provider? Lahat ‘yan importante, e. Hindi mo malalaman ‘yan in just a few days. Kailangan talagang kilalanin mo yung tao," saad ni Miriam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naniniwala pa rin siya sa marriage?

"Of course! I believe in marriage," mabilis niyang sagot.

Hindi ba siya nagkaroon ng phobia?


"Meron, meron din," pag-amin niya. "I've been dating, pero parang nararamdaman ko na masakit. Parang natatakot ako to jump into a relationship, parang ganoon."

HEALING PROCESS. Paano yung naging healing process niya? Kung titingnan kasi siya, she seemed to have carried it very well.

"Oo, pero hindi n'yo lang alam," sabi niya. "Siyempre, sa harap ng TV, haping-happy ka kasi happy yung mga show ko. Pero kunwari, when I just moved here, nagho-host ako ng travel show, ang saya-saya ko. Pero back in my room, iiyak ako. Hindi ako makatulog. Super depressed ako.

"Tapos yung nanay ko, pupunta sa kuwarto ko, magdarasal na lang siya ng rosaryo kasi hindi ako makatulog. Pero my family, my friends, they were really the ones who support me. Yung tipong yung mom ko pa ang maghahatak sa akin na, ‘Tara, mag-jogging tayo sa park.' Kasi ayokong lumabas, nakakulong lang ako sa kuwarto. Siyempre, may level of healing ‘yan.

"Hindi ba sa damit, kapag masaya ka, nagko-color ka ng bright? Pero ako, napapansin ko, nagdadamit ako ng color black, neutral. Hindi ako nag-aayos ng mukha ko. Kailangan ko lang mag-ayos, kasi lalabas ako sa TV.

"Pero alam n'yo, super grateful ako," patuloy niya. "Like recently, I just turned Christian. I went to Victory [Fellowship]. Nakilala ko si God and talagang ipinaramdam Niya sa akin kung paano ang magiging masaya ulit. Pagiging joyful. Lalo na noong Pasko na kasama ko ang family ko. Nag-out-of-town kami. Just being with family over Christmas and then, followed by friends ng one week sa Boracay. I'm super grateful with those moments na naghihintay ako ng job. Pero I'm spending quality time with family, kasi sa kanila mo lang naman mararamdaman ang totoong love."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TOO SOON. Ayon kay Miriam, nagkaroon siya ng relationship after niyang makipag-hiwalay, and also last year. Pero pareho lang daw na hindi nag-workout dahil feeling din niya, hindi pa siya ready.

"Yeah, it was too soon," sabi niya. "May rebound. Yung isa, hindi kami compatible. At saka may mga takot na ayokong mag-jump. Kasi, nasaktan ka na."

Ano ang hinahanap niya ngayon sa isang lalake?

"Well, hinahanap ko yung makakasundo ko talaga. Yung masasabi kong best friend ko. Na puwede ko siyang tawagan at kuwentuhan ng nangyari sa buhay ko, who will listen. Someone I will be willing to do the same for him, too."

Natatawa na lang din si Miriam nang maalala niyang lahat ng naging ex-boyfriend niya before she got married ay kasal na raw ngayon.

"Okey lang din, kasi heto naman ako ngayon, nag-e-enjoy rin akong single. Tapos, dating-dating... Sure, getting to know people. Friends muna. Ayoko namang magkamali ulit. Para yung susunod kong pakakasalan, e, forever na, hanggang 95 years old na ako!" tawa niya.

SWITCHING CHANNELS? Marami ang nagulat nang makita si Miriam sa noontime show ng ABS-CBN na Wowowee noong Sabado, January 17, bilang judge ng Miss Fitrum. Tuloy, marami ang nag-akala na senyales na ito na lilipat na siya sa Kapamilya network. Totoo ba ito?

"I'm open, I'm open," sagot ni Miriam. "Kasi natapos na ang contract ko sa GMA. Tapos, nagpaalam ako sa News and Current Affairs that I wanna try acting. I've been hosting for years. Meron din naman akong mga awards na natanggap, pero feeling ko... Ako kasi, yung gusto ko, parang ladder. ‘O, here's the step, then, next step, going up, going up...' And since, I'm still young and I'm already here in the industry, might as well maximize na rin ang mga possibilities there are for me. And I've never done acting talaga, puro pa-guesting-guesting lang. Sana magkaroon ng offer para maipakita ko rin kung ano ang talent ko dun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala bang offer sa kanya ang Kapuso network pagdating sa kagustuhan niyang mag-acting naman?

"Ayoko muna kasing magsalita habang wala pa akong pinipirmahan. Pero si Tita Annabelle naman, may mga pag-uusap na sila," banggit ni Miriam.

Mas okay ba sa kanya ang lumipat ng network?

"Depende sa offer, di ba? Hindi naman puwedeng GMA lang ako, tapos wala naman akong trabaho. So, kung sino ang magbibigay ng offer."

WILLIE REVILLAME. Natawa naman si Miriam nang tanungin tungkol sa ipinadalang Louis Vuitton bag sa kanya ng Wowowee host na si Willie Revillame. Nanliligaw ba ito sa kanya?

"Ayoko kasing mag-assume," maingat na sabi ng dating beauty queen. "Feeling ko, galante lang talaga siya. Na-appreciate niya na nag-guest kami at nagpadala siya ng regalo. Siguro binigyan din niya si Gloria Diaz. So, you know, nagpadala siya. Ako naman, thank you! Kung bibigyan ka ng regalo, siyempre magpapasalamat ka.

"Pero yun na nga, ayoko siyang i-label ng kung ano. Feeling ko lang, nag-a-appreciate siya kasi nag-guest kami."

Nagpapalitan na ba sila ng text messages?

"Wala!" mabilis na sagot ni Miriam. "We didn't exchange numbers. Kahit nga sa card, ang nakalagay lang, ‘Thank you for guesting.' Yun lang."

If ever, payag ba siyang maging co-host ng Wowowee dahil nagpahayag daw si Willie na type siyang maging co-host nito?

"Well, in case, I'll just try it out, di ba? Gusto kong mag-enjoy ako and if I feel... Kasi, I'll never know until I try it, e. So, susubukan ko, kung feeling ko parang gusto ko. Pero I mean, why not? I'll have the opportunity to be telecast worldwide, di ba? Grabe ang Wowowee!" pagtatapos ni Miriam.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN