Rufa Mae Quinto will support Alfred Vargas and Ara Mina in 2010

"Gagawin ko ‘yon for free dahil pareho kong friends sina Alfred at Ara. Maglalagare ako sa campaign kung kinakailangan basta maipakita ko lang ang support ko. Take note, I'm doing it for free, ha! Hindi ako maniningil para diyan. Pero kung may allowance, why not? Kahit pang-gasolina lang!" says Rufa Mae Quinto with a laugh.


Pareho raw ikakampanya ni Rufa Mae Quinto sina Alfred Vargas at Ara Mina sa 2010 elections. Sabi ng bida ng comedy film na Status: Single, pareho niyang kaibigan ang dalawa kaya hindi niya ipagdaramot ang kanyang pagtulong sa kampanya.

"Gagawin ko ‘yon for free dahil pareho kong friends sina Alfred at Ara. Maglalagare ako sa campaign kung kinakailangan basta maipakita ko lang ang support ko. Take note, I'm doing it for free, ha! Hindi ako maniningil para diyan. Pero kung may allowance, why not? Kahit pang-gasolina lang!" tawa ni Rufa Mae sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Status: Single last Tuesday, January 20.

"Uy, joke lang ‘yon!" bawi niya. "Natural na hindi ako magpapabayad sa dalawa. Ang magkakaibigan ay hindi nagsisingilan o nagbabayaran. Genuine ang suporta ko sa kanila kaya go lang sila nang go!"

Nabanggit noon ni Rufa Mae na once upon a time ay muntik na silang naging mag-on ni Alfred. Hanggang mutual understanding lang daw sila na nauwi sa pagiging magkaibigan na lang.

"Oo naman. Si Alfred kasi, hindi siya mahirap mahalin ng kahit sinong babae. Mabait, matalino, at guwapo si Alfred. Whole package na, di ba? Sayang nga at hindi talaga kami puwede. Hanggang friends lang talaga kami at very goods friend kaming dalawa up to now. Noong sabihin ko nga sa kanya na gusto ko siyang kunin as one of my leading men sa Status: Single, hindi siya nagdalawang-isip. Gagawin daw niya for me. Ang bait niya, di ba?

"Kaya sa kampanya niya, willing akong itaas ang kamay niya para mag-feeling First Lady ako! Kahit na alam kong may tunay na siyang First Lady, okey lang na mag-feeling lang ako!" tawa niya.

Yung tungkol naman kay Ara, matagal na raw alam ni Rufa Mae na may plano ang dating co-star sa Bubble Gang na pasukin ang pulitika. Nasa dugo rin kasi nito ang pulitika dahil ang kanyang lolo na si Mel Mathay ay naging mayor ng Quezon City noon, samantalang ang kanyang biological father naman na si Chuck Mathay ay naging congressman ng Q.C.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam ko naman na balang-araw papasukin ni Ara ang politics," sabi ni Rufa Mae. "Nasa pamilya na niya kasi ‘yon, e. Kaya noong makapag-decide na siya, sinabi ko na nandiyan ako for her.

"Matagal na kaming magkaibigan ni Ara at miss na namin siya sa Bubble Gang. Pero kung ito ba ang destiny niya, yung pumasok sa politics at sundan ang yapak ng biological father niya, wala namang masama. Basta nandito lang ako para sa kanya," sabi ni Rufa Mae.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN