Kapuso and even Kapamilya stars auditioned for Richard Gutierrez's leading lady in Zorro

GMA-7 held auditions to find the two leading ladies of Richard Gutierrez (in photo) for the upcoming action-adventure series Zorro. The audition attracted not only Kapuso stars but Kapamilya stars as well.



Last Friday January 16, ay ginanap ang open audition ngGMA-7 para sa gaganap na dalawang leading ladies ni Richard Gutierrez saPhilippine adaptation ng classic swashbuckling hero na Zorro.

Isang source na nandoon sa audition ang nagbalita sa PEP(Philippine Entertainment Portal) na dinagsa ng mga artista, modelo, ataspiring actresses ang naturang audition ng GMA-7. Ito ang dahilan kayanapagdesisyunan ng pamunuan ng Kapuso network na i-extend ang audition noong Lunes,January 19, para ma-accommodate ang lahat ng gustong mag-audition.

Ayon sa aming source, ang ilan sa Kapuso stars nanamataan niyang nag-audition ay sina Isabel Oli, Glaiza de Castro, at YnnaAsistio. Si Ynna ay anak ng dating aktres na si Nadia Montenegro at ngayo'ymina-manage na ni Annabelle Rama.

Bukod sa Kapuso stars ay meron din daw ABS-CBN talents napumunta sa audition. Kabilang dito ang dating Pinoy Big Brother Teen Edition housematena si Niña Jose at ang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga na si AlexGonzaga.

Si Niña ay hindi naman nakakontrata sa Star Magic ng ABS-CBNdahil ang manager niya ay si Manny Valera, na siya ring manager ni Glaiza.

Nagulat kami sa sinabi ng aming source na pati si Alex aynag-audition sa Zorro. Bagamat wala siyang regular show sa ABS-CBN—kung saansiya nagsimula sa programang Let's Go—ay siya naman ang host ng showbiz talkshow ng TV5 na Juicy.

Isa pang source ang nakapagsabi sa PEP na isang top actress ng ABS-CBN ang nagbigay rin ng feeler para mag-audition bilang leading lady ni Richard. Pero hindi ito natuloy dahil binigyan daw ang aktres ng malaking project sa Kapamilya network.

Namataan din ng aming source na nag-audition ang dating Bb.Pilipinas-World na si Janina San Miguel.

Kuwento pa ng aming source, dalawa raw ang hinahanap niDirek Mark Reyes para maging leading lady sa Zorro—isang mestiza para sapapel na mayaman at isang morena para naman sa papel na mahirap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon ay wala pang nakakaalam kung sino sa mganag-audition ang napili para maging leading lady ni Richard. Next week pa rawkasi nila ito ipapaalam at tatawagan kung sino man ang mapipili.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN