Nikki Gil on her relationship with Billy Crawford: "We're okay, we're getting there."

"Thefriendship and the relationship is in progress. Basta enjoy lang, having fun.Our career is moving right, so huwag na natin siyang bahiran ng kung ano pa.Basta kung ano ang nakikita nila, yun na yun," says Nikki Gil about her relationship with Billy Crawford.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) angrumored girlfriend ni Billy Crawford na si Nikki Gil. Kinuha namin angreaksiyon niya sa pagkakaayos ni Billy at ang itinuturing niyang ama-amahan sashowbiz na si German "Kuya Germs" Moreno.

Ayon kay Nikki, isa siya sa natuwa sa pagkakaayos ng dalawaat nakikita niya ngayon na mas masaya si Billy sa nangyari.

"Public knowledge naman na gusto niya talagang maayos yungtampuhan nila ni Kuya Germs," umpisa ni Nikki. "He admits that he makesattempts sa mga interview niya, public knowledge na gusto niya talagangmakipag-ayos. Of course, sino ba naman kasi ang gusto ng gulo?

Dagdag niya, "As I can see, he's happy na tapos na. Mahirapdin naman kasi yung may kagalit ka. Para kang may tinik sa lalamunan."

Bukod sa nagpahayag ng tuwa sa pakikipag-ayos ngnababalitang boyfriend sa Master Showman, inisa-isa rin sa amin ni Nikki angiba pang rason kung bakit masaya siya para kay Billy.

"I'm very happy for him, everything is working well for Billythis year," sambit ni Nikki. "That's good, ang daming blessings na dumaratingsa buhay niya. He got to spend Christmas with his family, he made peace withKuya Germs, tapos ang dami pa niyang projects."

GETTING THERE. Kinumusta rin namin si Nikki sa takbo ngrelasyon nila ni Billy.

"We're okay, we're getting there," sagot niya. "Thefriendship and the relationship is in progress. Basta enjoy lang, having fun.Our career is moving right, so huwag na natin siyang bahiran ng kung ano pa.Basta kung ano ang nakikita nila, yun na yun.

"Bakit nga ba? Kasi siguro walang pressure, parang we'rejust enjoying, ganun lang. Parang walang plano, walang agenda. Kumbaga, kungano ang mangyari, okay lang, hindi namin pinaplano. Kung ano ang nakikita ngmga tao, hindi namin mina-manipulate yun. I don't know... Wala naman talagangformula pagdating sa friendship, sa relationship. Mayroon lang talagangnagkakasundo."

Bago pa man nabalita ang sa kanila ni Billy ay na-link narin ang international singer sa iba't ibang babae kung kaya't nabansagan tuloyito na "playboy." Sa kabila ng imahe na ito ng Billy, hindi naman ito nagingsagabal para sa malalim na relasyon nito kay Nikki.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"That's none of my business," sabi ni Nikki. "Past is past.As long as na hindi naman ako nasasangkot dun, hindi ako nai-involve, it'sreally none of my business. Kung anuman ang issues niya before, labas na akodun. Ang importante ay yung ngayon."

Kung usapang pamilya naman ay wala ring problema sina Nikki at Billy.

"Okay naman siya sa family ko. Billy naman is veryrespectful, very warm, and marunong makisama. I met na his mom already andshe's very nice."

THE GRADUATE. Sa kabila ng busy schedule ni Nikki sa kanyangshowbiz career, masayang ikinuwento ni Nikki na ga-graduate na siya this Marchng kanyang kursong English Literature sa Ateneo.

"I'm finishing my last few weeks in school. By February,tapos na ako, so sa March magmamartsa na ako. Very regular ang ginawa ko tofinish my studies. Pumapasok ako sa school na may makeup pa kasi galing ako ngtaping. Tipong pa-pack-up ako ng 6 a.m., tapos may classs na ako ng 8 a.m."

Pagdating naman sa kanyang career, kasama si Nikki sapelikulang 2999 ng Unitel at papasok siya sa isang ongoing soap ng ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN