Bianca Gonzalez admits dating non-showbiz guy

"I can't tell you anything about him, kasi ngahe's a very, very private person. Saka considering na, yun nga, we're justgetting to know each other. Baka pag masyado akong nagbigay ng details, bakamaudlot. Hindi ko rin siya naisasama pa sa mga showbiz gatherings, kasi there'snothing certain pa kaya rin reserved ako pag pinag-uusapan," says Bianca Gonzalez about a non-showbiz guy she is dating now.



When KC Concepcion and director Lino Cayetano broke up lastyear, inakala ng marami na magkakabalikan na si Direk Lino at ang ex-girlfriendnitong si Bianca Gonzalez, lalo't nabalita noon na nagkakamabutihan na uliang dalawa. Nakunan pa nga ang dalawa na magkasama sa isang beach resort sa Singapore, na kahit na sino ay mag-aakala na nagkabalikan na nga sila.

Pero bigla ay nanahimik ang mga balita tungkol kina Biancaat Direk Lino. Balita na nasa United States ngayon ang direktor, samantalangnaging bukas naman ang TV host that she's seeing a non-showbiz guy.

Sa interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kayBianca sa dressing room ng Entertainment Live last Saturday, January 17,ipinaliwang niya kung bakit hindi natuloy sa pagbabalikan ang inakalangreconciliation nila ni Direk Lino.

"Regarding Direk Lino, start of last year, when they didbreak up ni KC, when we became friends again [ni Lino], naging close kami uli. Angmaganda dun sa stage na magkakilala na kami dati, we can talk. We're saying nahindi naman porke't pareho kaming single, e, magkakabalikan na kami. Parang,‘Better ba na hindi na lang tayo or we're back together?' So, ang nagingending, better na hindi na kami," paliwanag ng TV host.

Any chance for reconciliation?

"Tahimik na kasi kami pareho ngayon," sagot ni Bianca. "I'mnot closing my doors to anything at all, but happy siya sa life niya, happy dinako sa life ko. Yun na muna ang life namin for now. But I'm very, very hapy forhim, kasi he's doing everything he wants to do. Right now, he's in the States,studying. Rarely nakakapag-communicate kami."

BIANCA'S NEW GUY. Madalas na niloloko noon ng co-host niya sa Entertainment Live na si Luis Manzanosi Bianca na "68 years old" daw ang bagong boyfriend nito. Inamin naman niBianca that she is indeed dating, pero hindi naman ito ganun katanda gayang laging binibiro sa kanya ni Luis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"He's non-showbiz, business. We met through a common friend.Si Luis, niloloko ako, luko-loko talaga yun! Sobrang hindi malayo ang agenamin, 30 years old siya!" natatawang depensa ni Bianca.

Dagdag niya, "I can't tell you anything about him, kasi ngahe's a very, very private person. Saka considering na, yun nga, we're justgetting to know each other. Baka pag masyado akong nagbigay ng details, bakamaudlot. Hindi ko rin siya naisasama pa sa mga showbiz gatherings, kasi there'snothing certain pa kaya rin reserved ako pag pinag-uusapan. Although, Mariel[Rodriguez] has met him, si Luis also."

"Exclusively dating" ang cliché na ginagamit ng mgatag-showbiz sa ganitong klase ng relasyon. Aminado si Bianca that this issomething new for her.

"I'm not together with anyone now," sabi niya. "I'm single,pero gaya nga ng sinabi ko before sa E-Live, I'm seeing someone and, so far,happy naman. Exclusively dating yata ang tawag dun. Pero ako kasi, it's firsttime for me na parang date. Kasi all my past relationships, ligaw talaga."

Hindi rin itinago ni Bianca na ang mga heartaches napinagdaanan niya ang rason kung bakit hindi siya padalus-dalos ngayon sapagpasok sa isang relasyon.

"Nothing holding back except me. Parang, di ba, pag naransanmo na yung heartaches, gusto mo next time maging mas sure ka? For me, dahilsobrang kakakilala pa lang namin, gusto ko pa talaga na mas kilalanin siyatotally.

"Saka bata pa naman ako, I'm only 25, parang hindi pa namanako natatakot. Pag tinatanong ako, ‘Ilang taon ka na ba?' Sasabihin ko 25, ‘Ohmy God! Take your time, you're still young. Enjoy life.'"

Sa ngayon ay visible si Bianca sa mga shows ng ABS-CBN,Cinema One, at TV5.

"I do a show for TFC and a show in TV5, yung I AmNinoy. I have Y Speak [in Studio 23]and E-Live [in ABS-CBN],"banggit ni Bianca. "I'm very happy with all my shows, especially with E-Livekasi naka-one year na yung show. So parang ngayon kami nakapag-form kung anotalaga ang identity ng show. Yung chemistry ng mga hosts, we're okay na okay.Sobrang enjoy namin every episode talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
"Saka dito, lahat kami naggu-grow ng sobra-sobrakasama ang show na ito. Sa pag-handle hindi lang ng mga intriga with otherpeople, pero with us na rin. Sobra din kaming inaalagaan at inaalalayan nglahat ng mga staff."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN