Mark Bautista denies "tikiman" rumor with Rufa Mae Quinto

"Oo, nai-invite niya ako sabahay nila pag may okasyon, pero walang tikiman. Seryoso ako, walangnangyari sa amin," says Mark Bautista about a rumor that he and Rufa Mae Quinto had a one-night stand.



Isa pala si Sarah Geronimo sa rason kung bakit hindinagawang ligawan ng singer-actor na si Mark Bautista ang co-star niya sa Status: Single na si Rufa Mae Quintonoong mga panahong malapit sila sa isa't isa ng sexy comedienne.

Pag-amin ni Mark, bukod sa wala raw siya talagang intensiyonna ligawan si Rufa Mae, natakot daw siya kay Sarah ng mgapanahong nali-link sila ng sexy comedienne. Sabi nga ni Mark, malakas angimpluwensiya ni Sarah sa kanya lalo na kapag nasisita na siya ng singer.

"Takot ako kay Sarah!" natatawa niyang sabi. "Kuya niyaako, pero ako yung takot sa kanya. Pag kinu-korek ako niyan, sumusunodako sa kanya. Lalo na kapag nasa abroad kami pag nagsu-show kami. Pagmay napansin ‘yan sa akin at sasabihin niya na ganito, sumusunod naman ako. Grabeng manita ‘yan [Sarah], lahat napapansin!

"Yung kay Rufa Mae,hindi naman siya nanita or nagtanong. Basta sinabi lang niya ‘Oy, ang dami-damingnali-link sa iyo, ha.' Alam ko naman kung sino yung tinutukoy niya kaya behavena lang ako," kuwento ni Mark.

NO SHORT-LIVED ROMANCE." Sumusumpa si Mark na walang short-lived relationship nanamagitan sa kanila ni Rufa Mae. At lalong hindi kailanman sumama angloob niya kay Erik Santos noong maging kasintahan nito ang sexy comedienne.

"Wala talaga akong intensiyon na ligawan si Rufa Mae," giitni Mark. "Hanggang text-text lang kami. Hindi siya inagaw sa akin niErik. Hindi naman naging akin talaga si Rufa Mae. Nagkataon langtalaga na nagkasama kami sa concert, nag-guest ako sa kanya. Nagingka-textmate ko siya after the concert, pero wala talagang nangyari. Friendlytext lang yun."

Dagdag niya, "Saka, hindi kami puwede. Masyadongmalakas ang dating ni Rufa Mae. Intimidating."

Napangiti si Mark at pinamulahan ng mukha sa isyung "nagkatikiman"sila ni Rufa Mae kahit wala silang relasyon noong naging close sila. Nangyariraw ang "tikiman" sa bahay ng aktres noong mga sandaling dumadalaw siya sabahay nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala naman," tanggi ni Mark. "Oo, nai-invite niya ako sabahay nila pag may okasyon, pero walang tikiman. Seryoso ako, walangnangyari sa amin.

"Alam ninyo, kahit ganyan si Rufa Mae na palabiro, seryoso ‘yangtao at malaki ang respeto ko sa kanya. Napaka-friendly lang niya at sakanapakabait na tao kaya minsan nami-misinterpret ng marami."

Inamin ni Mark na hindi ang tipo ni Rufa Mae ang gustoniya. Mas type niya ang mga mas bata kesa sa kanya. Pasok ang mgagaya nina Sarah at Megan Young sa panlasa ng singer-actor.

"Gusto ko kasi yung ako yung kinu-correct. Parangbine-baby kahit ako yung kuya!" natatawang sabi ni Mark.

Balewala kay Mark kung nali-link man ngayon kay Rufa Mae angisa sa mga co-star nila sa Status: Single na si Jon Avila.

"Okey lang yun. Mas bagay naman silang dalawa, e,"nakangiti niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN