Glaiza de Castro says Patrick Garcia does not yet meet her criteria for a boyfriend

"Malalaman mo lang kung okey ang tao sa personality niya. In spite of all the negative experiences, nasa tao pa rin yun. It's how he takes it. Kung paano siya bilang tao," says Glaiza de Castro about the issues against rumored suitor Patrick Garcia (inset).


Actress Glaiza de Castro turned 21 last January 21. Pero hindi raw nagpapaka-showbiz si Glaiza sa pagsasabing wala pa rin siyang naging boyfriend at her age. In fact, hindi pa rin daw niya nae-experience ang makipag-date sa isang guy na silang dalawa lang.

Aminado si Glaiza na medyo naiilang siya na lumabas kasama ang isang suitor o would-be suitor sa isang private date. Pero dahil marami ang naglalabasang balita about her and Patrick Garcia—na madalas daw silang nakikitang magkasama—totoo bang nagde-date na sila ni Patrick na silang dalawa lang?

"Wala po. Wala pong ganoon, palagi pong may kasama," sagot ni Glaiza sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Natawa ang young actress nang sabihin namin na nagde-date pala sila ni Patrick.

"Hindi naman po yun date," biglang bawi ni Glaiza. "At saka, wala naman pong talaga. Hindi po showbiz, pero wala lang po talaga. Kaibigan lang po."

Sa isang episode ng Showbiz Central ay pinag-aralan ng isang psychologist ang pagsagot ni Glaiza sa interview sa kanya tungkol sa kanila ni Patrick. Ayon sa psychologist, parang alam na raw ni Glaiza ang itatanong sa kanya at confident siya sa magiging sagot niya. Hindi rin daw nagde-deny si Glaiza habang ini-interview. May impression din na may pag-asa kung anuman meron sa kanila ni Patrick.

Ano ang masasabi ni Glaiza rito?

"Hindi ko nga alam yun na may mag-a-assess pa pala na psychologist," sabi niya. "Actually, natatawa ko. Kasi hindi ko rin naman expected ang mga itatanong, contrary sa sinasabi ng psychologist na alam ko raw ang mga itatanong sa akin."

So, kung sakali, will she fall for Patrick?

"Hindi ko alam. Hindi ko pa naman siya kilalang talaga," sagot ni Glaiza.

Noong birthday niya, bumati at nakasama ba niya si Patrick?

"Hindi po. Nag-greet naman siya before my birthday. Pero noong birthday ko mismo, ang kasama ko po ang family ko. Nasa isang resort kami sa Tarlac."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Galing mismo kay Glaiza na never pa siyang nagkaroon ng boyfriend. If ever, magiging problema ba sa kanya ang ilang isyu kay Patrick, lalo na tungkol sa unsettled issue nito with Jennylyn Mercado and their son?

"E, hindi ko po alam," sagot ni Glaiza. "Pero lahat naman po, nasa tao naman po yun. Malalaman mo lang kung okey ang tao sa personality niya. In spite of all the negative experiences, nasa tao pa rin yun. It's how he takes it. Kung paano siya bilang tao."

Diniretso na namin si Glaiza na sa tingin namin, tila may effect si Patrick sa kanya, at yun din siguro ang napansin ng psychologist sa kanya.

"Babae lang naman din po ako at tao. Isa sa essence ng pagiging babae ang vulnerability. So, kung may nakikita man sa actions na ganoon ang dating, siguro ito nga yung fact na ako'y isang babae lamang," saad ni Glaiza.

Pero aniya, "Still, hindi ibig sabihin nun na ‘yon na nga ang aking nararamdaman. Actions, too, can be deceiving, you know."

Wala pa ba talagang nakakapagpatibok ng puso niya?

"Wala pa nga, e. Masyado yatang mataas ang qualifications ko!" natatawa niyang sabi.

Sa qualifications na sinasabi niya, papasa kaya si Patrick dito?

"Hindi ko pa nakikita, e," mabilis at diretsong sagot ng Gagambino star.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN