Marian Rivera slated to do three movies this year

Actress Marian Rivera will be very busy this year. Aside from her new primetime series in GMA-7 with Dingdong Dantes, Marian is also scheduled to do three movies for Regal Entertainment in the Year of the Ox.



Natanggap ng unconfirmed report ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na mapapaaga angpremiere episode ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, ang bagongprimetime series nina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa GMA-7. Sa halip na February 9, ay February 2 na raw ipalalabas ang action-suspense-drama dahil sa kahilingan ng maraming fans. Nami-miss na raw nilang mapanoodregularly sa TV ang favorite love team nila.

Excited ang fans ni Marianna mapanood siyang patalun-talon sa mga bakod at buildings at patakbu-takbo sapag-iwas sa mga taong mayroon siyang atraso. Pinananabikan din ng fans namapanood ang eksenang nag-swimming siya na naka-two-piece, na first time niyangginawa. Kung dati ay may nakatakip sa katawan ni Marian ‘pag naka-two-piece,gaya noon sa Marimar, dito sa Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang ay all-outsiya sa pagrampang naka-two-piece.

Kung totoong saFeb. 2 na nga ang pilot ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang,hindi mangangarag ang cast at ang direktor nitong si Joyce Bernal dahil maramina silang na-tape na episodes at tuluy-tuloy rin ang taping nina Marian atDingdong.

Pansamantala langsilang matitigil mag-taping dahil pupunta ang dalawa sa Guam sa Feb. 5 paramag-guest sa concert nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez.Hanggang Feb. 7 sila roon at sa kanilang pagbabalik, ratsada na uli silasa taping dahil 16 weeks tatakbo ang bago nilang soap.

In fact, ang tapingng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang ang isa sa mga rason kung bakitsa April pa puwedeng gumawa ng pelikula si Marian. Gusto muna niyang mag-focussa soap nila ni Dingdong bago tumanggap ng ibang trabaho.

MOVIE PROJECTS.Nalaman din ng PEP na tatlo at hindi lang dalawang pelikula ang gagawin niMarian this year. Uunahin niya ang romantic-comedy movie, kapareha ang isangpopular actor. Bawal ang spoiler, kaya wala munang clue kung sino ito.

Sunod na gagawin niMarian ang Tarot nila ni Dennis Trillo, pang-Halloween presentation ng Regal. Kaya baka sa last week ng October o sa first week ng November paito mapapanood.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Panghuling movie project ni Marian this year ang pinakabongga sa lahat. Yunnga lang, bawal pang isulat o magbigay ng clue kung ano ang project na ito.

Nilinaw ngisang source sa PEP na yung napabalitang pelikula nina Marian at Vhong Navarro ay ini-exploreat pinag-uusapan pa lang, at hindi talaga kasama sa three-movie projects niMarian this year. Pero dahil sa positive feedback at marami ang natuwa,posibleng ituloy ito ng Regal. Maganda rin naman kung may ibang makakapareha siMarian at kuwela kung all-out comedy ang gagawin nila ni Vhong.

FANS FROM CEBU &TARLAC. Nasulat na pinagkaguluhan si Marian sa Cebu nang pumunta siya para saSinulog Festival. Umuwi siya na isang balikbayan box ang regalong natanggapmula sa kanyang fans. Isa sa regalo sa aktres ang imahe ng Sto. Niño nakarga-karga nito pabalik ng Manila.

Isa pang ikinatuwani Marian sa pagpunta niya ng Cebu ay na-meet niya ang members ng MariannettesCebu Chapter. Sa kanila galing ang napakaraming regalong inuwi ni Marian atfeeling ng aktres, parang nag-abroad siya sa dami ng natanggap na regalo.

Kung pinagkaguluhansi Marian sa Cebu, mas grabe raw ang welcome sa kanya sa Tarlac nang pumuntasiya roon para dumalo sa fiesta.

"Pinakagrabe angnangyari sa Tarlac! Parang sa Tacloban City na halos ang buong population ngcity ang lumabas at naghintay para siya'y makita. Sabi ng mayor ng Tarlac,Marian made history noong January 19. Nag-motorcade siya, pero dahil sa dami ngtao, madilim na, hindi patapos ang motorcade," kuwento ng isang source na malapit kay Marian.

AVOID CONTROVERSIES. Natutuwa si Marianna humupa na ang sunud-sunod na isyu sa kanya. Nangako siya sa manager niyangsi Popoy Caritativo na hangga't magagawa niya, iiwas siya sa kontrobersiya.Kaya hindi na siya nag-comment sa paisa-isang negative issue na nasusulat parin sa kanya.

"Natuto na ako andthis year, sa positive things na lang ako magpu-focus at sa aking trabaho,"sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag ni Marian,"Ginagawa namin lahat ni Dingdong para magustuhan ng fans namin at ng viewersang Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang. Ibang Dingdong as Homer atibang Marian as Prosferina ang mapapanood nila rito. Kahit kami, excited na sapag-ere ng bago naming soap. Promise, matutuwa kayo sa mga ginawa namin dito naibang-iba sa ginawa namin sa Marimar at Dyesebel."

Ipinarating naman ngPEP sa isang senior program manager ng GMA-7 ang reklamo ng ilang viewers satamang spelling ng title ng bagong soap nina Marian at Dingdong. Dapat daw ay "AngBabaing" at hindi "Ang Babaeng" ang tamang title. Pero sabi ng kausapnamin, sinunod lang nila ang title ng movie na pinagbasehan ngsoap.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN