ABS-CBN is not about to let go of Niña Jose

Former Pinoy Big Brother Teen Edition housemate Niña Jose was reportedly offered two ABS-CBN shows after news came out that she auditioned for the role of Richard Gutierrez's leading lady in Zorro.



Tinawag na "goddess" ng mga boy housemates sa unang PinoyBig Brother Teen Edition, sumasabay ngayon sa kasikatan si Niña Jose sa paresnina Kim Chiu at Gerald Anderson kung exposure lang din ang pag-uusapan. Sapagtatapos ng Your Song Presents My Only Hope, inihiwalay na si Niña sa paresnina Kim at Gerald na nagsimulang maging triangle sa una nilang proyekto na MyGirl.

Kung napabalita mang nag-audition si Niña para sa isa sa dalawang slots ng leading ladyni Richard Gutierrez sa Zorro ng GMA-7, may dalawang offers agad nanatanggap si Niña sa ABS-CBN kung kaya't mas pinili niya na lang na mag-stay sahome network niya. Hawak nangayon ng DMV Entertainment ni Manny Valera ang showbiz career ng young actress.

Isa si Niña sa magbibida sa TV remake ng Regal Films classicna Temptation Island, na binabalak ng ABS-CBN na gawing pang-hapon na soap.Ipinalabas noong 1980 sa direksiyon ni Joey Gosiengfiao, ang Temptation Islandsa apat na contestant—at isang tsimay—ng Miss Manila Sunshine Beauty Pageant nana-stranded sa isang island kasama ng ilang kalalakihan.

Nagbida rito sina Dina Bonnevie, Azenith Briones, JenniferCortes, Bambi Arambulo, at Deborah Sun. Pinagpipilian pa kung kaninongcharacter ang ibibigay kay Niña.

May isa pang inu-offer na show kay Niña ang ABS-CBN na pang-primetimenaman, ang remake ng Mexican soap na Passion de Amor.

Samantala, isa pa sa mga taga-ABS-CBN na balitang nag-auditiondin para sa Zorro ni Richard ay ang Star Magic Batch 11 member na si CarlaHumphries, na huling napanood sa Ligaw Na Bulaklak. Nakasabay ni Carla angilang Kapuso stars na nag-audition sa unang araw nito noong isang Biyernes sinaIsabel Oli, Iwa Moto, Rhian Ramos, at Glaiza de Castro.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN