Singer Mark Bautista concentrates on acting this year

"Hindi ko naman pinaplano na dapat sunud-sunod ang paggawa ko ng movie. Nagkataon lang talaga, pero siyempre gusto ko rin naman umarte. Pero may gagawin pa rin kaming mga concert. Hindi pa rin nawawala ang mga singing engagements ko," says singer-actor Mark Bautista.


Mas madadalas ang paggawa ng pelikula ni Mark Bautista. Ito ang ipinahayag ng singer-actor nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Status: Single na tinatampukan ni Rufa Mae Quinto sa title role.

Sa pelikula na idinirek ni Jose Javier Reyes, ginagampanan ni Mark ang role ng first boyfriend ni Rufa Mae, isang probinsiyano na may accent kapag nagsasalita. Pero kapag English naman ang kanyang dialogue ay may American twang naman.

"Kakaiba ang role ko kasi pagsalita ako, may Visayan accent pero pag nag-English parang may American twang naman. First time ko gumanap ng ganitong karakter. Masarap kasama sa eksena si Rufa Mae kasi para lang kayong naglalaro sa eksena," kuwento ni Mark, na huling napanood sa pelikulang Baler.

Dahil daw sa chance na makatrabaho sina Direk Joey at Rufa Mae kaya tinanggap ni Mark ang offer to do Status: Single. Isa pa, blessing ang trabaho kaya sino naman daw siya para tanggihan ito? Kung sa Baler ay medyo heavy ang role, dito naman sa movie with Rufa Mae ay comedy naman at magaan ang dating.

First time din niya to work with Direk Joey at nag-enjoy siya sa experience.

"Mabilis magtrabaho si Direk Joey. Hindi kami inaabot ng madaling-araw sa shoot," kuwento ni Mark. "Napanood daw niya ako sa sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya at natuwa raw siya rito."

Dagdag niya, "I will be doing more movies this year. After this, gagawin ko naman ang movie na Sundo with Robin Padilla for GMA Films. Ako ang lalabas na driver ni Robin.

"Hindi ko naman pinaplano na dapat sunud-sunod ang paggawa ko ng movie. Nagkataon lang talaga, pero siyempre gusto ko rin naman umarte. Pero may gagawin pa rin kaming mga concert. Hindi pa rin nawawala ang mga singing engagements ko," paniniguro ni Mark.

DATING WITHOUT COMMITMENT. Bagamat walang nababalita about his love life, inamin naman ni Mark that he's dating pero wala pa nga lang commitment. "Siyempre naghahanap na rin naman ako ng para sa akin. Pero dating pa lang naman."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Sarah Geronimo, hindi ba niya niyayang mag-date?

Si Sarah naman, sobrang busy ngayon. Sa phone ko lang siya nakakausap. Hindi naman siya puwedeng lumabas na siya lang mag-isa. Alam naman natin lahat ‘yon na focused si Sarah sa work at sa family niya," pahayag ng balladeer.

POP ICONS. Pangarap pa rin ni Mark hanggang ngayon na magkaroon ng solo concert sa Araneta Coliseum. Pero may post-Valentine naman sila nina Piolo Pascual, Sam Milby, Erik Santos, at Christian Bautista sa February 21 titled Pop Icons na sila rin ang mga producer. Si Rowell Santiago ang director, with Louie Ocampo as musical director.

"Parang ini-establish lang namin na we are all pop artists. Kami rin ang producer nito. Kami-kami kasi ang laging magkakasama, so sabi namin, bakit hindi kami mag-produce ng sarili namin concert? Kung maging successful ito, sana magkaroon din kami ng provincial shows o kaya naman ay US tour," saad ni Mark.

May concert tour din abroad si Mark with Sarah, Billy Crawford and Charlie Green.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN