Showbiz predictions in the Year of the Ox

Are we going to hear wedding bells for Regine Velasquez and Ogie Alcasid this year? Madam Suzette Arandela (inset) predicts: Possible...


Year 2009 is the Year of the Ox. At ngayong araw na ito ng January 26 ang opisyal na pagsisimula ng nasabing Taon ng Baka. In general, ang Ox raw ay sign ng kasaganaan, katatagan, at kasipagan. Very nurturing daw ang kanyang character. Ano kaya ang hated niya sa mundo ng showbiz?

Narito ang mga posibleng kaganapan sa taong ito, ayon sa hula. Para sa mga pangalan ng artistang mababanggit, uulitin po ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na pawang hula lamang ang mga isasaad sa artikulo na ito, ibig sabihin, maaaring mangyari, maaaring hindi.

Ayon sa nababasa ni Madam Suzette Arandela sa kanyang tarot cards, magiging maaliwalas ang mga pangyayari sa showbiz industry. Maraming mga pelikulang lokal ang tatangkilikin ng masa na magiging daan para mahikayat ang maraming movie producers na gumawa ng mga pelikula.

Siyempre, hindi rin mawawala ang mga panaka-nakang kaguluhan sa taong ito dahil hindi mawawala ang mga iskandalo at hiwalayan sa mga artista.

Dagdag pa ng kilalang psychic at feng shui consultant, "Sa Year of the Ox, may nakikita akong hiwalayan sa show business, at ang tinutukoy dito ay dalawang sikat na mga couple...."

Nagbigay din ng komentaryo si Madam Suzette sa hiwalayang Jolina Magdangal at Bebong Muñoz . Aniya, ito raw ay dulot ng pagkakasawaan dahil sa mahabang taon ng kanilang relasyon bilang magkasintahan. Malabo na raw silang magkabalikan dahil masaya na si Bebong sa kanyang newfound love at si Jolina naman, eventually, she will settle with a non-showbiz guy.

Ang maingay na relasyon naman nina Paolo Contis at Lian Pazng EB Babes ay hindi magtatagal. Hindi na nagdetalye pa si Madam Suzette tungkol dito.

Tunghayan natin ang naghihintay na "kapalaran" ng ilan pa sa mga sikat na mga artista sa Taon ng Baka:

REGINE VELASQUEZ-OGIE ALCASID. "Ang nakikita ko sa kanila ay sila na, eh. They are old enough, matured na sila at alam na nila ang mga weaknesses, yung strength ng bawat isa. Yung nakikita ko kay Regine ay nauunawaan niya si Ogie at ganun din naman si Ogie."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


JUDY ANN SANTOS-RYAN AGONCILLO. "Ang alam ko, kasal na sila. Secretly married na at looking forward na magpapakasal sila kahit sa simple wedding. 'Saka, nakikita kong magbubuntis si Judy Ann sa taong ito, and possibly, maari na mayroon na."

DINGDONG DANTES-MARIAN RIVERA. "Sina Dingdong at Marian na talaga pero hindi ko nakikitang magtatagal ang relasyon na 'to na kagaya ng pagtatagal ng relasyon nina Dingdong at Karylle noon, not unless din, si Marian ay magbago sa kanyang attitude...Kung hindi, hindi ko nakikitang haharap sa altar ang dalawang ito."

RICHARD GUTIERREZ-KC CONCEPCION. "Magkakaroon pa lang sila ng simula ng magandang pagtitinginan pero it doesn't mean na magkasintahan na ang dalawa. Wala pa akong nakikitang magkakatuluyan ang dalawang ito. Although as a love team, successful silang dalawa, maghi-hit ang kanilang mga pelikulang pagtatambalan."

ANGEL LOCSIN-LUIS MANZANO. "Ang nakikita ko sa kanila, talagang sila'y nagmamahalan at ayaw nilang mawala sa isa't isa. Si Angel yung type na serious at maaring in the future, kapag hindi nagbago, sila na talaga."

ANNE CURTIS-SAM MILBY. "Hindi ko nakikitang magkakabalikan sila. Wala pa this time, not in the near future. Open pa rin sila sa bawat isa, mayroon pa rin love. Mayroon lang silang hindi napagkakasunduan. Kailangan nilang magbigayan at kailangan may adjustments para magkaroon sila ng bonding."

KIM CHIU-GERALD ANDERSON. "Sila na talaga. Na-develop sila sa isa't isa. Mayroon silang mga pelikulang gagawin pero up and down ang kanilang relationship."

JENNYLYN MERCADO-PATRICK GARCIA. "Sa ngayon, wala pa akong nakitang possibility na magkabalikan sila dahil masyadong nasaktan si Jennylyn sa pangyayari at hindi pa siya handa sa reconciliation...."

JOHN PRATS-SHAINA MAGDAYAO. "Sa tingin ko sila na. Pareho silang in-love sa isa't isa. Ayaw pa nilang ipakita sa tao na sila na nga. Inaalagaan pa nila ang kanilang career, bata pa si Shaina at ayaw niyang masira ang kanyang career dahil sa kanilang relasyon ni John."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PIOLO PASCUAL. "Ang nakikita ko sa kanya, successful pa rin siya sa taong ito. Maghi-hit ang kanilang pelikula ni Angel, magiging busy pa rin siya sa taong ito at nandodoon pa rin siya sa itaas. Wala pa siyang balak mag-asawa kasi naka-focus siya sa kanyang career."

SARAH GERONIMO. "Si Sarah, mas sisikat ngayong 2009. Nandoon pa rin siya sa itaas at marami akong nakikitang mga pelikulang gagawin niya na talagang kikita. Kahit sino ang itatambal sa kanya, kikita ito."

JOHN LLOYD CRUZ. "Bankable pa rin si John Lloyd, mag-aakyat siya ng maraming pera sa ABS-CBN. Pagdating sa lovelife, pabago-bago siya, mayroon na naman akong nakikitang bagong babae sa buhay niya."

JERICHO ROSALES. "Posibleng magkaka-award... Medyo lalamlam ang career niya bago matapos ang taon dahil mas naka-focus siyang mag-show sa ibang bansa."

BEA ALONZO. "Masasapawan siya ni Sarah Geronimo 'pag hindi siya mag-ingat. Posibleng mawala siya sa limelight, posibleng mabuntis o magkakaroon siya ng iskandalo."

Sa pangwakas ni Madam Suzette, mayroon din siyang na-vibes na ilan sa mga beteranong artista ay mamamaalam, sanhi ng katandaan at karamdaman. Mayroon din siyang nakikitang ilang kabataan na maaaksidente at mayroon din masasawi.

Matatandaan nating isa si Madam Suzette ang humula na isa sa mga StarStruck graduates ang masasawi bago matapos ang 2008, at nangyari nga ito kay Marky Cielo. Nahulaan din nito ang paghihiwalay nina Dingdong Dantes at Karylle.

Again, sasabihin muli ng PEP na ang mga nabanggit ay base sa kanyang nabasa sa tarot cards. Gaya ng Baka, kung gusto niyong suwertehin sa taong ito, maging masipag sa trabaho, at kung gusto niyong bumuti ang inyong kalagayan sa buhay, maging mabait. Sigurado yun.

Kung Hei Fat Choi!

(Sa mga gusto kumunsulta kay Madam Suzette, tumawag sa mga numero 714-62-26 at 994-59-91 para sa appointment.)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN