Derek Ramsay is proud of relationship with Angelica Panganiban

"When you go into a relationship, kaya nga relationship, you see that you can go to that higher step. But this is the only one where I am making an effort to take her to that step," says Derek Ramsay about being more serious in his relationship with girlfriend Angelica Panganiban.


Second time na ng magkasintahang sina Derek Ramsay at Angelica Panganiban na ma-feature sa Your Song, ang Sunday afternoon drama anthology ng ABS-CBN. Sina Derek at Angelica ang mga bida sa February episode na natapat din namang love month.

Ayon kay Derek, aminado siya noon pa man na mas mahirap for him kapag si Angelica ang katrabaho niya. Pero dahil more than two years na rin sila together, mas malaki na raw ang nakikita niyang kaibahan ngayon magmula noong una nilang episode sa Your Song.

"Sinabi ko noon na weird na mas mahirap ngang magtrabaho na kami na. Pero ngayon naman, mas comfortable na. Pero yung dati, mas mahirap talaga yun. I found it harder, parang may barrier noon," sabi ni Derek sa PEP (Philippine Entertainment Portal) nang bisitahin namin ang taping nila ng Your Song kahapon, January 25, sa clubhouse ng Tivoli Royale sa Quezon City.

GOING ON THREE YEARS. More than two years na raw ang relasyon nila ni Angelica at maipagmamalaki ni Derek na going stronger pa rin ito. Naniniwala naman si Derek na kahit paano ay maganda pa rin ang may konting mystery sa pagitan nila, bagama't nandoon pa rin ang openness nila.

"You should keep some stuff to yourself. Hindi ko sinasabi na you should lie to your partner or hide something. But there are certain things na, you know, later on, baka I might open up but there are things that I like to keep for myself."

September 13 nang magkakilala sila, pero August 16 na raw the following year yung official na naging sila. Kaya sinasabi talaga nila noon na hindi pa sila bagamat marami ang nagsasabi na sila na.

"I always said na kung kami na, we'll open up. E, di ba, ang tagal na naming magkakilala? But we took the time to get to know each other."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakakaaliw ang kuwento ni Derek nang maging officially sila ni Angelica.

"We went to a bar, natatandaan ko pa. And then, for some reason that night, pardon my French, but I grew the balls to hold her hand! Kasi torpe ako, e. That night, I grew my balls and I knocked my hand underneath the table and just held her hands. Nandoon pa yung mga friends niya.

"So, lumaki na lang ng lumaki yung balls!" natatawa niyang sabi.

PROUD OF THEIR RELATIONSHIP. Coming from a guy, nakakatuwa nga sigurong marinig nang sabihin ni Derek na very proud siya sa relationship nila ni Angelica. Kaya okey lang daw sa kanya kahit nagiging very open na sila.

"Ako, proud ako about our relationship," sambit niya. "So, it's nice to talk about it. Sometimes, when you get lost in a work, hindi mo naiisip or hindi mo napag-iisipan yung relationship n'yo. So when times like this, it's nice... For me ha, hindi ko alam sa kanya. Pero, it's nice, ha, it makes me feel good that I can talk about our relationship, especially in front of her."

Pero hindi raw nawawala ang mga tampuhan sa relasyon nila.

"In every relationship, may tampuhan. Kung wala, boring ang relationship. Di ba nga, may saying na kapag nag-away, ang sarap ng feeling na mag-make up? So, minsan, aawayin ako para yung purpose mag-make up!" natatawang sabi ni Derek.

Ano yung madalas na cause ng tampuhan?

"Most common is, ‘eto, kailangan siguro siyang maintindihan. Sometimes, I always feel na bad mood siya. Pero ganoon lang siya sometimes. ‘Ano'ng problema mo?' Tapos gaganun ‘yan, ‘Wala naman akong problema.' Lalong magiging masungit. ‘O, tingnan mo may problema.' Tapos, dun na. Bad mood na siya, ako rin!"

Ayon kay Angelica, hindi raw kasi siya sinasakyan ni Derek ‘pag ganoon na ang moods niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pinapatulan ko siya! Kasi, I'll tell her how to stop it, huwag kang pumatol" natatawa namang sabi ni Derek.

Mabilis ang sagot ni Angelica when asked kung sino ang mas mature sa kanila ni Derek—siya raw!

"Ako, hindi?" protesta naman ni Derek. "Dapat ganoon. Minsan mature ka, minsan hindi."

What makes this relationship different from his previous relationships?

"A lot! I'll say I'm more mature now and it's a lot!"

More serious?

"You can say that. But when you go into a relationship, kaya nga relationship, you see that you can go to that higher step. But this is the only one where I am making an effort to take her to that step."

SOAP WITH JUDAY. Sa huli, kinumusta namin kay Derek ang teleserye nila ni Judy Ann Santos sa ABS-CBN, ang Habang May Buhay. Kailan na nga ba ito maieere?

"Well, start taping na ulit kami next week," pagbabalita niya. "Nag-resume na kami, pero ako, start taping pa lang next week. They said na end of February raw kami mag-e-air. Hopefully...hopefully."

Nakakaramdam ba siya ng frustration na matagal bago ito naere?

"I understand naman," sagot ng aktor. "Medical ‘to. Hindi namin puwedeng madaliin ‘to. Alam natin na ang Filipino nurses are the best around the world. Alam ko, in England, kapag nagtanong ka kung anong klaseng nurse ang magaling, sasabihin nila Filipino. So, hindi namin ‘to puwedeng madaliin at baka mapahiya tayo. In a way, we're also representing the nurses community which is really big, so we really wanna do it right."

"It's a lot of hard work. Isang taon na naming ginagawa. Pumunta pa kami ng San Francisco. But at the end, I'm sure, it will pay off. Ang ganda ng istorya," pagtatapos ni Derek.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN